Chapter Thirty One

86 9 1
                                    

Elizabeth's POV:

"Men! I'm so sorry!"

Nagulat nalamang ako nang bigla akong niyakap ni Angel sa labas ng gate. Uwian na kasi namin.

Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Ayoko ng ganun pero hinayaan ko na siya. Alam ko naman kung bakit niya ito ginagawa eh.

"Apology accepted kaya wag ka nang umiyak dahil hindi ka na bata"

Sabi ko at pinunasan ang luha niya. She's crying. Like floods of tears. Nakanguso rin ito.

"I'm really sorry men. Ayaw kong mainis sa'yo kaso nagseselos ako at iba na ang kasama mo"

Parehas kayo ni Leigh ng rason.

"And even if I die today, I promise you that I never trusted the rumors. I wanted to help you so bad even though I should be mad that day pero dumating kaagad si Bruce eh" naiiyak na sabi nito.

I smiled at her. Ang iyakin talaga ng batang ito. Kaya ang hirap iwan nito eh.

"Alam ko. Kaya tara sa mall, gala tayo" sabi ko kaya ngumiti siya ng napakatamis.

We're friends so I know how much she likes to shop in malls.

"Have fun" sabi ni Lily at nag bow ng kaunti bago tumalikod sa amin para umalis sana pero ngumisi ako at tinawag siya.

"Sinong nagsabing hindi ka kasama?" Taas kilay kong tanong. Humarap siya sa amin nang nanlalaki ang mga mata. Hindi makapaniwala. Tinuro pa nito ang sarili.

"A-ako?"

"Oo, kaya halika na!" Masayang sabi ni Angel at hinila pa si Lily. Kaya ayun, sabay sabay kaming pumunta sa mall para gumala at mamili na rin ng mga kaechosan.

"Oh?" Halos mapanabay na sabi namin nina Leigh. Nandito din kasi siya sa mall kasama ang tatlo. Niyakap kaagad ni Angel si Matt. Yayakapin din sana ako ni Leigh pero lumayo na agad ako sa kaniya.

"Hayst bro, tayo nalang ang walang love life" akbay ni Josh kay Zack. Napa chuckle naman ako. Sana all may love life.

"Wag mo akong itulad sa'yo"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig na magsalita si Zack. Wow ah. Nagsasalita siya!

Tsaka ano dw?! Ibig sabihin--

"Mga nang iiwan sa ere!" Inis na sabi ni Josh pero pabiro ito. Napatawa tuloy kaming lahat.

"Ganyan talaga kapag joker ng barkada, akala lahat ay biro ang sinasabi" kunyareng pagtatampo niya at sumulyap sulyap kay Lily na tahimik lang sa tabi ko.

"Ano nga palang ginagawa niyo dito?" Tanong ng nakayakap na Angel kay Matt.

"Bati na kayo noh?" Bulong sa akin ni Leigh.

"Hindi naman kami nag away para magkabati. Hindi lang talaga kami nag uusap pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kami bati" bulong ko sa kaniya pabalik.

"May bibilhin lang si Zack kaya sinamahan namin" sagot ni Matt sa tanong ni Angel. Nagpatango tango naman siya.

"Sama sama nalang kaya tayo? Kung okay lang sa inyo?"

Hindi okay sa akin.

"Yeah sure"
"Okay"
"Sige"

"Yes--" sinamaan ko ng tingin si Leigh dahil mas mukha pa siyang masaya sa dalawang magjowa. Umubo ito at pinalalim ang boses "I mean, sige. Kung okay lang kay El" pigil ngiti na sabi nito.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora