Chapter Seventeen

142 11 13
                                    

Elizabeth's POV:

"HAPPY BIRTHDAY!"

Napatakip ako ng bibig ko while looking at them surprised. Nandito ang tatlong prinsipe, si Bruce, Angel, ate Joy, ate Hadley, Alexander, Babe and his nanny.

Feeling ko iiyak na ako. Myghad! Kakaiyak ko lang kanina tapos iiyak nanaman ako! I'm being a cry baby lately!

Lumapit sa akin si Babe at niyakap ang binti ko while looking up at me. Hindi ko inaasahan na pupunta siya. At lalong hindi ko inaasahan na may surprise!

"Happy birthday mommy" cute na sabi nito kaya lumuhod ako para pumantay kami at niyakap ko siya. Mabuti nalang at ligtas siya.

"Look, mommy" turo nito sa likod ko kaya lumingon ako dun and saw Leigh holding a chocolate strawberry cake with one candle at the side.

Tumayo ako nang lumapit siya sa akin. Nagsimula silang kumanta nang tumigil sa harapan ko si Leigh.

"Happy birthday to you... You belong to the zoo--" sinamaan namin kaagad si Josh. Nag peace sign nalang siya sa amin at tumawa. Napatawa na rin tuloy ako dahil nakakahawa ang tawa niya.

"Ulit!" sigaw ni Angel at inulit naman nila ang kanta.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday dear Elizabeth! Happy birthday to you! Make a wish!"

Pumikit ako and interwined my hands and made a wish.

I wish all of my loved ones will be away from pain. And also...

I wish to be happy.

After that, I blowed the candle and they all clapped na parang may ginawa akong performance. Napairap nalang ako.

"Happy birthday" sabi ni Leigh habang nakangiti kaya nginitian ko siya pabalik.

"Thank you"

"Kainan na!" sigaw ni Josh at naunang pumunta sa dining hall. Binuhat ko si Babe at pinaupo na sa tabi ko. Katabi niya naman si Leigh sa kanan. Kaharap niya ang nanny niya. Katapat ko si Angel at katapat naman ni Leigh si Matt. Katabi ni Matt ay si Josh at Zack. Katabi naman ni Leigh ay si Alexander at Bruce. Nasa magkabilang dulo naman ng table sina ate Joy at ate Hadley.

We toased our glass of champagne and Babe's orange juice.

Nagsimula na kaming kumain after. Nagtatawanan lang kami dito dahil sa mga kwento ni Josh na walang kwenta pero nakakatawa. May mga jokes pa siya na corny na hindi naman nakakatawa pero nadadala kami sa tawa niya.

"Anong tawag sa baboy na nagka-karate?"

"May baboy ba na ganun?" takang tanong ni Angel.

"Pigs can't do karate"

"Pero yung panda pwede? Si kung fu panda"

"It's kung fu and it's just a cartoon for f-- sake" hindi na natuloy ni Leigh ang mura niya nang pisilin ko ang tagiliran niya. Alam niyang may bata sa tabi niya tapos magmumura siya.

"KJ! So ano ngang sagot?" napairap nalang si Josh sa pagkainip.

"Elizabeth?"

Napa shrug nalang ako dahil hindi ko alam. Wala namang baboy na ganun ah.

"Hayst! Edi... Pork chop! HAHAHA!" napahawak pa siya sa tyan kakatawa. Tahimik naman kaming lahat.

"HA HA"

Napairap nalang ako at sinubuan si Babe ng ice cream. Kumain naman ako ng cake. The cake is so good! Kung sino man ang pumili ng cake na ito para sa birthday ko, ugh! I love you na!

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now