Chapter Thirty Five

74 10 20
                                    

Elizabeth's POV:

I'm going to die.

Those were the words that came inside my head when I saw the car fastly driving towards me.

But when I closed my eyes, wala akong naramdaman na kahit ano. Kundi narinig ko lang ang isang brake ng kotse.

Pagmulat ko ay nakita ko si Bruce na lumabas ng kotse at nilapitan ako.

"What happened to you? Bakit ka umiiyak?"

Sasagot na sana ako nang may sumigaw ng pangalan ko. Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Alec at Leigh na tumatakbo papunta sa amin.

"El!"

"Darling!"

Hinawakan ko sa kamay si Bruce.

"L-Let's get out of here"

Takang taka ito sa nangyayari pero agad din kaming sumakay sa kotse niya. Malapit nang makalapit sina Leigh sa kotse pero mabuti nalang ay pinaharurot na ni Bruce ang kotse paalis.

Hindi na kami naabutan nina Leigh. I'm so scared to see his face again. To hear what he's going to say about me being the gangster queen.

Natatakot ako.

"Uhm"

I don't want to be attached to anybody. Natakot ako lalo na nung nangyari kay Karl.

I don't want to lose anyone again.

"Okay ka lang?"

Hindi ako sumagot. Mukha ba akong okay? Alam na ni Leigh ang totoong ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ano ba talaga ang nangyari?"

I bit my lip to stop myself from crying again. The fear is now all over my body.

"I don't want to talk about it"

I closed my eyes but it breaks my heart seeing his reaction. Bumigat ang paghinga ko. I started tearing up.

"Tell me. Gagaan ang pakiramdam mo"

"Sana ganun lang kadali"

He didn't spoke a word again. I silently cried here and fell asleep. At least habang tulog ako ay panandalian kong hindi mararamdaman ang takot.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay saktong tumigil ang kotse ni Bruce. Before he could wake me up, umupo ako ng maayos at tinignan ang paligid.

Where are we?

This place is unfamiliar. Parang ang layo sa syudad dahil mga puno at halaman lang ang nakikita ko sa paligid. Pero may kaisang isang bahay sa gilid ko.

"Asan tayo?"

Tanong ko sa kaniya pagkababa namin ng kotse. Iginiya niya ako papasok sa bahay. Dalawang palapag ito, hindi ganun kalaki at hindi ganun kaliit. Sakto lang ang sukat.

"This is where I go whenever I have a problem"

Binuksan niya ang pinto at pumasok na kami sa loob. Walang masyadong gamit sa loob at labas. It's just a plain house.

Pag pasok mo ay dalawang couch na nakalagay sa gitna ang bubungad sa iyo and between them, there is a coffee table.

"Ang onte naman ng gamit dito" wala din kasing mga dekorasyon sa pader.

"Bahay problema ko lang ito kaya ganyan"

"Bahay problema?" Taka kong tanong at umupo sa couch.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now