The Magical War 6

1.5K 74 1
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

GEO/XYRU POV

Nandito ako ngayon sa isang marangyang kwarto. Halos lahat ng kagamitan ay gawa sa ginto. Nakahiga ako ngayon at iniisip kung Ano nga ba talaga ang nangyayari? Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Anak nga ba talaga ako ni almira? O di kaya ay matutulungan ko ba talaga ang lugar na ito laban sa kasamaan. Hayst siguro ay saka ko nalang iisipin ang mga bagay Na yun.
Nasa ganoong posisyon ako ng biglang may kumatok sa pintuan kaya agad akong bumangon at binuksan ito.

"Kamahalan pinapatawag po Kayo ni master Cheng. Nasa silid aklatan po siya" tugon ni freva. Yung babaeng nakamask palagi.

"Sige susunod ako!" Tugon ko dito. Agad namang umalis si freva kaya kinuha ko ang kwentas ko at sinuot. Hinanap ko ang silid aklatan at agad ko naman itong nakita dahil malapit Lang ito sa aking silid.

"Ano pong maipaglilingkod ko sayo master Cheng?" Tanong ko dito habang nakatalikod ito sa akin.

"Naku wag mo na akong tawaging master. Pinatawag Kita para maipaliwanag ko sayo kung bakit kailangan ka namin" tugon nito

"Mmmm" tanging Sagot ko

"Xyru! Yan ang pangalan mo. Bago ka pa pinanganak ay nasa propesiya na ikaw ang magliligtas ng mundong ito. Pinapatay kita kahapon para makita ng mga tao Na ikaw talaga ang tagapagligtas." Tugon nito at lumapit sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit Hindi mo pa Alam ang tungkol dito pero ang Alam ko ay may kapangyarihan Kang mas malakas sa kahit sino" tugon nito

"Sa totoo po Hindi ko maisip Na may ganitong mundo. Wala din sa isip ko Na magkaroon ng kapangyarihan pero noong nasa ibang mundo pa po ako ay tanging ang kwentas Na ito ang nagpapakita ng kakaibang palaisipan sa akin" tugon ko at hinawakan ito ni master Cheng ngunit bigla itong umapoy.

"Arggg Tama nga ako ito ang kwentas ng diyos Na si Minos" tugon nito

"Minos? Sino yan?" Tanong ko

"Si Minos ang isa sa mga diyos Na lumikha ng Apylus. Siya ang tagapangala ng himpapawid" tugon nito

"Huh? At pano naman ito napunta Kay prinsesa almira?" Tanong ko

"Sa uulitin ko nasa propesiya Na ang lahat ng mangyayari sa hinaharap kaya Alam Na ni minos ito kaya niya binigay Kay almira ang kwentas noong bagong silang ito." Sagot nito

"Sandali naalala ko lang. nandito ba ang kalasag Na inbisibilidad?" Tanong ko

"Oo" sagot naman nito

"Sabi kasi ng babaeng tinanungan ko Na pwede ko raw itong magamit papasok sa puso ng Apylus?" Tanong ko

"Mm pwede mo itong magamit ngunit masidhing pag-iingat ang kailangan mo dahil sobrang hirap makapasok sa loob" tugon nito

"Bahala Na bastat mailabas ko ang kaibigan ko doon" tugon ko

"Xyru. Mas mahalaga Na pagtuunan mo muna ng pansin ang pagkilala sa sarili mo. Mas magiging makapangyarihan ka kung mas makilala mo pa ang sarili mo" tugon nito

"Pero nanganganib ang kaibigan ko doon" tugon ko

"Sa ngayon ay alam na ni chanus Na nandito na sa apylus ang tagapagligtas kaya mas marami ang naghahanap sayo ngayon" tugon nito ng biglang may sumigaw sa labas. Lalabas sana kami ng pinahinto niya ako.

"Dito kalang" tugon niya at lumabas ng kwarto.

"Bakit Kayo nandito?" Pasigaw Na tanong ni master Cheng.

"Nalaman na nandito daw ang anak ni almira!!" Sigaw ng isang lalaki. Ako naman ay nakikinig Lang mula sa silid.

"Wala dito ang hinahanap niyo" tugon ni master Cheng

"Hanapin niyo sa buong paligid!!" Sigaw ng lalaki ng biglang pumasok si freva. Kamahalan tayo Na po.

"Huh? Bakit Anong nangyayari?" Tanong ko

"Nandito po ang mga tauhan ni chanus!" Tugon nito at hinila ako papunta sa bintana at umakyat ito. Ng makalabas kami ay biglang may humarang sa amin.

"Nandito sila!!!!" Sigaw nito at biglang lumabas ang isang sandata sa kamay ni freva at tinapon ito sa kalaban. Ng matumba ang lalaki ay hinila ulit ako nito papunta sa gubat at doon ay hinabol kami ng mga kalaban.

"Kamahalan magtago muna Kayo. Ako nalang po ang bahala dito" tugon nito

"Hindi. Lalaban ako!!" Tugon ko dito

"Alis Na po Kayo! Kaya ko Na to!" Tugon nito kaya sumunod nalang ako sa gusto niya. Nagtago ako sa mga ugat ng malaking kahoy.

Ilang minuto din akong nagtatago doon ng Wala Na akong marinig Na nag aaway ay lumabas na ako ng biglang may humila ng balikat ko.

"Huli ka!" Tugon nito at hinawakan ako sa braso.

"Bitawan mo ko impakto!" Sigaw at magpupumiglas ko.

"Magiging masaya si panginoong chanus nito" tugon nito at kinaladkad ako ng bigla nalang itong natumba kaya napatulala nalang ako. Doon ay lumabas ang lalaking tumulong din sa akin noong habulin ako ng mga nag aapoy Na tigre.

Nagkatitigan pa kami ng biglang tinawag ako ni freva kaya napalingon ako dito. Ng tingnan ko ulit ang lalaki ay wala na ito kaya nagtungo Na ako Kay freva.

"Nasaktan ba kayo kamahalan?" Tanong nito

"Hindi naman" tugon ko at nilingon ulit baka bumalik yung lalaki pero wala na talaga ito. Nahihiwagaan ako sa lalaking yun, lagi nalang akong nililigtas o baka naman nagkataon lang. bahala Na nga.

Agad kaming umalis ni freva plabas ng gubat. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit Sabi nito na siya daw ang bahala sakin. Natatakot Na rin ako sa Ano man ang pwedeng mangyari samin lalo na Kay ash dahil Alam kong nadamay Lang siya sa gulong ito kaya dapat ay mailigtas ko siya sa kamay ni chanus.

Itutuloy.......

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now