Chapter Eighteen

129 9 0
                                    

Elizabeth's POV:

Lumipas ang ilang araw mula noong birthday ko. Mag su-summer break na! Kaso sa ibang bansa ako magsu-summer. So sad. First summer ko pa naman sana ito kasama si Angel. Pero of course! Gagala muna kami bago ako aalis!

"All set?" tanong ni Zack pagkasakay niya sa driver's seat. Dala namin ang SUV niya papunta sa beach!

"YES!" masigla nilang sigaw mula sa likod. While me, walang kasigla sigla ang pagsagot ko ng yes. Si Josh naman ang nasa passenger's seat kaya magkatabi kami ni Angel at si Matt at Leigh naman ang magkatabi sa likod.

Ang sabi ni Angel ay ako at siya lang ang pupunta sa beach, hindi ako na inform na kasama silang apat.

"Cheer up men! The more the merrier!"

"Porket bati na kayo ni Matt eh isasama mo na sila" nakanguso kong sabi. Kunyare nagtatampo. Namula naman ito kaagad at umiwas ng tingin. Tsk! Edi siya na may lovelife!

Nagpapatugtog at nagtatawanan lang kami sa loob ng SUV hanggang sa makatulog ako. Mag sta-stay kami sa isang resort na ang nagmamay ari ay ang mga magulang ni Zack.

Nakarating kami doon pagkatapos ng apat na oras. Ang layo noh? Pero worth it naman kasi isipin niyo, mag sta-stay kami ng 2 days sa isang malaparaiso na lugar! AACCKK!!

Pagkababa ko palang ay tumakbo na ako kaagad sa dagat at binasa ang mga paa ko. Waah! Sobrang ganda ng paligid! Nakakainis lang kasi ang daming naka bikini na nilalantad talaga ang katawan nila. Hmp! Edi kayo na may sexy na katawan! At least ako maganda!

Tumakbo ako pabalik nang tawagin na ako ni Angel para mag check-in. Pagpasok ko ng hotel ay naglalakad na sila papunta sa elevator kaya sumunod na ako. Dala dala na ng bellboy ang aming maleta.

Nang tumigil na sa 5th floor ay hinanap na namin kaagad ang room number namin. Suite ang kinuha nila with 3 rooms inside, so like, tig dalawa sa isang room. Me and Angel, Leigh and Matt, Josh and Zack. Pagpasok namin ay namangha na ako kaagad sa lawak at ganda ng loob. Waah!

Patalon akong humiga sa kama pagpasok namin ni Angel sa kwarto namin at siniksik ang sarili ko sa unan. Ugh! Ang lambot! Dapat ganito lahat ng kama sa buong mundo eh!

"Hindi tayo pumunta rito para matulog ka lang!"sabay hampas sa pwet ko kaya napabangon ako.

"Kita mo naman na pagod tayo sa byahe diba?" irap ko at lumapit sa glass mirror na tanaw na tanaw ang beach. Waah! Napaka linaw ng tubig! Kita ko rin ang mga tao sa ibaba na parang mga langgam mula dito sa pwesto ko.

"Kaya nga kakain muna tayo tapos lalangoy ng kaunti. Kaya magbihis ka na ng bikini mo" nakapameywang na sabi nito. Niyakap ko ang katawan ko. Myghad! Napakabata ko pa po para magsuot ng bikini! Ni wala nga akong dala eh!

"W-wala akong dala! WAHAHA!" tumawa ako ng evil laugh dahil nakalusot ako! Yes! Ayokong nilalantad ang katawan ko para sa mga mata nila noh! Di mo alam pinagnanasaan ka na pala! Ew!

Angel grinned like she already thought of it.

"I have extras" nakangisi pa rin nitong sabi. Tatakbo na sana ako palabas para tumakas pero nauna na itong tumakbo palapit sa akin at kinaladkad ako papasok sa bathroom.

"Ayoko!" pagpupumiglas ko pero nakaharang na siya sa pintuan.

"Suot mo na! May cover naman ako dyan eh! Arte nito!"

"T*ena mo!" padabog kong kinuha ang bikini sa kamay niya na color black at sinuot iyun. Nakasuot na rin kasi siya ng bikini na white at see through dress. Nahihiya ako! Wala naman akong tinatago eh, charot. Pagkalabas ko ng bathroom ay nagskin patch lang ako at nag cover up na rin tulad ng kay Angel at tinali ang buhok ko into messy bun.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon