Chapter Two

149 11 2
                                    

Elizabeth's POV:

Nagising ako dahil niyuyugyog ako ni Babe. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang napakaganda niyang ngiti.

"Good morning mommy Liz"

"Good morning Babe"

Tinignan ko ang alarm clock ko at 5 palang ng umaga. Naunahan ko pa ang alarm ko na 5:30 eh.

"Masakit pa rin ba ang braso mo?"

"It stings a little but I can endure the pain"

"Totoo ba yan? Baka nasasaktan ka na pero sinasabi mo lang na okay ka lang. That's bad, Babe"

"It's the truth mom! I can handle it!"

Tinaasan ko ito ng kilay at hinayaan nalang siya.

"Maligo ka na Babe, ihahanda ko lang ang pagkain natin"

"Okay!" Patakbo itong pumunta sa bathroom.

"Kailangan mo ba ng tulong?"

"No!"

Niligpit ko muna ang higaan namin at bumaba na para magluto.

Nagluto lang ako ng hotdog at pancake.

Nagtimpla rin ako ng gatas niya at hot chocolate ko.

Pagkababa nito ay pinalitan ko muna ng gauze ang kaniyang sugat bago ko inayos ang kaniyang plato at sabay na kami kumain.

"Mommy! Do you attend school?"

"Yes Babe"

"Can I go with you?"

"You can't Babe"

Nalungkot naman ang mukha niya dahil sa sinagot ko.

"Then who will take care of me?"

Oo nga sino ba?

May kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito. Bumungad sa akin ang nakangiting si Aleng Inah.

"Magandang umaga po"

"Magandang umaga rin Elizabeth. May dalang pancit ang anak ko kaya naisipan kong magshare" inabutan ako nito ng tupper ware na may pancit.

"Salamat po Aleng Inah" tinanggap ko naman ito.

Biglang pumasok sa isipan ko ang napakagandang idea.

"Sige aalis na ak--"

"Aleng Inah!" Biglang sigaw ko ng aalis sana ito kaya napatigil ito.

"Bakit?" Gulat na tanong nito.

"Pwede po bang humingi ako ng favor sa iyo?"

"Pwede naman"

"Pwede po bang bantayan niyo itong bata habang wala ako?" bigla kong hinimas ang tyan ko dahil nagutom ako bigla.

Naguluhan naman ang kaniyang mukha. Aleng Inah! Napaka simple ng sinabi ko!

"May anak ka? Nakung bata ka!"

LUH?!

"Hala Aleng Inah hindi po!"

"Eh ano iyang sinasabi mo na bantayan ko iyang bata? Hindi ako makakapag bantay ng bata na nasa sinapupunan pa lamang. Responsibilidad mo iyan!"

OMYGHAD!

"Aleng Inah, yung bata po na sinasabi ko ay yung dinala ko kahapon"

Ang mukha niyang ay nagbago bigla.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now