The Magical War 47 Season II

1.5K 46 16
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

XYRU POV

Nagising ako dahil sa may tumapik ng ilong ko. Pagdilat ng aking mga mata ay si minos kaagad ang bumungad sa akin kung saan nakahubad pa rin ito. Napaka gwapo pa rin talaga ng isang ito. Mas lalong lumaki ang kanyang mga katawan. Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin kagabi. Napakarupok ko talaga.

"Hindi pa tayo bati" tugon ko at tumayo Na kahit wala akong suot Na damit.

"Hep hep hep may pagkakasala ka rin sakin! Araw araw kang may katalik noong Nasa kaharian ka pa ni chanus" wika nito

"Wala ako sa sarili ko nun minos. Ni hindi ko nga maramdaman ang kasiyahan Habang ginagawa ko yun eh" sagot ko

"Kahit na!"

"At bakit parang binabaliktad mo ang sitwasyon?" Galit kong tanong

"Ito naman galit kaagad. Patawad na. Pangako Hindi ka magsisisi sa ibibigay mong pagkakataon. Bigyan mo Lang ako ng panahon para ipakita sayo na mahal Kita" wika Nito at niyakap ako.

"Magbihis ka Na at pupuntahan natin ang anak natin" wika ko at Agad Na nagbihis. Nauna akong lumabas sa kanya at mabilis Na nagtungo sa aking silid kung saan naroon si Sebastian.

Pagpasok pa Lang ay bumungad Na kaagad ang sandamakmak Na katulong.

"Anong meron dito?" Tanong ko at Agad naman silang tumabi. Doon ko nakita ang kama ni Sebastian na puno ng pagkain.

"Dinalhan Lang po nila ako ng pagkain papa. Grabe ang babait talaga ng mga tao dito" wika nito at Agad Na nilantakan ang mga pagkain.

"Ang gwapo talaga niya yieeehh." Rinig kong bulong ng isang babae.

"Para siyang diyos sa kanyang itsura. May Asawa Na kaya siya o kaya ay kasintahan? Sana mapansin niya ako" nabasa ko sa utak ng babaeng nasa kaliwa.

"Iwan Niyo muna kami" wika ko at mabilis namang nag alisan ang lahat.

"Nak?" Tawag ko at napatingin naman ito sa akin habang ngumunguya ng pagkain.

"Paano ka napunta dito?" Tanong ko at natigil naman siya sa pagnguya.

"Ikaw! Ikaw ang nagdala sa akin pabalik dito pa" sagot Nito Na ikinalito ko

"Huh? Bakit ako?" Tanong ko

"Yung kapsula Na gawa mo ang nagpabalik sa akin mula sa hinaharap. Sinabi mong baguhin ko ang nakaraan para mabago ang hinaharap." Tugon Nito

"Eh Bakit Kita pinabalik dito?" Tanong ko ngunit biglang pumasok si minos.

"Magandang umaga pa" bati Nito Kay minos.

"Oh bat parang may pagdiriwang dito?" Tanong Nito ng makita ang sandamakmak Na pagkain.

"Mmm luto Po ng mga kasambahay pa binigay sakin" turan Nito

"Naku nagmana ka talaga sakin. habulin" pagmamayabang Nito

"Tahimik ka nga at may pinag uusapan kami ng anak mo" usal ko

"O anak Bakit Kita pinabalik dito?" Tanong ko

"Dahil natalo Kayo sa hinaharap. N-namatay ka, si papa, si Tito ash, Tito calub, lahat ng mga kasamahan natin at.......... yung taong mahal ko" sagot Nito at yumuko. Napatingin naman ako Kay minos. Halos hindi ako makasalita sa naranig ko. Ibig sabihin matatalo at matatalo pa rin kami?

Prince of Apylus: The Magical WarМесто, где живут истории. Откройте их для себя