The Magical War 31

1K 61 36
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

XYRU POV

Apat araw Na mula ng umalis sila minos at akoy nangangamba Na rin dahil Wala ni isang balita ang dumarating dito. Magtatatlong araw Na rin yung inutusan kong kumuha ng halaman sa hilaga Na tinutukoy ni galvis ang dalawang kawal.

Habang nakaupo at hawak ang natutulog kong anak paharap sa bukana ng hardin ay nakita ko ang dalawang kawal Na hingal at Di magkandarapa sa pagtakbo papunta sa akin. Agad naman akong napatayo at inilagay ang aking anak sa sisidlan Nito.

"Anong nangyari sa inyo?" Agad kong tanong ng makalapit sila. Hingal ang mga ito at halos hindi makapagsalita kaya tinawag ko ang mga katulong at pinainom sila ng tubig.

"Kamahalan patawad po at Hindi namin nakuha ang halaman Na sinasabi Niyo. Napuno ng mga alagad ni chanus ang buong hilaga at ang masama pa ay natalo ang hukbo nila haring sasalob kasama ang Ilang kaharian din. Sa tingin namin ay bihag Na sila ngayon ni chanus!" Paliwanag Nito at Agad namang dumating si galvis at temeyo.

"Anong nangyari?" Agad Na tanong ni galvis.

"Natalo sila!" Nakatulala kong tugon at napaluhod.

"S-si minos! Kailangan kong maligtas sila minos!" Tugon ko at Agad Na kinuha ang espada ng isang kawal at Agad Na lumakad ng pigilan ako ni galvis.

"Sandali kamahalan! Huminahon ka muna! Mapapahamak ka Lang kung pupunta ka dun!" Sigaw Nito at inaawat ako kasama si temeyo.

"Pero binihag sila!!! At ako ang tagapagligtas pero wala akong nagawa!!!" Sigaw ko

"Kaya nga planuhin mo muna bago ka pumunta doon!" Wika nito ngunit tinulak ko siya.

"Pabayaan mo ko! Ako ang tagapagligtas diba? Kung totoo yan ay hindi ako mapapahamak dahil nakatalaga Na ito sa propesiya!" Bulyaw ko sa kanila.

"Pero maaaring magbago ang lahat! Alalahanin mong may anak ka na kaya dapat ay isa alang alang mo rin siya sa bawat desisyon mo!" Wika Nito kaya napahinto ako at tumingin sa payapang natutulog Na bata.

Agad akong napahiluhod at bumuhos ang aking mga luha. Siguro kung naroon ako ay malaki ang tsansa Na manalo sa laban. Napakawalang kwenta ko, daan daan Na ang namamatay ngunit hindi pa rin ako nakatulong.

"Iwan Niyo muna ako!" Utos ko sa kanila ngunit hindi umalis si temeyo. Nakatayo pa rin ito at tumutulo ang kanyang luha.

"A-Anong gagawin natin?" Walang emosyong tanong nito kaya napatingin ako rito

"H-Hindi ko alam!" Sagot ko at bigla nitong hinawakan ang damit ko

"Hindi mo alam? Ganyan ba kababaw mag isip ang isang tagapag ligtas? Gusto kong isipin Na makapangyarihan ka at malakas pero ngayon naisip kong isa Lang malaking mang mang!" Sigaw Nito at umalis.

"Oo Tama ka temeyo isa nga akong malaking mang mang. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang gagawin ko. Alam kong nasasaktan ka dahil nandoon si miyo ngunit mas nasasaktan ako dahil hindi Lang nandoon si minos kundi hindi ko nagampanan ang pagiging isang tagapagligtas Na sinasabi sa propesiya!" Turan ko rito kaya napahinto ito ngunit nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Napakawalang kwenta ko! Ngunit Tama si galvis kailangan kong pag isipan ang gagawin ko dahil maaari itong ikapahamak ng ibang tao lalo na ng mga nabihag.

Agad kong kinuha ang aking anak at hinanap si galvis. Nakita ko itong nakaupo Lang sa balkonahe at nag iisip din.

"Mmm galvis!" Tawag ko rito kaya agad itong napalingon sa akin

"Iiwan ko muna sayo ang aking anak." Tugon ko rito

"At Saan ka naman pupunta?" Tanong Nito

"Kailangan kong maSiguro Na nandoon sila minos bago ko planuhin ang pagsalakay" tugon ko

"Uulitin ko kamahalan. Walang kasiguraduhan ang iyong binabalak at kapag nahuli ka ng mga kalaban ay tiyak Na katapusan Na ng mundong ito" paalala Nito

"Magtiwala ka sakin Galvis. At wag Na wag mong pababayaan ang aking anak" tugon ko at lumapit sa aking anak Na payapang natutulog.

"Anak babalik si papa hah at kung sakali mang magkaproblema ay palagi mong tandaan Na mahal Na mahal kita........ SEBASTIAN" tugon ko at hinalikan siya sa noo.

Agad akong lumapit sa kawal at hiniram ang isang espada at isang latigo. Kumuha din ako ng isang puting kabayo.

Habang nakasakay at inaayos ang sarili ay biglang may tumabing kabayo sa akin at dito tumambad si temeyo Na handang Handa.

"Sasama ako sayo" tugon Nito

"Mapapahamak ka Lang doon" sagot ko

"Patawarin mo ako kanina sa mga nasabi ko nadala lamang ako sa aking emosyon. Kaya sana ay isama mo Na ako dahil hindi mo Lang laban ito laban natin ito" turan nito kaya napangiti ako Sabay palo sa kabayo.

Agad namang sumunod si temeyo at lahat ng mga kawal ay sumaludo sa pag alis namin pati ang mga katulong.

Ng dumaan kami sa nayon ay nakita namin si kaharo Na mabilis Na tumatakbo papalapit sa amin. Nang Nasa tapat Na namin siya ay Agad naman itong sumakay sa kabayo.

"Takbo!!!!" Sigaw nito at dito lumabas ang mga groupo ng mga lalaki at hinahabol siya. Agad naman kaming kumaripas sa pagtakbo.

Ng makarating Na kami sa kagubatan ay dito Na kami huminto at Agad namang bumaba si kaharo.

"Salamat xyru. Siya nga pala Saan Kayo pupunta?" Tanong Nito

"Sa hilaga" Sagot naman ni temeyo

"Alam Niyo ba ang papunta doon?" Tanong nito at Agad naman kaming napailing.

"Buti at nakita niyo ang isang makisig Na tulad ko. Halina kayo at sasamahan ko Kayo papunta doon." Turan Nito at sumakay sa kabayo ni temeyo

"At bakit sakin ka sa sakay?"" Tanong ni temeyo.

"Kasi maliit ka"sagot Nito at pinalo ang kabayo.

Agad naman akong sumunod sa kanila. Medyo mahirap ang daan lalo pat sobrang mataas ang mga damo kaya mahirap daan. Sabi ni kaharo ay susundan Lang daw namin ang ilog at dadalhin kami nito sa tulay papunta sa kabila kaya medyo nahihhirapan kami.

Patuloy kami sa pagsunod sa ilog ng biglang nagsiliparan ang mga ibon.

Itutuloy..........

Pwede Po bang mang Hingi ng kunting FAVOR.. actually hindi naman mahirap ito. Magcomment Lang kayo. Bilang isang umuusbong pa Lang Na manunulat ay kailangan ko ng criticism niyo upang mas mapaganda ko ang mga sinusulat ko. Hindi naman ako magagalit kahit negative comments ito.

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now