Chapter Twenty One

113 11 0
                                    

Elizabeth's POV:

Sinalpak ko kaagad ang sarili ko sa couch ko pagkauwi ko ng bahay. Damn! Pagod na pagod ako!

Tinignan ko ang maleta ko. Just like what I've said before, pinamigay ko ang mga binili kong damit. Hindi naman mamahalin ang mga binili ko. Ayaw ko sa mamahalin, masisira din naman. Mas maganda na yung murang damit ay nagtatagal pa, pwede ka pa bumili ng marami.

Ayaw ko rin naman kasi magdala ng marami. I've changed guys!

Kung anong laman ng maleta ko nung umalis ako ng Pilipinas, ganun rin ang laman nito pagbalik ko ng Pilipinas. May dala nga lang akong mga pasalubong.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. I should really thank aleng Inah for keeping the house clean.

Hindi ko nakakausap sina Angel dahil pinatay ko ang phone ko. I don't want any distractions while I'm at work. Ngayon ko lamang magagamit ang phone ko. Pagkabukas ko ng phone ko ay madami kaagad ang nag pop na mga notifications. Tatlong buwan ba namang nakapatay ito malang madami talaga.

Dapat last week ako uuwi eh kaso nagkaproblema kaya 2 days before school lang ako nakauwi. Hindi ako lalabas kasi magpapahinga lang ako buong araw hanggang sa dumating na ang pasukan. 4th year na pala ako ngayong taon! Waah! Tumatanda na ako!

Wala namang special sa notifications ko, mga text messages lang naman ng hari, mga prinsipe at ni Angel tsaka ni lola at pamilya ko. Tsaka mga missed calls. Nagkita naman kami nung pumunta ako ng Japan at Korea kaya hindi na dapat sila mag alala.

Una kong nireplyan ng text ay si Angel. Sa dami ng text niya sa akin ay hindi ko na ito binasa.

To: Angel

Kakauwi ko lang men. Sorry kung ngayon lang ako nakapag reply. Ibibigay ko nalang ang regalo mo pagkita natin sa school. Madami iyun galing sa iba't ibang bansa ;)

Sunod ko naman nireplyan ay si Leigh.

To: Leighbag

Ang dami mo namang text sa akin. Buhay pa rin ako, okay?

Then send. Nag reply na din ako sa mga nagtext sa akin at sinabihan na wag akong kulitin dahil magpapahinga ako. Hindi rin naman nila alam kung saan ako nakatira kaya wala talagang kukulit sa akin.

From: Angel

Waah! OMO! Can't wait! Is it a dress? Or shoes? Bags? Charot. Alam kong hindi mo ako bibilhan ng ganyan so I guess food is the closest hihi don't say it! Btw, mabuti naman at nakabalik ka ng ligtas hihi. May nakilala ka bang hot guys?

Napataas ang isang kilay ko sa huling text ni Angel.

To: Angel

Susumbong kita sa jowa mo!

Mabilis naman ito nagreply.

From: Angel

Nagbibiro lang!

Napatawa nalang ako at hindi na nagreply. Nag order nalang ako sa greenwich ng dalawang box ng pepperoni pizza, lasagna at potato fries. Mag tutubig nalang ako ngayon araw 'cause I want to be healthy. LOL. Want to be healthy dw pero may pizza, lasagna at potato fries. Sinong pinagloloko ko?

Pagkatapos kong mag order ay umakyat na ako at inayos ang mga gamit ko bago ako naligo. Pagkatapos ko namang maligo ay nagbihis na ako ng pajamas at nagsuot ng oversize hoodie na abot tuhod ang laki. Nagmessy bun din ako kasi trip kong mag messy messy.

Saktong pagbaba ko ng second floor ay may kumatok na sa bahay at sinabing delivery. So binayaran ko na ito kaagad at nilapag sa coffee table ko at umupo na ako sa sofa at binuksan na ang t.v.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant