The Magical War 33

949 48 8
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

XYRU POV

"Kamusta ang paligid?" Tanong ko Kay kaharo ng makabalik ito sa amin.

Tanghali pa kami rito sa hilaga at kanina pa kami nagpaplano kung paano makakapasok sa loob. Nagrepresenta naman si kaharo Na siya ang magmatyag sa paligid.

"Mahirap ang makalapit doon kahit sa haligi Na nagsisilbing proteksiyon ng palasyo ay may nagbabantay Na mga alagad ni chanus kaya malabong makapasok tayo" hingal Na sabi Nito.

"Pero wag kayong mag alala nakapasok Na I dexter doon" tugon Nito kaya nagtaka ako.

"Sino si dexter?" Tanong ko

"Yung matsing Na kasama ko" nakangiting tugon nito. Ano namang mapapala namin sa matsing? Eh pagkain Lang ng kuto ang alam nun.

"Kamahalan kami Na ang bahala sa mga nagbabantay sa labas. Doon nalang Kayo pumasok sa likod at may sikretong lagusan doon papunta sa bodega ng palasyo" wika ni rigore kaya agad kong hinila si temeyo at tumakbo sa kakahuyan patungong likuran.

Hindi ko alam kung ano Na ang nangyayari kina rigor at eshtru pero Alam kong nakikipag bakbakan Na sila dahil umalis Na ang mga nag iikot ikot sa paligid. Agad kaming lumapit sa pakakataas Na pader.

"Madali Lang to para sakin" tugon ni kaharo at sinimulan Na niyang akyatin ang pader kaya hinila ito ni temeyo.

"Ay sekretong lagusan nga diba?" Tugon Nito

"Eh mas mabilis kung ganito" pagmamaktol ni kaharo.

Agad naming kinapa ang pader ngunit wala talaga hanggang sa mapagod kami kaya naitapon ko ang aking espada at biglang tumunog ito Na parang tumama sa isang bakal din.

Agad kaming lumapit dito at kinuha ang iilang dahon Na naka takip dito. Ito Na ng Siguro ang daan papasok kaya agad namin itong binuksan. Napakadili sa loob Kaya nag aalinlangan si temeyo at kaharo Na pumasok pero bigla kong inilabas ang kapangyarihan ko at umilaw ang kamay ko.

Ito ang nagsilbing ilaw namin papasok. Patuloy kami sa pagpasok at nahinto kami ng may dalawang daan ito. Kailangan naming mamili kaya ay dumaan kami sa kaliwa. Ramdam ko ang takot sa mata ni temeyo pero si kaharo ay nakahanda sa panganib.

Ilang minuto din kaming naglalakad hanggang sa makakita sa kami ng liwanag. Pinahinto ko muna sila at ako muna ang sisilip para makasigurado kaming walang ibang tao sa loob.

Nang papalapit Na kami ay agad akong sumilip ngunit napakapayapa ng paligid. May mga bakal sa gilid Na parang may mga kawal ngunit hindi ko makita kung may tao ba dito kaya pinailaw ko ulit ang aking kamay ay dito ko nakita ang sandamakmak Na mga bihag.

Nakakaawa ang kanilang itsura. May ibang nakahubad lahat, may tinaling patiwarik, may ibang pinakain sa lion. Naiiyak ako habang nakatingin sa kanila hanggang sa makita ko si haring sasalob Na nakatali habang walang pang itaas Na damit. Kitang kita ko Ang hirap sa kanyang mukhang nooy natutulog kaya ng tawagin ko ito ay napalaki ang kanyang mga mata at sumibol ang isang matamis Na ngiti.

"Xyru? Mapapahamak ka rito!" Tugon Nito

"Ako ang tagapagligtas kaya nararapat Lang Na tulungan ko Kayo" kaya agad kong tinunaw ang bakal sa gamit ng aking kapangyarihan at Agad Na pumasok sa loob at nilapitan ito.

"Sandali at kakalasan muna kita" tugon ko ng biglang may pumasok Na nagbabatay kaya akong naalarma at pinakawalan ang kapangyarihan ko. Sapol silang dalawa at tumilapon ang butas nilang katawan. Doon ko nakita si calub Na nakatali patiwarik Habang walang kahit Na Anong suot.

"Sige tumakas ka Na mahal Na hari at naghihintay sila temeyo sa labas" tugon ko kaya agad Na tumayo ang hari at paika ikang naglakad.

Binaling ko naman ang aking atensiyon Kay calub Na kalunos lunos ang kalagad. Katulad sa ginawa ko Kay haring sasalob ay tinunaw ko ang bakal pati Na ang tali Nito. Sinalo ko rin ito upang Di siya bumagsak sa napakaligas Na semento.

Naimulat nito ang kanyang mata Na puno ng pasa. Hinawakan pa nga niya ang mukha ko at ngumiti pero binuhat ko kaagad ito para madala kina temeyo.

Agad ko namang nakita si temeyo at kaharo Na inalalayan ang hari.

"Bantayan Nito siya ang tutulungan ko pa ang iba!" Tugon ko at inilapag si calub at bumalik sa loob.

Doon ko Na pinakawalan ang daang daang kawal. Ang iba ay nanghihina Na ngunit marami sa kanila ang malakas pa kaya sinabihan ko silang tumakas na bago pa sila mapaslang ng mga kalaban.

Pinatakas ko silang lahat para maligtas sila. Ngunit inisa isa ko ang mga kulungan at wala akong minos na nakita. Siguro ay inilagay nila ito sa ibang silid.

Sinigurado ko rin Na nakalabas Na sila sa palasyo bago ako babalik sa loob pero bago pa iyon at niyakap pa ako ni haring sasalob.

"Salamat xyru" tugon Nito kaya nginitian ko ito.

"Sige Na at tumakas na Kayo. Kaya ko Na ang labang ito" tugon ko kaya agad silang kumaway Habang pagpasok ulit ako sa loob.

Imbis Na pumasok sa kaliwang bahagi ay sa kanan ako pumasok para malaman kung saan ako dadalhin Nito ng biglang may humawak sa balikat ko kaya nagulat ako at nabalibag ko siya.

"Kaharo? Diba Sabi ko ay sumama ka Na sa kanila!" Turan ko dito.

"Hindi ka namin pwedeng pabayaan!" Tugon Nito at bigla namang lumitaw si temeyo.

"Laban Natin ito xyru" tugon Nito kaya napangiti ako.

"Kayo Na ang bahala sa mga kalaban at ako Na ang hahanap kay minos" wika ko at agad Na pumasok. Kusina pala ito ngunit kataka Takang Wala ni kahit isang tagapagsilbi akong nakita.

Dahan dahan  akong pumasok at may tatlong pintuan akong nakita palabas. Habang napatago sa likod ng pintuan at biglang may pumasok sa babaeng may dalang hugasin kaya agad ko itong hinila at Agad Na hinawakan ang kanyang leeg. Agad din naman itong naging abo.

Nagpatuloy ako sa pagpasok at sila temeyo at kaharo naman ang nagliligpit ng mga katawan Na naipatumba ko.

Habang papasok ako sa bulwagan ay may nakita akong lalaking nakasuot ng magarang kasuotan at papasok sa isang silid. Nakatalikod man ito ngunit hindi ako pwedeng magkamali siya si

MINOS

Maingat akong tumakbo papunta sa silid Na iyon at doon ko nakita ang isang lalaking nakatalikod at inaayos ang kanyang damit.

Kumakabog ang puso ko Habang papalapit dito. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Gusto kong sabihin Na Ama Na siya at kamukhang kamukha niya ang aming anak Na si Narciso.

"Minos?" Agad kong tawag dito at nilingon naman niya ako pero walang kahit Na Ano akong nakita sa mukha nito. Parang nakakita Lang siya ng isang normal na nilalang.

Itutuloy....

What can you say about this chapter?

Leave your comments behind 😊😊

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now