Chapter Ten

110 11 2
                                    

Yow! Yow! Wassup guys? So I have a friend and he has a story. It's a random gay shots po siya so please kindly support my friend.

Gleam Drops Shots by slumbersenshi

LOVE LOTS! 😘

---------------------------

Elizabeth's POV:

"Pass!" Malakas kong sigaw kay Beth pero hindi man lang nito pinasa sa akin ang bola kaya napairap ako. Kanina pa kami nagsimula ng camp. Magkaiba ang court ng mga lalake sa babae. Full scheduled kami kaya sa breakfast at dinner lang kami nagkikita kita, ayon sa schedule. Pero depende na rin ata yun kung maaga kayong natapos or late na.

"Elizabeth!" Malakas na tawag sa akin ni Bea at pinasa sa akin ang bola. Mabilis ko itong driniblle papunta sa kabilang basket pero naharangan ako ng magkabilang team.

Pero hindi siya hadlang sa akin. Nag cross over ako sa kaniya at nag lay-up. Tumalon ito para pigilan sana ang pag shoot ko pero huli na dahil pumasok na ito sa basket. Ipinasa ng kabilang team ang bola nila sa isa't isa. Tumakbo ang may hawak ng bola papunta sa basket namin kaya mabilis kaming kumilos.

Nauna akong tumakbo papunta sa basket namin para maharangan ang may hawak ng bola. Nakarating na ito sa harapan ko kaya blinock ko ito. Pero sadyang mas magaling siya sa akin kaya niya ako nalampasan at mabilis na nag shoot.

Pinunasan ko ang pawis na nasa noo ko gamit ang damit ko. Kanina pa kasi kami naglalaro. Pangalawang team na ito na kinalaban namin sa araw na ito.

"What's your name?" Tanong nung nakalampas sa akin kanina habang tumatakbo kami ngayon.

"Elizabeth"

"I'm Aine, nice to meet you"

Nginitian ko lang ito at nauna nang tumakbo. Hindi dahil kalaban ko siya kaya ayokong kausapin siya. I'm in the middle of a game kaya I have to concentrate.

Ipinasa sa akin ang bola kahit nasa three point lane ako kaya mabilis kong shinoot ang bola sa basket. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Aine na pumapalakpak. Tinignan ko ito ng walang ekspresyon ang aking mukha. 

Bakit ba siya lapit ng lapit sa akin? Siya na ba ang bago kong buntot? Retired na ba si Bruce kaya si Aine naman ang nag apply?

"Anong kailangan mo?"

Hindi na namin pinapansin ang mga taong naglalaro sa paligid. Nakatayo lang kaming dalawa habang naka tingin sa isa't isa. Siya ay naka ngiti at ako naman ay walang kahit anong emosyon na makikita habang naka tingin rin sa kaniya.

"I'm just admiring you" naka ngiti nitong sagot.

I have nothing against with people admiring me, but I hate it when they say it with a smile that can make me irritate. 

"The last person admired me got beaten up so bad" I stated the fact. Nakita ko ang konteng pagkabigla sa mukha nito pero mabilis din itong nawala. 

"That person must be so bad" 

Tinitigan ko lang ito nang walang sinasabing kahit ano. 

"Santos! What are you doing?!"
"Elizabeth!"
"Bakit nakatayo lang kayo dyan?!"
"Gumalaw na kayo!"

Hindi pa rin namin pinapansin ang mga taong nagsisisgaw ng kahit ano sa amin. Nananatili lang kami sa aming pwesto habang nakatingin sa isa't isa. What is her problem? Really? Napakalapitin talaga ako ng mga weird na tao. I'm really living in a world full of weird and crazy people.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now