The Magical War 27

928 49 0
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

XYRU POV

"Lumabas ka! Lumabas ka!!" Bulong ko sa sarili ko Habang nasa likod ako ng palasyo at sinusubukang ipalabas ang aking mga pakpak.

Pukeng ina ayaw talaga! Pumukit ulit ako at Agad Na inisip ang Na kailangan kong magkapakpak pero palaging may pumipigil sa konsentrasyon ko kaya minulat ko ang aking mga mata. Siguro ay dala ito ng takot ko kaya ako balisa.

Papatayo Na sana ako ng may makita akong lalaking nakatayo at pinapanuod ako. Naka hood ito kaya Hindi ko makita ang kanyang mukha pero Alam ko sa sarili ko Na kilala ko ang taong iyon o nagkita Na kami noon.

Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla nalang may kamay na pumulupot sa bewang ko kaya agad akong napalingon dito at nakita ko si minos Na nakangiti kaya nginitian ko rin ito. Paglingon ko ulit sa lalaking nakatayo ay wala Na ito doon pero nandoon yung suot niyang hood.

"Mga kamahalan! Pinag iingat Kayo ng mahal Na Hari dahil may mga alagad ni chanus ang umaaligid sa buong palasyo!" Hingal na Sabi ng isang kawal at doon ako napatingin ulit sa mesteryong lalaki Kanina. Siguro ay alagad ito ni chanus kaya dapat ay mag ingat talaga kami.

"Pasok na muna tayo sa loob? Kailangan mo ring magpahinga dahil malapit ka Na ring mang..." napahinto ito bigla.

"Anong malapit?" Tanong ko dito

"Ahh Wala Sabi ko malapit na ang tanghalian kaya pumasok Na tayo" turan nito

Pagpasok sa loob ay nandoon si temeyo at miyo Na naglalaro kasama ang alaga nitong pusa. Tawa sila ng tawa Na para bang isang masayang pamilya. Ng mapansin nila kami ay agad silang natahimik at yumuko. Ngumiti naman ako sa kanila bago pumasok sa bulwagan.

Dito nakita namin si calub kasama ang isang lalaking makisig din. Agad na napangiti si calub ng makita ako at hinila ang lalaking kasama nito.

"Siya nga pala Braqil si xyru at minos mga kaibigan ko at xyru at minos ito naman si braqil ang prinsepe sa katimugang kaharian" pagpapakilala ni calub sa amin

"Isang magandang araw sa inyo lalo na sa iyo" tugon nito at lumapit sa akin sabay kuha ng aking kamay at hinalikan. Napangiti naman ako dito ngunit si minos at Hindi maipinta ang mukha.

"Asawa ko yan!" Pabulong Na Sabi ni minos. Hindi ko alam kung narinig ito nila calub pero ako ay malinaw ko itong narinig.

"Paano napadpad ang isang prinsipe mula sa katimugan papunta dito sa kanluran? Masyado mo yatang inaaksaya ang panahon mo rito?" Tugon ni minos kaya siniko ko ito.

"Mawalang galang Na ginoo pero hindi ako nagpunta dito para lang aksayahin ang aking oras. Nandito ako dahil sa isang importanteng anunsiyo kaya minabuti kong pumunta dito" tugon nito

"Kung Hindi mo mamasamain pwede ba naming malaman kung anong napakahalagang anunsiyo ang iyong sasabihin?" Tanong ko rito at Agad naman itong napatitig sa mukha ko.

"Ito ay usapan ng Hari sa hair ngunit kung Kayo ay mapilit ay malugod kong sasabihin sa inyo. Ang kaharian ng Velas ay nakatakdang aangkinin ni chanus. At bilang kaisa ang lahat ng kaharian ng apylus para sugpuin ang pamamalakad ni chanus ay dapat na tulungan natin ang mga Taga velas laban sa kampon ni chanus. Kaya kami ay Narito upang hingin ang tulong niyo at ng kahariang ito." Paliwanag nito kaya napatingin ako Kay minos.

"Yan ay laban ng nila kaya Hindi na tayo makikialam. Ang dapat mong unahin ay kung paano mo makokontrol iyang kapangyarihan mo" ang wika ni minos sa akin

"Ngunit ang kalaban nila ay kalaban natin kaya nararapat natin silang tulungan" tugon ko

"Hindi! Kailangan kong magpahinga dahil malapit ka ng.... Basta hindi ka makikipag laban" bulyaw nito sabay Alis

"Tama nga naman si ginoong minos. Ang mga katulad mong nakakbighani ay hindi dapat nakikipaglaban" Wika nito sabay bitaw ng nakakbighaning ngiti.

"Kaibigang Braqil nandoon si ama sa kanyang silid kaya maaari natin siyang puntahan upang maihatid mo ang iyong mensahe" tugon ni calub kaya agad silang nagpaalam. Sinabi naman ni Braqil Na magkikita pa kami Mama yang hapunan.

Agad ko namang hinanap si minos at Agad ko rin naman itong nakita sa hardin.

"Ano bang problema at mainit ang ulo mo?" Malambing Na tugon ko rito sabay hawak sa kanyang balikat. Agad naman itong humarap at hinawakan ang aking bewang.

"Ayoko Lang na mapahamak ka. Maraming kaharian ang magtutulong tulong upang labanan ang pag salakay ng mga alagad ni chanus kaya Hindi mo Na kailangan sumama doon at makipaglaban" turan nito

"Ngunit sinabi mo Na ako ang tagapag ligtas kaya nararapat Lang Na nandon ako para lumaban" tugon ko

"Ako ang lalaban doon kaya pwede bang dito ka nalang at magpahinga" tugon nito ay hinalikan ako sa noo.

"Hindi ko alam kung ano ang kinatatakot mo eh kaya ko naman ang sarili ko" bulyaw ko

"Basta Hindi ka makikipaglaban!" Sigaw nito

"Eh Bakit nga?" Tanong ko

"Dahil manganganak ka Na at ayokong madamay ang anak natin dahil Lang jan sa pakikipagdigma mo!" Sigaw nito kaya napahinto ako. Isang sampal ang binitawan ko sa kanya. Hindi ako babae para magdalantao at lalong ayokong magdalantao.

"San ka pupunta?" Tanong nito ng tumakbo ako palabas ng palasyo. Gusto kong mapag isa ngayon.

Tumungo ako sa nayon at doon ay naglibot libot ako. Sa pamamagitan nito at malilimutan ko ang mga kamalasan ng buhay ko. Hindi naman ako takot magdalantao ngunit takot akong tanggapin Na ako ay naging babae sa mata ng iba.

Habang inaaliw ko ang sarili ko kakatingin sa mga paninda ay biglang may humila ng kwentas ko Na bigay ni haring sasalob. Kita ko kung paano kabilis tumakbo ang lalaki kaya agad ko siyang hinabol. Hindi ko alam ngunit dahil galit pa ako ngayon at wala akong pakialam sa kung sino ang mababangga ko Basta mahabol ko Lang ang lalaki.

Sa Hindi ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang aking pagkilos at parang nagbibllink yung katawan ko. Nawala sa paningin ko ang lalaki pero ramdam kong Nasa malapit Lang siya at nagtatago. At doon nakita ko ang mga basurahan Na medyo makalat kaya agad kong binasag yung Nasa likuran nito at dito nakita ko ang isang lalaking nakabaloktot Na parang natatakot.

"Patawad at kinuha ko ang iyong kwentas" tugon nito at ibinigay niya ulit ang kwentas sa akin.

"Sa susunod ay wag mo ng uulitin ang iyong ginawa dahil maaari kang mapahamak sa iyong ginagawa" paliwanag ko at binitawan siya. Sa tingin ko ay magkasing edad kami nito kaso mukha Lang siyang patpatin kaya mas bata siya tingnan.

"Ito Lang kasi ang mga bagay Na kaya kong gawin ang magnakaw" turan nito

"Pwes sinasabi ko sayo Na masama ang ganyang gawain buti nalang at ako ang biktima mo paano kung mamamatay tao ang nakatagpo mo Edi patay ka Na ngayon?" Bulyaw ko rito

"Pasensiya Na talaga. Nga pala ako si Kaharo" tugon nito at nguniti sabay lahad ng kanyang kamay.

"Xyru!" Sagot ko at Kinamayan siya.

"Nagagalak akong makilala ang isang Tulad mong gwapo at mabait. Pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong nito kaya napangiti naman ako.

"Hayst Oo naman" tugon ko at inakbayan siya.

"Oh siya aalis Na ako maghahanap pa ako ng pagkain eh para sa mga kapatid ko. Kung kailangan mo ako ay nasa Dulo ng nayon ang tirahan ko. Basta pag may nakita kang sira sirang tirahan amin iyon" sigaw nito Habang patakbong umalis at kumaway pa sa akin kaya napakaway naman ako dito.

Itutuloy......

Prince of Apylus: The Magical WarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora