Chapter Twenty Eight

79 11 0
                                    

Elizabeth's POV:

"I like you"

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung sabihin sa akin ni Leigh na gusto niya ako at yan na ata ang naging bukang bibig niya. Sa umaga, tanghali at gabi.

Oo! Sige, alam ko nang gusto niya ako! Paulit ulit niyang sinasabi sa akin! Kinekwento niya pa!

Hindi ako komportable sa paulit ulit niyang 'I like you' niya na yan sa akin pero may kung ano sa akin na ayaw siyang pigilan. Parang nagugustuhan ko pa nga eh. Luh! Anong nangyayari sa akin?!

"Hindi ko alam kung paano at kung kailan nagsimula. Pero ang alam ko ay gusto kita"

Ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko at hinarap ang nakangisi niyang pagmumukha.

"Leigh, may girlfriend ka. Two timer ang peg?" I grittted my teeth.

"I already told you. We already broke up last month" simple nitong sagot. Broke up na dw pero kung makadiin ng salitang 'girlfriend' nung isang araw, wagas!

"So ano ako? Rebound mo?" Taas kilay kong tanong. Nainis tuloy ako. Nagmumukha akong rebound niya! Diba sabi ko nga wala sa plano ko ang maging kabit ng kahit sino?!

"No! Siya din naman ang nagsabi sa akin kapag narealize kong ikaw na ang gusto ko, makikipag break ako sa kaniya. And that's what I did" simple nitong sabi. So ibig sabihin ay break na sila?! Break--

"So ano? Para sa wala lang ang pinag hirapan kong maging fake girlfriend mo?" Tumaas na ang boses ko. Nakakainis! Pinaghirapan ko ang mga araw na iyun! Hindi ko na rin nabigyan ng sapat na atensyon si Karl dahil sa deal ng ugok na ito!

Lalo na yung mga ginastos ko sa enchanted kingdom!

Ngumuso ito at nagpacute.

"Nagustuhan kita kaya hindi bale wala iyon" nakangisi nitong sabi kaya hinagisan ko ito ng kutsara pero nailagan niya ito.

"Leigh! Seryoso ka ba talaga na gusto mo ako?"

I am having doubts! He can't be serious, right?!

"Yun din ang tanong ko sa sarili ko noon. Ilang beses ko yan tinanong sa sarili pero ang laging sagot ay: Oo, seryoso akong gusto ko si Elizabeth Santos" ngising aso nitong sabi pero seryoso siya! Napangiwi ako. Ang cheesy! Seryoso talaga siya? As in seryoso? As in seriously serious?

Di ko inaakala na may magkakagusto sa akin! Alam kong maganda ako pero di ko inaakala na may magkakagusto sa akin!

"Ikaw? Gusto mo rin ba ako?" Nag aabang niya akong tinignan.

Napalunok ako. A-ano dw? Gusto ko rin ba siya? Luh! Gusto ko ba siya?! Di ko alam! Ang huling nagustuhan ko ay namatay! Gusto niya bang mamatay?

"Ikaw? Gusto mo ng suntok ko?" Inambahan ko ito ng suntok.

"Kahit ano pa yan basta galing sa'yo, tatanggapin ko" kinindatan ako nito at ngumiti. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ang ngiti ko.

Ang cheesy kasi! Natatawa ako! Wag kayong ano dahil walang malisya ang ginawa ko!

Lumawak ang ngiti nito nang makita ang ginawa ko.

Pagkatapos naming kumain ay nanood ako ng cartoons habang naghuhugas siya ng pinggan.

"Ano yan?" Turo nito sa pinapanood ko at umupo sa tabi ko. Tapos na pala siya maghugas.

"Johnny Test. Hindi mo alam yan?" Umiling iling ako. Hindi makapaniwala na hindi niya alam ito!

"I don't know. All I know is that I like you"

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon