Chapter Three

112 10 1
                                    

Elizabeth's POV:

Lunch na namin kaya pumunta na kami ni Angel sa cafeteria. Gusto sana niyang hintayin si Matt pero pinilit ko siyang mauna na kami. So ayun nga nauna na kami at nauna na rin kami mag order ng pagkain, then pupunta sana siya sa pwesto ng hari pero hinigit ko siya papunta sa ibang table.

"Bakit ang weird mo ngayon men?" Tanong nito ng makaupo na kami.

"Weird? Di naman ako weird ah"

"You're hella weird"

Taas kilay lang ang sinagot ko sa sinabi niya.

"First, hindi mo pinapansin si Leigh. Second, ayaw mo sa pwesto na iyun. Third, kahapon ko pa napapansin pero ngayon ko lang naalalang sabihin sa'yo na kahapon pa lapit ng lapit si Mary Anne kay Leigh. And worse, pinapansin niya"

Tinignan ko siya na parang dapat alam niya na ang nangyayari. Alam niya rin kaya na fake boyfriend ko lang si Leigh.

"Men, obvious na nga diba? Wala na ang deal namin"

Nabitawan nito ang kutsara.

"What? What? What?!"

"Paulit ulit?"

"Men! Why?!" Hindi talaga siya makapaniwala.

Bakit naman? It's just a deal! Kailangan pa bang itanong kung bakit?

"Anong why ka dyan?" Kunot noo kong tanong pabalik.

"Bakit wala na? Akala ko pa naman nagiging totoo na" nag cross arms ito at ngumuso.

Napataas ang isang kilay ko sa inakto niya.

"Totoo ang alin?"

"Kayo! Yung feelings niyo!" Umakto siya na common sense lang ang kailangan.

Tumaas lalo ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Napanood mo ba yung She's Dating The Gangster nina Kathryn at Daniel?"

Tinapos ko muna ang nginunguya ko bago ko siya sinagot ng oo.

"May similarities ang ginagawa niyo ni Leigh at sa movie na iyun"

"Ano naman iyun?" Kinain ko na ang chicken baka kasi lumamig.

"They are fake girlfriend and boyfriend. Pinagseselos ang isang babae. Gangster ang lalake at nagbago siya dahil sa ka fake girlfriend niya! At ikaw ang fake girlfriend men!"

"Lower your voice men" ang dami kasing tao na nakatingin sa amin ngayon. Kanina pa kasi sigaw toh ng sigaw.

"Fake relationship rin sila pero nagkatotoo ang feelings nila for each other! Dapat kayo rin dalawa ni Leigh!"

"Men" hinawakan ko ang kamay nito na nakapatong sa lamesa.

"Real world ito. Movie lang iyun. Naka impromptu tayo. Scripted naman ang nasa movie"

[[IMPROMPTU: done without being planned, organized, or rehearsed]]

"But--"

"No buts Angel. Kumain ka na hindi yung daldal ka ng daldal"

Naka pout itong sumunod sa akin. Ang tahimik namin kumain. Nasa pagkain lang din ang atensyon ko.

"Pero seriously, akala ko --"

"Ang kulit talaga ng lahi mo"

Ibinalik na namin ang atensyon namin sa pagkain.

"Hi everyone!" Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng boses na iyun.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن