Chapter Twenty

85 10 1
                                    

Leigh's POV:

I tried calling Elizabeth for almost a month now pero hindi ko pa rin siya macontact. Maybe she turned off her phone again. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya tinatawagan eh.

Nilapag ko nalang sa side table ang phone ko at tumitig sa kisame. I have this disturbing feeling. A feeling that confuses me. Hindi ko siya maexplain pero may iba akong nararamdaman kay Elizabeth. I don't know if it's a romantic feeling or something else.

Is it bad?

I have a girlfriend. Yes! We had a deal to make Mary Anne be mine again. But why does it feel like something is wrong? Like I did the wrong thing?

Ano nga bang nararamdaman ko kapag kasama ko si Elizabeth at kapag kasama ko si Mary Anne? Anong pagkakaiba nila? Tsaka bakit ko ba iniisip?!

I don't know!

Mukha akong tangang sinasabunot ang sarili kong buhok. What if...

What if I fell in love?

Natigilan ako sandali dahil sa naisip at sinabunot ulit ang buhok.

I can't fall in love with Elizabeth! I can't! She's too boyish and bipolar! Kapag kasama ko siya ay lagi akong nasa gulo! Napakagulo ng buhay niya!  Napaka misteryoso niya rin!

The demon tattoo and her scar! I can't stop thinking about it! Hindi ko rin mapigilang isipin na baka isa siya sa mga miyembro ng white devil? It's too much coincidence naman kapag may devil tattoo siya just like the white devils.

Who are you Elizabeth?!

Napabangon ako kaagad nang makitang nagri-ring ang phone ko. Kinuha ko ito at nahulog pa ako ng kama dahil sa pagmamadali ko. Baka kasi si Elizabeth ito.

To my disappointment, hindi ito si Elizabeth. Si Mary Anne lang pala.

"Hey" bungad ko.

[[Hey babe. Want to go to the beach?]]

"Yeah sure. When?"

[[Bukas? Sa resort namin kasi pinapapunta ako ni dad to check at the place]]

"I'll pick you up. Bye"

[[Pick me up at 8. Bye]]

Napabuga nalang ako ng hangin at muling humiga sa kama. I should stop thinking about Elizabeth. Pinilit ko nalang ang sarili kong matulog.












Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko kaya sinagot ko ito ng hindi minumulat ang mga mata.

"Who's this?"

[[Babe! Akala ko susunduin mo ako?]]

Napamulat ako ng mga mata at tinignan ang oras. 10 na pala at ang usapan namin ay susunduin ko siya ng 8!

"I'm sorry! So sorry! Papunta na ako in 30 minutes"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pinatay ko na agad ang tawag. Nagmadali akong maligo at nilagay ang mga gamit sa maleta. Hindi na ako nakapagpili ng mga damit. Pagkatapos kong maligo ay hindi na ako nagabalang magpatuyo ng buhok at bumaba na ako kaagad.

Naabutan ko pa si mommy at daddy sa dining area na kumakain. Kumuha lang ako ng isang sandwich bago nagpaalam sa kanila na aalis.

Pagdating ko sa pintuan ay naabutan ko pa si ate, buhat buhat si Nixon.

"Saan ka pupunta?"

"Outing" pinisil ko lang ang pisngi ni Nixon bago naglakad paalis.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon