Chapter Five

119 9 1
                                    

Elizabeth's POV:

"Aalis na ako!" Pagkasabi ko nun ay tumakbo palapit sa akin si Babe at hinalikan ako sa pisngi.

"Be safe mom" hinalikan ko rin ito sa pisngi bago ako sumakay ng kotse at umalis na.

Hayst!

Sa Japan nalang kaya ako mag aral ulit? Hindi na nakakatuwa ang buhay ko dito. May mga trespassers. Napasok bigla bigla sa isip ko ng walang pahintulot.

Nakarating na ako sa school kaya bumaba na ako agad. Habang naglalakad ako ay tumitingin sila sa akin.

Mas lalo na akong nakukumbinsi na hindi dahil kina Leigh kaya nila ako tinitignan. Sadyang maganda lang talaga ako kaya tingin ng tingin sila sa akin. Hindi mo naman ako masisisi. Magandang lahi ang bumuo sa akin HAHAHA.

"Ms. Santos!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Teacher lang pala namin sa History.

"Bakit po?" Nakangiti itong lumapit sa akin.

"Pwede mo bang kunin ang mga notebook sa faculty? May kailangan lang kasi akong gawin eh"

Nakangiti akong tumango sa kaniya bilang sagot.

"Salamat"

Tumango lang ako ulit bago sinimulan ang paglalakad papunta sa faculty para kunin ang mga notebook na pinapakuha niya sa akin. Hayst! Ang dami namang kaklase ko dyan na nasa labas lang pero ako pa talaga inutusan! Ganun na ba ako kapansin pansin? HAHAHA!

Bago ko pa buksan ang pintuan ay lumabas si Sir Chem.

Tsk!

Sinamaan ko ito ng tingin at nilampasan nalang siya. Napaka pangit ng bungad ng umaga ko.

"Goodmorning po" bati ko sa mga teachers na nandito except kay Chem. Lumapit na ako sa table ng guro namin sa history at kinuha na ang mga notebooks namin.

Ang dami naman nito! Tapos ako pa talaga inutusan! Aba magaling!

Lumabas na ako at hirap na hirap dalhin ang mga pinadala sa akin. Di ko na nga masyadong nakikita ang dinadaanan ko eh kasi mas matangkad pa ang mga notebook kesa sa akin HAHAHA.

Napatigil ako nang makita ko na aakyat pa pala ako sa hagdan.

Oh sh*t!

Okay kaya yan Elizabeth! Kaya yan!

Nag umpisa na akong umakyat sa hagdan. Nagiging maingat ako para hindi tumumba at mahulog. Duh?! Sino ba naman kasi ang gustong mahulog?

"Oh if it isn't the ex-girlfriend of Leigh. Right, Hindi nga pala naging kayo" rinig kong sabi sa akin ni Perla Cheese sa gilid ko habang umaakyat. Kasama nito ang alipores niya na si Eden Cheese.

"Nananahimik ako dito kaya tumahimik ka na rin"

Tumawa silang dalawa dahil sa sinabi ko. May sinabi ba akong nakakatawa?

"Kung ex ka na niya, does that mean no more connections?" -- Eden Cheese.

Umirap muna ako bago sumagot "Obviously"

Biglang naglakad papunta sa harapan ko si Perla Soap at kumilos siya na parang itutulak niya ako. Hindi lang parang! Gagawin niya talaga!

"Wag mong gagawin ang binabala--"

"Oops"

"What the--" gumewang gewang ang dala kong mga notebook kaya nao-out of balance ako. Rinig na rinig ko pa ang tawa nina Perla Soap at Eden Cheese. Napapikit nalang ako kasi parang mahuhulog na ako pero bigla akong nakaramdam ng paghawak sa bewang ko kaya napamulat ako at tinignan kung sino ang may gawa nun.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon