The Magical War 15

1.2K 57 2
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

XYRU POV

"Handa Na ang hapagkainan! Halika na xyru." Malambing Na tugon ni minos at hinawakan pa ang bewang ko.

"Tumigil ka ngang manyak ka! Nagsisimula Na naman yang pagkalibog mo! Baka nga sinadya mo yung nangyari sa atin eh" tugon ko

"Ang sungit mo naman. Halika na nga at marami akong hinanda para sayo" nakangiting tugon nito kaya napatingin  ako sa mesa at doon ko nakita ang sandamakmak Na pagkain. Agad kong nilampasan si minos at agad na umupo saka kumuha ng pagkain. Grabe ngayon Lang ako naging ganito. Kahit noong nasa mundo pa ako ng mga tao ay hindi ako ganito kahibang sa pagkain.

"Ganado ka yata ngayon xyru!" Nakangiting tugon ni shatu mumbai.

"Hayaan mo siya shatu. Ngayon Lang yan ginanahan siguro ay dahil sa kanyang nakuhang kapangyarihan." Tugon ni minos at tumabi sa akin ngunit wala akong pakialam sa kanya dahil pokus ako sa pagkain.

"Tikman mo ito. Kinuha ko pa yan sa sapa!" Alok nito at nilagyan ng alimango ang aking pinggan.

"Salamat" tanging tugon ko at nagpatuloy sa pagkain. Nahihiwagaan talaga ako sa aking sarili dahil first time kong makaubos ng walong pinggan ng kanin.

"Busog ka Na?" Tanong ni minos kaya napalingon ako dito ng biglang kumulo yung tyan kot biglang nasuka. Agad naman akong pumunta sa banyo at sinuka ang kinain ko.

"Ok ka Lang? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni minos.

"Nilason mo ko no??" Galit Na tanong ko dito

"Bat kita lalasunin?" Tanong nito pero hindi ko Na ito pinatulan at agad na nilampasan at pumasok na sa kwarto.

Agad Akong humiga at pinikit ang aking mata. Pinipilit kong makatulog pero parang may kung ano sa katawan ko Na nagbibigay lamig at sakit. Naramdaman kong tumabi si minos sa akin at dahil nakatalikod ako sa kanya ay hindi ko alam ang ginagawa nito. Tinakpan ko nalang ang sarili ko ng kumot dahil sa giniginaw ako at medyo sumasakit yung tyan ko Na parang may gumagalaw sa loob.

Ilang minuto din akong nasa ganoong posisyon at mas lalong lumalamig ang pakiramdam ko ng biglang yumakap si minos sa akin. Aangal pa sana ako ngunit naging normal ang katawan ko ng yumakap ito. Komportableng komportable ako sa posisyon namin ngayon kaya agad akong nakatulog.

..........

Paggising ko ay wala na si minos sa aking tabi kaya agad akong lumabas. Dito ay nakita ko itong naghahanda sa mesa. Ng makita ako nito ay agad itong ngumiti at lumapit sa akin.

"Maayos ba ang tulog mo?" Tanong nito na ikinahiya ko. Alam ko kasing siya ang dahilan kung bakit nakatulog ako kagabi.

"Mmmmm s-salamat nga pala" tugon ko. Nahihiya may marunong pa rin akong tumanaw ng utang Na loob at magpasalamat.

Ngumiti Lang ito at inaya Na akong kumain. Sakto namang palabas Na rin si shatu sa kanyang kwarto. Pagtingin ko sa mesa ay nakita ko agad ang nakahaing itlog. Bigla akong nandiri Na hindi ko alam. Tumakbo agad ako sa cr at sumuka. Agad namang sumunod si minos Na nag-aalala.

"Ayos ka Lang ba?" Tanong nito kaya napatango nalang ako. Agad kaming bumalik sa kusina at nakita ko ulit yung niluto niyang itlog ay nasusuka na naman ako.

"Ilayo mo muna yang niluto mong itlog baka jan siya nandidiri"utos ni shatu Kay minos kaya agad naman nitong kinuha ang nilutong itlog at itinapon sa basurahan.

"Bat mo tinapon? Ang sabi ko ang ilayo mo lang!" Bulyaw ni shatu mumbai.

"Pasensiya. Marami naman akong niluto yan nalang ang kainin mo" tugon nito at bumaling sa akin.

"Ayos ka Na ba?" Tanong nito kaya napatango nalang ako.

"May gusto ka bang kainin? O gustong ipaluto sa akin" tanong nito ulit kaya napaisip ako. Parang gusto ko ng mmmmm adobo!!!

"ADOBO" tanging Nasambit ko

"Ad Ano?" Takang tanong nito

"Adobo isang sikat Na pagkain sa mundo ng mga tao" tugon ko

"Eh paano ko lulutuin yan?" Tanong nito. Medyo matagal tagal Na din mula ng makahawak ako ng sandok siguro it's my time para ipakita ko sa kanila kung gaano ako kasarap magluto.

"Ikuha mo ako ng karne ng manok, bawang, sibuyas, paminta, toyo, suka, at asukal" utos ko dito

"Ahmm ano yung toyo at suha" Tanong nito

"Suka!!" Bulyaw ko kaya napaatras naman ito ng bahagya.

"Diba may sawsawan kayong maalat dito? Yun Na yun at yung pampaasim" paliwanag ko at agad naman itong kumaripas palabas ng bahay.

Isang oras na mula ng umalis si minos at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Sa Mount Everest yata yun bumili eh. Nakita ko si shatu mumbai Na nagbabasa ng libro sa sala kaya nagpaalam muna ako rito Na magpapahangin muna sa labas.

Patingin tingin ako sa paligid at medyo nagagandahan pa rin sa mga structure ng mga gusali Na para bang european ang desenyo. Medyo naaaliw Na rin ako sa mga nakikita ko at hindi namalayang nasasentro Na ako ng bayang ito. Maraming nagtitinda ng kung ano Ano. Medyo malapit lang naman ang nilakad ko kaya nagtataka ako kung bakit ang tagal ni minos.

Naglibot libot pa ako at tiningnan ang mga paninda ng mga mangangalakal ng makarinig ako ng boses Na pamilyar kaya sinundan ko ito at dinala ako sa isang bahay.

Normal Na sa akin na makarinig ng mga boses kahit malayo pa ito dahil nararanasan ko Na ito kahit noong nasa mundo pa ako ng mga tao. Agad akong kumatok dito ngunit hindi ako pinagbuksan. Naririnig ko pa rin ang boses Na tanging ungol lang ang maririnig ko pero alam kung kilala ko ito.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip kung may tao ngunit wala naman. Pumasok ako ng kaunti para silipin ng mabuti ngunit wala talaga kaya nagpasya Na akong umalis ng biglang may nabasag Na itaas ng bahay kaya bumalik ako. Baka kasi nasa taas lang siya o kailangan niya ang tulong ko atleast makatulong ako. Dahan dahan akong umakyat at dito nakita ko ang isang kwartong bukas.

Dahan dahan ulit akong humakbang ng biglang may sumigaw Na babae. Dito ay agad akong umakyat at sinipa ang pintuan ngunit tila tumigil ang mundo ko dahil sa aking nakita.

Halos manikip ang dibdib ko sa galit ng makita ko si minos Nasa kama at may nakapatong na babae at dalawa pang babae ang naka gilid nito ang nagsasawa sa kanyang katawan. Gulat na gulat din ito ng makita ako Na para bang itulak niya ang mga babae pero nakatali yung kanyang kamay.

Agad akong umalis doon. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko Na alam kung saan ako. Grabe ang sakit. Hindi ko alam kung bakit pero tanging sinisigaw ng puso ko ngayon ay hinanakit. Inaamin ko namang hindi ko gusto si minos kahit siya ang pinakagwapong lalaking nakita ko pero tila ba mawasak ako dahil sa kanyang ginawa.

Umiiyak akong tumatakbo papunta sa kagubatan. Dito kasi walang makakakita sa akin na umiiyak. Dito kaya kong ilabas lahat ng galit at sakit. Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa magsawa.

Ilang minuto lang ang narinig ko ang sigaw ni minos. Alam kong nag aalala ito pero wala akong pake kaya agad akong tumakbo palayo sa kanya hanggang sa tuluyan Na akong naligaw sa kagubatan.

Itutuloy......,.......

Wat u tink abawt dis tsafter? Ip u layk it den klik Na bot at komint😊

Prince of Apylus: The Magical WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon