The Magical War 18

1.3K 53 9
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

XYRU POV

"Sa tingin ko ay magaling kana kayat maaari ka ng makauwi sa tekno at balikan ang taong naghihintay sayo doon" tugon ng lalaki habang naghahasa ng espada.

"Naku Hindi na ako babalik sa bwesit Na lalaking iyon. Baka pag nakita ko siya ay mapadali ang pagkikita nila ni kamatayan." Bulyaw ko

"At Saan ka naman pupunta kung hindi ka babalik sa tekno?" Tanong nito habang patuloy siya sa kanyang ginagawa.

"Edi dito. Tinulungan mo naman ako at Alam kong tutulungan mo ako diba?" Nakangisi kong tugon. Hindi ito sumagot bagkus ay ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. At dahil medyo boring siyang panuorin ay lumabas muna ako sa kanyang bahay at naglakad lakad. Habang nainaaliw ko ang aking sarili sa paglilibot ay may kakaibang paro-paru akong nakita. Umiiba ang kulay nito kaya nakamamanghang pagmasdan. Siguro kung may camera Lang akong dala ay siguradong kukunan ko ito ng litrato kaya patuloy ko itong sinundan hanggang sa makarating kami sa isang maliit Na lagoon. Malinaw at halatang napakapresko ng tubig kaya agad akong lumapit dito at tingnan ang tubig.

Dito ay malinaw kong nakikita ang mga isdang lumalangoy at nag aagawan ng pagkain. Sobrang naaliw ako sa aking nakita. Parang nawala lahat ng aking mga pangamba at hinanakit. Habang patuloy sa pagtingin sa mga isda Na nagsisilanguyan sa tubig ay bigla nalang kumulo ito Na parang nasa isang bukal. Medyo nangamba Na ako baka kasi may mga kalaban ulit ngunit huminto din naman ito at bumalik sa dating anyo ngunit kapansin pansin Na Wala nang kahit isang isda ang lumalangoy.

Hinahanap ko ang mga ito ngunit wala Na talaga ng bigla nalang may imaheng lumitaw sa parte ng tubig Na tiningnan ko. Dito ay nakita ko si ash na bestfriend ko Na nakatali ang dalawang kamay habang Wala itong pang itaas Na damit at hinahampas ng latigo. Wala man akong naririnig Na tunog mula dito ngunit alam kong sumisigaw ito sa sakit. Habang pinapanood ko ito ay hindi ko namalayang tumutulo Na pala ang aking luha. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang kaisa isa kong bestfriend.

Patuloy ang paglitaw ng mga imahe at bigla ding ipinakita si freva Na naka tihaya at walang kahit isang saplot. Nakatali din ito at dito ay isa isang hinalay siya ng mga kampon ni chanus. Awang awa ako dito at halos hindi ko matingnan ang imahe. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito ngunit ako rin naman ang kailangan nila para matapos Na ito. Kaya dapat ay bilisan ko Na ang mga pag iinsayo upang matutunan ko na ang mga bagay Na namakakatalo kay chanus.

Ng matapos ang mahaba habang paghahalay Kay freva at lumataw ulit ang isang imahe at dito ay nakita ko si emanuel Na nkaupo sa isang malaking upuan. Galante ang kanyang kasuotan. Nakangiti ito at parang may kausap ngunit hindi ko Na natapos ito ng biglang may humawak sa balikat ko kaya nataranta ako at nahampas ko ito ng malaking Bato. Dito ay nakita ko itong matandang lalaking ito at duguan ang kanyang noo ngunit parang Wala Lang ito sa kanya kasi hindi ko nakitaan ng bahid Na sakit.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito

"Wala nag liliwaliw lang. eh ikaw bat nandito ka eh naghahasa ka pa ng iyong espada ahh" tugon ko at tiningnan ulit ang parte Na may imaheng lumitaw.

"Eh istorbo ka ehhh. Nawala tuloy!!" Bulyaw ko dito.

"Ano bang tinitingnan mo jan eh puro Bato Lang naman yung nandiyan eh." Tugon nito

"May isda kaya kaso tinakot mo!" Tugon ko

"Guni guni mo Lang ang mga iyon kaya halika na at baka may kalaban pang makakita sa Iyo." Tugon nito kaya napatango nalang ako at sinusulyapan ulit ang tubig baka kasi guni guni ko Lang talaga iyon.

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now