Chapter Forty

50 6 0
                                    

Elizabeth's POV:

"I'm glad you can make it" bungad sa akin ng mommy ni Babe pagkababa ko ng kotse.

Nakangiti ako nitong sinalubong ng yakap na tinanggap ko naman. Kumalas na kami sa pagyakap.

"I didn't know you brought someone"

Taka ko siyang tinignan. Tinuro nito ang likod ko. Paglingon ko ay ganun nalamang ang gulat ko nang makita si Leigh. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"What the--"

"Baby~"

Tumakbo palapit sa akin si Leigh at inambahan ako ng yakap pero agad akong umiwas.

Napakamot ito sa batok niya.

"Damot" bulong nito pero narinig ko naman.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinang asik ko at kinurot siya sa tagiliran niya.

"I invited myself" malawak na ngiting bulong nito sa akin pabalik.  Proud na proud pa sa ginawa niya.

"Paano ka nakapunta dito?" Bulong ko.

"I drived on my car, baby"

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinataas naman ng mga kamay niya sa ere.

"Chill. Sinundan lang naman kita"

Napanganga ako. What the-- kaya pala feeling ko may sumusunod talaga sa akin eh. Pero binalewala ko lang yun.

"Good morning po" bati nito sa nakangiting mommy ni Babe. Napapikit nalang ako ng mariin.

Ang tigas din ng ulo ng batang ito. Saan ba yan ipinaglihi?

"Napakagandang nilalang naman ng boyfriend mo Elizabeth"

Agad akong napamulat. Kitang kita ko kung gaano kalawak ang ngiti ni Leigh.

"Hindi ko po siya--"

"Salamat po" inunahan na ako ni Leigh. Sinamaan ko ito ng tingin at kinurot ulit sa tagiliran.

"Mommy Liz!"

Napalingon ako sa entrance ng hotel nang lumabas doon si Babe. Tumatakbo na ito ngayon palapit sa akin at inambahan ako ng yakap. Tinanggap ko naman ito.

"I missed you!" He said and kissed me on my cheek.

"Bawal yan bata. Akin lang dapat yan" sabi ni Leigh kay Babe kaya inapakan ko ang paa nito. Napatawa naman ang mommy ni Babe.

"I missed you too, Babe" nakangiti kong sabi pabalik. He giggled.

"Let's play!"

"Anak. Pagod pa ang mga iyan, let them rest first" pigil ng nanay niya but he pouted. Nagmamakaawa sa akin. Well, tama naman ang mommy niya. Pagod nga ako.

Nagising ako ng maaga at bumyahe ng walang tigil ng ilang oras. I could've used my helicopter but I won't use it for personal uses.

Pero sana ay ginamit ko nalang para di na ako nasundan ng lalakeng ito.

"I'm sorry, Babe. Pagod ako ngayon eh. Let's play some other time, okay?" Nakangiti kong sabi. Wala itong nagawa kundi tumango tango.

"Rest well ah" cute na pagkakasabi nito kaya tumango tango ako bago siya hinalikan sa pisngi.

Kinuha na ito ng nanny niya at umalis.

"I'm sorry Elizabeth. I have to go na rin. May meeting pa ako eh"

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon