Chapter Twenty Seven

73 11 1
                                    

Elizabeth's POV:

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Nagtaka ako nang nasa loob ako ng aking kwarto, nakahiga sa aking kama. Pag lingon sa kaliwa ay may saklay na nakasandal sa pader.

I'm parched!

[[PARCHED: dried out with heat/INFORMAL: extremely thirsty]]

Pagtayo ko ay nagtaka ako kung bakit naka dress ako. Ew! Saan ito galing?! Wala naman akong dress sa mga damit ko ah! Pag angat ko ng dress ay nakita ko kaagad ang namumulang hita ko sa bandang tahi.

Tsk!

Ginamit ko ang saklay para bumaba ng hagdan. Nahirapan pa ako dahil baka mahulog ako at walang sasalo.

Masakit yun.

Paano nga pala ako naka uwi sa bahay? Paano din naging dress ang suot ko? Wala akong makitang ibang tao ngayon sa loob ng bahay kundi ako lang. Patay rin ang lahat ng ilaw. Pag tingin ko sa labas ay gabi na pala.

Isang misteryo pa rin sa akin paano ako nakauwi. Ang huling nakita ko bago ako mawalan ng malay ay may itinusok sa akin na injection si Alec.

Ano kaya iyun?

Dumeretso ako sa ref at uminom ng tubig. May nakita pa akong note na nakapaskil sa ref.

Elizabeth darling. Pakiusap, kahit minsan lang sa isang dekada o ilang dekada pa man yan, wag matigas ang ulo mo.

Hindi ka pa pwedeng pumasok sa eskwela sapagkat ika'y may malalang sugat sa hita. Dalawang linggo ang kailangan bago iyan gumaling. Magkaroon ka sana ng pasensya sa dalawang linggo na iyan.

Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka.

PS. Gamitim mo ang saklay mo!

Nagmamahal, Alec.

Napangiwi ako. Di bagay kay Alec ang magtagalog! Nilakumos ko ito at itinapon sa basura.

Naghanap ako ng pwedeng makain. So I ended up eating spicy instant noodles!

Lima yung nandito kaya niluto ko na lahat. Pagkatapos nitong maluto ay umupo ako sa sofa, harap harap ang t.v habang kumain akong mag isa. Naghanap ako ng magadang panoorin sa netflix.

So scooby doo nalang ang pinanood ko. Pero bago ko simulan, naglagay ako ng isang bote ng tubig at dalawang bread stix sa tabi ko and of course, don't forget the chocolates!

Nang maayos na ang lahat ay nag umpisa na akong manood. This movie is really funny. Especially Shaggy and Scooby.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng movie ay pinause ko muna ito. Hindi kasi ako komportable sa suot ko ngayon. Kaya huhubarin ko ito.

I don't like dresses! Like, ever! Nagsusuot lang ako ng ganun nung buhay pa si Karl dahil nagpapaganda ako.

Malapit ko nang mahubad ang dress nang bigla nalamang bumukas ang pintuan kaya napatigil ako. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Nagulat nalamang ako nang makita si Leigh. Nakatingin rin sa akin na nanlalaki ang mga mata at bigla nalamang namula.

Doon ko napagtanto na kita na ang underwear ko kaya nataranta ako pero mabilis kong sinuot ulit ang dress. Tumalikod naman kaagad si Leigh.

"B-bakit ka nandito?" utal utal kong tanong. Ghad! Alam kong kasing kulay ko na ang kamatis dahil sa kapulahan ko ngayon!

"P-pwede na bang lumingon?"

"Pwede na" mabilis kong sagot. Lumingon naman ito at napabuga ng hininga.

Pumasok ito ng bahay at sinarado ang pintuan. May nilapag ito sa lamesa pero hindi muna ako nag abalang silipin ito.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now