The Magical War 45 Season II

714 30 0
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------
XYRU POV

"Buti nalang at ligtas Na siya" boses Na naririnig ko ngunit mas pinili kong manahimik at nagtulog tulogan.

"Kung sa tingin mo ay magkaayos Na tayo dahil sa pagligtas mo Kay xyru ay nakakamali ka." Boses iyon ni calub.

"Asan si Geo? Oh my god bespren!!!!" Umiiyak Na Sabi ni ash Na para bang bata Habang nakayakap sakin.

"Ikaw! Bakit nandito ka! Isa kang kaaway diba?" Sigaw ni ash kaya dinilat ko Na ang mga mata ko.

"Hindi ako--- xyru?" Napatingin si minos sa akin at lumapit ito.

Agad niya akong niyakap. Tumitig pa ito sa aking mga mata at dahan dahan inilapit ang kanyang mukha sa akin ngunit isang malutong Na sampal ang iginawad ko.

"Umalis ka!" Mahina pero madiin kong Sabi.

Agad namang tumayo ito at tumingin sa mga kasama namin bago lumabas. Agad namang lumapit si ash at temeyo ng makaalis si minos.

"Anong nangyari sayo bespren? Ilang linggo ka din naming hinanap" wika nito ngunit tila Na Pepe ako. Hindi ko alam kung saan magsisimula Basta ang tanging Nasa utak ko ngayon ay yung nangyari bago ako napunta dito.

FLASHBACK

Habang papauwi mula sa pagkikipagdigma doon sa kanluran ay naunang umuwi si efren. Siya ang anak ni chanus Na ipapakasal sa akin. Hindi ako umangal dahil parang Wala din naman sa aking bukabolaryo ang salitang kasal.

Habang lumilipad ay nakarinig kami ng pagsabog kaya agad namin itong pinuntahan. Ngunit nakita kong nakikipag away si efren sa isang nilalang. Sa pagkakatanda ko ay minos ang pangalan Nito. Ng makita kong Hindi na sasalakay ito sa aking mapapangasawa ay agad akong nagpakawala ng kapangyarihan. Ayoko ko sanang makialam pa dahil Wala din namang mawawala sakin ngunit naisip kong magiging masama ang tingin sa akin ni apa (chanus)

"Isa kang hangal para labanan ang Mapapangasawa ko!" Sigaw ni ko at nagpakawala ng sunod sunod Na enerhiya.

"Xyru ako to si minos ang dati mong kasintahan!" Sigaw ng lalaki ngunit tila Wala akong pakialam sa kanya.

"Nababaliw ka Na yata ginoo. Wala akong kilalang katulad mo!" Sigaw Ko at nagpakawala pa ng malalakas Na tira dahilan upang tamaan ko ito.

Nakita kong napuruhan ito ngunit noong tumayo pa ito ay agad akong sumalakay at dumapo ang aking mga Kamao sa kanyang mukha. Napadapa ulit ito kaya agad kong tinapakan ang kanyang ulo.

"Xyru!" Sambit nito

"Ito Na ang huli nating pagkikita ginoong hangal!" Usal ko at itinutok ko ang aking kamay sa kanyang ulo.

"Mahal Kita xyru!" Sambit Nito kaya napahinto ako. Oo Alam kong Wala akong puso at Hindi ako nakakaramdam Na kahit Na Anong emosyon ngunit sa pagkasabi niya ng mga salitang yun parang isang milyong boltahe ang dumalaw sa buong katawan ko. 

Habang nakapikit ito ay agad kong binawi ang aking mga kamay ngunit isang malakas Na pagsabog ang narinig ko. Huli Na ng maramdaman kong tumilapon ang katawan ko.

"BOOOOOOMMMMMMM"

Nagpagulong gulong ako sa lupa. Akmang tatayo ako ng may dumagan sa akin ay biglang pinunit ang damit ko.  May kinuha pa itong bagay Na nakasilid sa banga ngunit mabilis kong hinawakan ang leeg Nito at sinakal ko siya Sabay hagis. Natapon ang bagay Na nasa banga ngunit mabilis itong nakuha ni minos at biglang hinawakan ang ulo ko Sabay halik sa akin.

Natulala ako sa ginawa Nito pero noong mahimasmasan ako ay agad ko siyang tinulak. Ngunit may kung anong bagay ang nakapasok sa dibdib ko kaya noong tingnan ko ang aking dibdib ay punong puno ito ng dugo. Ang akala ko ay kamatayan ko Na talaga. Ngunit biglang umilaw ang katawan ko Na dahilan upang mawalan ako ng malay

END OF FLASHBACK

"Naku! Naku! Nalilito Na ako sa mga nangyayari!" Usal ni temeyo

"Siguro nga mas maging wais tayo lalo pat ang kalaban natin ay isang matalinong tao" sabat ni calub.

"Wala ka ngang utak eh" pambabara ni ash dito.

"Ano Sabi mo? Baka gusto mo--"

"Gustong Ano ha?" Tanong ni ash at nilakihan pa ang mata.

"Baka gusto mong gahasain Kita dito sa harapan nila!" Sagot ni calub

"Tumigil Na nga Kayo! Hindi ito ang oras ng kalandian Niyo" si kaharo Na nooy kasama ang alagang unggoy. Napatahimik nalang ang dalawa.

"Siguro ay mas mainam Na iiwn muna natin si xyru. Batid kong napakarami ng pinagdaanan niya at gulong gulo ang isipan nito kaya nararapat Lang Na bigyan muna natin siya ng panahon para makapagpahinga" turan ni haring sasalob kaya Agad naman silang lumabas.

Siguro ngayon ay mas nadadagdagan ang takot ko Na matalo sa labang ito. Mas nagiging matalino si chanus. Siguro ay dapat Na akong mag isip ng sulosyon. Kailangan kong matutong mag isip katulad ng ginagawa ni chanus.

"Zerato!!" Sigaw ko at bigla namang umilaw ang tabi ko dahilan para lumabas si zerato.

"O xyru Anong maitutulong ko?" Tanong Nito

"Bilang ikaw ang tagapagbantay ng puting dragon ay Alam mo kung paano ikonekta ang mga iyan sa pagkatao ko. Gusto kong isalin mo sa akin ang puting dragon." Utos ko

"Yun naman talaga ang plano namin ngunit may proseso ang pagkamit sa gusto mo. Alam kong matapang ka xyru ngunit kung susubukan mong isalin ang puting dragon sa katawan mo ay pwedeng Hindi kayanin ng katawan mo ang kapangyarihan Na meron ang dragon. Maaring ikaw ang makukuha ng dragon at makulong sa katawan Nito habambuhay" paliwanag neto. Hindi naman ako sumagot. Kailangan ko rin kasing mag ingat sa mga desisyon ko dahil pwedeng magbago ang lahat sa isang desisyon Lang.

Ngayon ko Lang kasi naisip Na mas lalong tumatagal ay mas lumiliit ang tsansa naming manalo.

"Manalig ka sa iyong sarili dahil ito ang magbibigay lakas sayo" Wika Nito at biglang naglaho. Hayst sanay Na ako rito.

Bumalik ako sa pagkahiga at halos nakatitig Lang ako sa kisame dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Natatakot ako sa posibilidad Na pwede kaming matalo at magiging alipin ang lahat ng nilalang dito ngunit Tama si zerato. Ako ang tagapagligtas at kailangan kong maniwala at manalig Na kaya ko dahil kapag nagpakita ako ng kahinaan ay mawawalan din ng pag asa ang ibang kasapi namin.

Sana ay madaig namin ang kasamaan.

Itutuloy.......

Sorry busy talaga masyado kaya matagal ang update

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now