Chapter Thirteen

116 7 3
                                    

Elizabeth's POV:

Nakatingin lang ako kay Alexander mula sa phone habang nakahiga ito sa kama at mahimbing na natutulog. Kakatapos lang nito maoperahan. 

"Ayos lang naman siya diba?" tanong ko sa medyo close ko na body guard na nagbabantay ngayon kay Alexander. Naka videocall kami para matingnan ko siya. Nakatalikodlang ako ngayon sa hospital, nakatambay sa may parking area para hindi mahagip ng paningin ko ang hospital. Takot pa rin kasi ako dito.

"Ayos naman po" sagot nito at napatango lang ako.

"Salamat" pinatay ko na ito kaagad. Napagulo ako ng buhok ko at tumayo. Hindi pwedeng nakatunganga lang ako dito at walang gagawin. I need to save Babe and his parents (kung sakaling buhay pa).

Tumayo na ako at pupunta na sana sa kotse ko nang paglingon ko sa gilid ay isang malutong na sampal ang natanggap ko.

What the--

Napatingin ako ng masama kay tita Layne dahil sa ginawa niya. How could she slap me?! That's the last thing I need right now!

"Sabi ko na nga ba at isa nanamang pahamak ang dadalhin ng batang inaalagaan mo!" galit na wika nito at dinuro duro pa ako. Wow! Parang sinabi nito na lumuwal ako ng malas. Pinapakalma siya ng mga doktor at guard na kasama niya ngayon para wag gumawa ng eksena pero hindi ito nagpatinag.

"Hindi pahamak ang dala ni Babe!"

"Talaga ba? Eh ano itong nangyayari?!"

"Edi isang eksena!" pamimilosopo ko. Oh diba ang galing ko? Nasa seryosong pag aaway kami pero nagawa ko pang mag joke.

"You're a black sheep to the family!" hindi naman ako nagsalita at nanatiling nakatayo lang doon. Okay lang naman sabihan ako ng mga masasakit na salita dahil sanay na ang puso't isipan ko. Pero hindi ko kayang ganyanin nila ang mga taong walang kalaban laban.

"You leave me no choice Elizabeth" kinuha nito ang cellphone at may tinext.  Ilang minuto ang lumipas nang mapagdesisyunan ko nang aalis na. Aalis na sana ako nang bigla nalamang may kumapit sa magkabilang braso ko at hinawakan iyun ng mahigpit. Sino nanaman sila?!

Napatingin ako kay tita na masama ang tingin sa akin.

"Ugh! Bakit ako pa ang inutusan mo mom? Ang hassle" maarteng sabi ni Sam when she arrived. Nakangisi itong tumigil sa harapan ko.

"What do you think you're doing?! Sino sila?!"

"We're gonna lock you in 'lil cousin because who knows what you're thinking"

Sinamaan ko ito ng tingin. Lock me in?! Baliw na ba sila?!

"It is to protect our family name Elizabeth. Just obey" istriktong saad ni tita na mas kinanoot ng noo ko. Obey?! That word is not in my vocabulary para sundin siya!

I have to save Babe and his parents! That's what I've been planning pero dahil sa camp ay nadelay! Bwiset na camp!

"Bitawan niyo ako!" pagpupumiglas ko sa dalawang lalakeng may hawak sa akin. Pasensya na sila kung masaktan sila kapag nakawala ako kasi yun na yun talaga ang gagawin ko!

"Hindi na kayo sisikatan ng araw kapag hindi niyo ako pinaka-- hey! Saan niyo ako dadalhin?!" nagsimula na silang maglakad palayo habang hinihila ako. Naramdaman kong may pumosas ng kamay ko mula sa likod kaya napatingin ako sa gumawa nun. I scowled at Sam because of what she did. Ugh! I feel like a criminal! Wala naman akong ginawang masama!

I felt the stares of the people outside the hospital. May nagbubulungan pa na bakit nakaposas ako at kinakaladkad. May nagtanong pa kung isang criminal ba dw ako. Ghad! I hate this! I really hate attentions yet I'm gaining a lot!

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now