Chapter Sixteen

125 9 0
                                    

Leigh's POV:

Nasa tabi lang ako ngayon ni Elizabeth na ngayon ay nakahiga lang sa hospital bed. Kakalagay lang sa kaniya kanina after
maoperahan. The three, and Bruce, nakaupo lang sa couch while watching television.

"Will she be okay?" mahinang tanong ng bata sa magulang niya. Tumango lang ang mommy.

"We have to go Babe" sabi ng daddy nito. Ayaw pa ng bata dahil gusto niya dw nasa tabi lang siya ni Elizabeth.

"We'll visit her again" pumayag na ang bata at hindi na nagpumilit pa. Nagpaalam na sila sa amin sa loob bago umalis.

Her parents can't visit dahil may importante silang inaasikaso but her sisters, Joy and Hadley, ay pauwi na para bisitahin si El. Lumapit na ako sa couch at nakinood na rin ng movie. There were snacks on the center table at soda kaya kumuha ako.

Napalingon kaming lahat sa pintuan nang bigla nalang itong bumukas at iniluwa si Angel na natataranta palapit kay El. Napatakip ito ng bibig nang makita ang kalagayan niya.

"Omyghad" naluluha niyang hinawakan ang kamay ni Elizabeth. Nanginginig pa.

"Why are you not protecting her?! Bakit niyo siya hinahayaang masaktan?!" galit na asik nito with tears in her eyes but none of us wants to answer her. She wouldn't understand how hard headed that girl is kasi hindi naman niya nakikita si Elizabeth kapag nasa gulo. We looked away nang sulyapan niya kaming lahat. Even Matt, her boyfriend, is not answering nor looking at her.

Days passed at hindi pa rin nagigising si Elizabeth. She's still asleep for 3 days and it's the 4th day today. Binibisita lang namin siya kapag uwian na dahil dun lang kami pwede makalabas sa school. Sabay sabay kaming anim kapag binibisita namin siya, minsan naman ay kasama ko si Mary Anne pero isang beses lang siya pumunta at hindi na pagkatapos.

Nahuli akong pumunta sa hospital ngayon dahil may tinapos pa akong project at bumili pa ng prutas sa grocery store. Malapit na ako sa hospital room nito nang makarinig ako ng malakas na sigawan. Napapatingin na rin ang mga tao dun na nagtataka kaya mabilis akong tumakbo palapit para tignan ang nangyayari. Pagkabukas ko palamang ng pintuan ay nagkakagulo na sa loob.

"Ayoko dito!"

Napatagilid ako nang pumasok ang mga nagmamadaling doctor at nurse.

"M-men"

"Calm down Elizabeth!" pagpapakalma sa kaniya ng dalawa niyang ate. They were holding her arms tightly. Josh and Matt holds her two feet para hindi gumalaw.

"I don't want here! Ayoko sa hospital!" nagpupumiglas ito. Tinatakpan na niya ngayon ang magkabilang tenga, na parang ayaw niyang may marinig.

"Hindi ko yun sinasadya! Hindi ko kasalanan!" ayan nanaman ang sigaw niya. Yung sinisigaw niya noon nung nag camping sa forest.

"Hindi ko sina-- sa-- dya" napatigil na ito at bumalik sa pagtulog nang may tinurok ang doctor sa kaniya. They were all relieved at parang pagod na pagod pa. Napahawak sa noo niya si Hadley.

"Let's take her to the mansion. Baka magwala nanaman siya kapag nagising siya sa hospital"

"I'll take care of it" malungkot na sabi ni Joy at tumalikod na para lumabas. Napatigil pa ito nang makita akong nakatayo malapit sa pintuan.

"I-I came to visit"

Ngumiti lang ito sa akin bago tinapik ang balikat ko at lumabas na. Nakatingin na rin sila sa akin kaya lumapit na ako sa side table para ilagay ang mga prutas. Lumabas na rin ang mga doctor at nurse pagkatapos tignan ang kalagayan ni Elizabeth.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now