The Magical War 43 Season II

924 55 13
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

MINOS POV

Alam kong madami akong pagkakamali, maraming kahangalang ginawa ngunit sa lahat ng yun ay isa Lang ang naging Tama sa buhay ko, yun ang mahalin si Xyru.

Oo malaking mali ang ginawa ko sa kanya. Sinaktan ko siya at dinurog ngunit iyon lamang ang tanging paraan ko upang makuha ko ulit ang aking kapangyarihan. Oo ngat naibigay Na ni Jeremiah ang kapangyarihan ko ngunit katiting lamang ito sa kapangyarihang napunta Kay chanus. Ang aking tungkod ay hawak ni chanus kaya kailangan kong makuha ito. Alam kong Nag iisa Lang si xyru sa kanyang laban kaya kapag nakuha ko Na ang aking kapangyarihan ay tiyak Na makakatulong ako. Isa pa ay kailangan kong malaman ang kahinaan ng mga kalaban. Kapag napalapit ako sa kanila at malaman kung saan sila mahina ay mas madali silang matatalo.

"Oh mahal! Bat gising ka pa?" Tanong ng babaeng kinamumuhian ko. Oo ngat nagpakasal ako sa kanya ngunit wala siyang puwang dito sa aking puso dahil tanging si xyru Lang ang aking iniibig.

"Napatulog mo Na ba si Cyberus?" Seryoso kong tanong dito habang naninigarilyo.

"Oo tulog Na ang anak natin at ngayon tayo naman ay gagawa ng isa pang anak" turan Nito Na para bang nang-aakit ngunit Agad akong tumayo at lumayo dito. Hindi ko Na dadagdagan ang pagkakasala ko.

"Pwede ba jediya pagod ako para jan!" Turan ko

"Alam mo nahahalata ko Na palagi kang pagod kapag inaaya Kita!" Usal Nito na para bang naiinis.

"Hindi madaling maging sunod Sunuran sa iyong ama jediya kaya kapag sinabi kong pagod ako ay pagod ako!" Hindi ko maiwasang pag taasan ito ng boses.

Hindi naman ito nagsalita at Agad Na lumabas sa silid. Si jediya ay ikalawang anak ni chanus Na babae. Gahaman ito sa kapangyarihan ngunit kayang ibigay ang lahat para sa pag ibig. Napakarupok Nito kaya siya ang unang pumasok sa isip ko Na pwedeng gamitin upang makuha ulit ang aking kapangyarihan.

At ngayon Na nasa akin Na ang aking kapangyarihan at tungkod ay tamang panahon nalang ang aking hinihintay upang isagawa ang aking plano.

Agad akong pumunta sa bintana at dito inilabas ko ang aking ulo upang magpahangin Habang naninigarilyo.

Nasa ganoon akong posisyon ng makita ko ang taong gustong gusto kong makasama at mayakap.

Anong ginagawa ni xyru dito? At kasama niya pa si chanus. Hindi ko rin masasabing bihag siya ng mga ito dahil hindi naman siya nakatali. Maayos itong naglalakad papasok sa palasyo.

Dahil Doon ay agad akong bumaba. Nakita ko ang hukbo ni chanus Na papasok sa loob.
Kasama ni chanus ang Anak nitong lalaki Na si Duzoc hawak hawak ang isang pugot Na ulo.

Napatingin ako Kay xyru Na tuwid ang ayos at para bang wala siyang Alam. Seryoso Lang itong nakatingin Kay chanus.

Tinitigan ko ito Na para bang may mali sa kanya. Sana naman ay walang ginawa ang chanus sa mahal ko dahil kung Hindi ay sisingillin ko siya ng mahal.

Patuloy ako sa pagtitig sa kanya at bigla nalang itong tumingin sa akin. Bakas sa mukha Nito at pagtataka ngunit agad din naman niya itong binawi at binaling ulit ang kanyang paningin Kay chanus. Hindi ko alam ngunit walang emosyon ang mga kilos nito. Hindi ko nakikitaan ng pangamba o takot, Hindi ko rin makita sa kayang mukha ang kasihayan Basta parang walang emosyon ang kanyang buong pagkatao.

"Maghanda ang lahat at nandito Na ang aking tagapagmana!!!" Sigaw ni chanus at hinubad ang kanyang kapa.

Si xyru naman ay hinatid sa kanyang silid at inayusan. Gulong gulo ang isip ko sa mga nangyayari. Alam kong may plano si xyru kaya kakausapin ko siya mamaya ngunit ang hindi ko alam ay kung ano ang Nasa utak ni chanus. Isa itong wais Na nilalang kaya Hindi basta basta itong maniniwala kaya nakakapagtaka Na dinala niya dito si xyru at tinuring niyang kadugo.

"Mahal narinig mo ba ang Sabi ni ama?" Tanong ni jediya kaya agad akong nabalik sa aking ulirat.

"Huh?" Taka kong tanong

"Ang Sabi ko ay maghanda Na tayo para sa pagdiriwang mamaya" turan Nito kaya napatango nalang ako.

Pagpasok sa silid ay agad kaming nagbihis. Isang magarang kasuotan ang binigay samin para isuot.

Habang nasa bulwagan kami at nagsasaya ang lahat lalo pa't imbitado ang lahat ng kasapi ay biglang nagsalita si chanus,

"Sa inyong lahat Na nandito ay gusto kong ipakilala ang anak ni Jeremiah, Na aking apo. Si Xyru!" Pakilala Nito at Agad Na lumabas si xyru. Nakasuot ito ng gintong kasuotan Na nagbigay kinang sa kanya. Tulala ang lahat dahil sa kakisigan nitong taglay. Pati ako ay napahinto .

Pagkarating Nito sa gitna ay Agad itong nagsalita.

"Magsaya kayo dahil bukas ay sisimulan Na natin ang pagsakop sa buong Apylus!!!" Sigaw nito kaya nagsigawan ang lahat.

Parang isang pyesta ang buong palasyo sa dami ng dumalo. Malakas Na tugtog ang maririnig sa paligid at maraming sumasayaw. May mga nang-aakit ngunit nginingitian ko Lang lalo pat nasa isang tao Lang ang atensiyon ko.

Nagtagal pa ang kasiyahan at medyo nabawasan Na ang tao sa loob. Dahil Medyo pagod Na rin ako ay agad akong umalis upang magtungo Na sa aking silid ngunit napahinto ako ng makita ko ang dalawang tao.

Dalawang taong naghahalikan

Sumikip ang dibdib ko at para bang gusto kong pumatay dahil sa aking nakita. Napayukom ako at pinipigilan ang galit ko kaya imbis Na sugurin sila ay nagsalita nalang ako.

"Xyru?"tanong ko dahilan para mahinti sila.

Tiningnan ako ni xyru Ngunit parang nakakita Lang ito ng normal na nilalang. Tumingin ako sa kahalikan Nito at nakita ko si braqil Na nakangisi.

Si Braqil ay prinsipe ng isang kaharian sa katimugan. Isa rin itong gahaman sa kapangyarihan kaya nagtaksil ito kina sasalob at iba pang hari sa apylus. Siya rin ang dahilan kung bakit nagapi kami ng kalaban. Noong araw kasi Na sasalakay kami ay hindi nasunod ang plano Na aming napag-usapan dahil inatake kami ng kalaban Habang nagpapahinga. Wala kaming nagawa noon kundi ang lumaban kahit Na lugi kami hanggang sa tuluyan kaming magapi. Nalaman ko nalang iyon ng nakagapos Na ako at nakatayo Na ito sa aking narapan at malapad ang ngiti.

Akala ko ay titigil sila ngunit hinawakan ulit ni xyru ang mukha ni Braqil at hinalikan. Sa pagkakataong ito ay mas agrisibo Na sila at yung kamay ni nito ay nakapasok sa loob ng salawal ni braqil.

Gusto kong magwala ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Ayokong makita sila sa kahalayang ginagawa nila kaya agad akong umalis at nagpahangin sa laban.

Paglabas ng paglabas ko ay agad kong inilabas ang galit sa aking puso. Alam kong sinaktan ko siya at ginawang tanga ngunit hindi ko mawari kung bakit ganito ang ganting ginagawa niya. Para akong binaril ng llibong beses dahil sa sakit Na nararamdaman.

Halos natumba ang lahat ng puno sa ginawa kong pagwawala. Patuloy ako sa pagwala hanggang sa mapagod ako.

Itutuloy.......

Prince of Apylus: The Magical WarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang