Chapter Twenty Three

99 12 5
                                    

Elizabeth's POV:

Pagkarating ko sa school ay nabigla ako sa mga tumatakbong mga estudyante. Parang nagmamadali sila.

Hala! May event ba ngayon?! Did I forgot something?!

"Anong meron?" taka kong tanong sa sarili. Bakit sila nagmamadali? May namiss ba ako? Anong chismis?!

"Morning Elizabeth"

Napatalon ako dahil sa gulat nang bigla nalamang sumulpot sa harapan ko si Bruce.

"Kabute ka ba?!" naiinis kong sigaw. Sulpot kasi ng sulpot parang kabute! Lagi nalang! Baka masapak ko siya kapag ginawa niya iyan ulit.

"Sa mukhang ito kabute?" pagpapacute niya. Tumawa lang ako ng sarkastiko sa kaniya.

"Ano nga palang meron? Bakit parang nagmamadali sila?" taka kong tanong sa kaniya at tinuro ang mga tumatakbong mga estudyante na ikinakibit balikat niya.

"Tara puntahan natin" yaya niya na ikinatango ko naman. Sinundan lang namin ang mga tumatakbong estudyante papunta sa 2nd floor ng building.

Nagtutumpukan sila sa library. Madaming tao sa labas kaya nakisingit kami ni Bruce papunta sa harap. At nagulat nalamang ako nang may makitang nakahandusay na babae sa sahig at isang lalakeng nakasabit sa kisame.

Puno ng dugo at sugat ang kanilang katawan. May tama ng baril sa noo ang babae. Madami ring mga libro ang nakakalat sa sahig. May mga nakabantay na pulis sa pinto kaya hindi kami makapasok. Hindi ko napansin kanina ang mga pulis.

"Meron pa dw sa lab" rinig kong bulungan ng nasa likod ko kaya naglakad na rin ako papunta sa lab para makiusyuso.

Pagdating ko ay nagulat ako nang makitang may isang guro na bumubula ang bibig na nakahiga sa sahig. She's poisoned, I'm sure of it. May isa namang nakaupo sa upuan at may saksak ng kutsilyo sa puso. At may isa pang nakadapa at duguan ang ulo. I'm sure na may tama ng matigas na bagay ang ulo niya.

May mga nagkumpulan pa sa malapit ma c.r kaya lumapit ako at may nakasabit nanaman na babae sa kisame sa woman's restroom at isang lalake naman sa men's restroom.

May narinig nanaman ako na meron sa hall kaya pumunta ako dun at nakita ang isang guro na nakahandusay sa sahig at may butas sa sikmura. Meron pa dw sa swimming pool kaya pumunta ako dun at nakitang may lumulutang na lalake.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sino naman ang papatay sa kanila? Tsaka bakit dito pa? Hindi ako makalapit sa bangkay dahil bantay ito ng mga pulis. Tsaka paki ko sa kanila? Hindi ko naman sila close or kilala pero may iba akong pakiramdam. It feels like something bad is going on.

"Napakabrutal naman" sabi ni Bruce habang naglalakad kami pabalik sa classroom namin. Tama. Napakabrutal naman. Hindi sa paraan ng pagpatay kundi syam na tao ang walang buhay sa paaralan at nawala lamang kami ng isang araw.

Hindi man lang ba ito napansin ng security guard? Baka tulog nanaman siya at hindi na nag abalang mag ikot.

I have this feeling na hindi ito ginawa kagabi. I just have this feeling. You know instincts? I think my instinct is powerful. Also, pumunta rin kami ni Alec sa school kagabi para makuha ko ang kotse ko. At magkasama kaming pumunta sa office niya dahil may naiwan siyang papers. Madadaanan namin ang lab, library at ang restroom pero walang kahina hinala akong naramdaman.

And it's almost 11 p.m kami nandito ni Alec. I have this feeling na early in the morning ito ginawa. Kahit hindi ko makita ng malapitan ang mga bangkay ay napansin ko ang dugo nila. It's still freshly flowing out of their body and their skin is not as pale as a hours corpse.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now