The Magical War 9

1.3K 64 7
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

GEO/XYRU POV

Parang walang katapusan ang lakaran namin. Namumutok Na rin ang ugat sa binti ko. Ewan ko ba kung saan ang eksaktong lokasyon ng pupuntahan namin. Napapagitnaan ako Nina freva at emanuel Na kasalukuyang dala dala ang gamit namin. Ako ang nagdala ng mga binigay ni koora dahil mas kailangan ko raw ito. Kinalasan Na rin namin si emanuel dahil nahihirapan Na rin ito lalo pat dala niya ang lahat ng gamit namin.

"Gaano ba kasama yang chanus Na yan bakit gusto niyo siyang mapabagsak?" Biglaang tanong ko sa kanila.

Tumingin si freva sa akin bago nagsalita. "Mas masama pa siya sa demonyo! Gusto niyang kunin ang lahat ng kapangyarihan sa mundong ito at babalik sa mundong kanyang pinanggalingan." Tugon nito

"Huh? AkAla ko ba gusto niyang maging hari dito sa Apylus?" Tanong ko naman.

"Oo magiging hari siya dito sa apylus ngunit sadyang napakaliit ng Apylus para pamunuan. Masyadong mataas ang hangarin ni chanus kaya babalik siya sa kanyang mundo Na higit Na sampung beses na malaki kesa sa Apylus." Tugon nito

"Aalis din pala siya eh" sagot ko

"Di mo naiintindihan. Kukunin niya ang lahat ng ating kapangyarihan at doon ay babalik siya sa kanyang mundo para sasakupin ito. Ang mundong ito ay ang mundo kung saan ka nagmula" tugon ni freva. Medyo hindi ko naintindihan ang kanyang mga sinabi. Imposible namang tao si chanus dahil may kapangyarihan ito. Tumingin ako Kay Emanuel at nakita kong Medyo nagiging pula yung gitna ng kanyang mata.

"A-Anong nangyayari jan?" Tanong ko at tinuro yung mata niya

"Ang Ano?" Takang tanong nito

"Yung mata mo nagiging pula"sagot ko

"Ahh normal Lang yan" tanging sagot nito kaya bumalik Na ang atensiyon ko Kay freva.

"Sandali. So tao yang chanus Na yan? Sa pagkakaalam ko ang walang kahit Na anong kapangyarihan ang mga tao sa mundo ko so paanong nagkaroon si chanus ng power ay este kapangyarihan pala" tanong ko dito

"Si chanus ay anak ng diyos Na isa sa mga gumawa ng mundong ito. Si Hylus ay Diyos Na nakakapaglakbay gamit ang oras at ito ang hindi nakuha ni chanus sa kanya. Pinanganak siya Na may pangit Na mukha. Lagi siyang tampulan ng tukso, ayaw rin siya ng kanyang ama Na si hylus kaya lumaking may hinanakit at poot sa kanyang dibdib. Ng siya ay tumuntong sa Tamang edad ay natuto siyang umibig at magmahal. Minahal niya ang isang magandang babae Na anak ng isang Datu sa mahitinika. Araw araw niyang binibisita ang babae ngunit ayaw ng magulang ng babae sa kanya kaya palagi siyang itinataboy. Isang araw ay biglaang namatay ang babae at doon ay si chanus ang pinagbintangan. Dahil sa takot ay kinuha niya ang mahiwagang tungkod ng kanyang ama at dinala ang kanyang sarili sa ibang mundo. Doon ay umibig siya ng tao at gumawa pamilya. Gaya dito sa apylus ay ganun rin ang trato sa kanya doon sa mundong iyon. Tampulan pa rin siya ng tukso. Daang taon rin siyang nanatili sa mundong iyon. Patay na ang kanyang asawa ngunit dahil may dugong imortal din ang kanyang anak kaya hindi rin ito tumanda. Isang araw nabalitaan niya Na nag-away ang mga diyos sa apylus at doon siya nakahanap ng pagkakataong bumalik. Pinag away niya lalo Ang mga diyos hanggang magpatayan. Alam mo si cha----" di Na niya Na ituloy ng biglang may mga tunog ng yapak. Napatingin ako sa paligid. Kakaiba ang mga nakikita ko dahil may mga parte akong nakikita sa medyo kalayuan. Liwanag Lang ito, maraming liwanag.

Nagsimula maging ganito ang mata ko mula noong sumakit ito sa palasyo ni koora. Malayo Na ang naabot ng paningin ko at mas klaro ko Na ang lahat ng nakikita ko kahit sa dilim.

Umatras kami ngunit bigla nalang lamabas ang sandamakmak Na taong mukhang nagkulang sa vitamins.

"Mga Tamanaw!!!" Sigaw ni emanuel at inilabas ang kanyang espada.

"Ang pangit nila!!" Sigaw ko at tumakbo ngunit may mga tamanaw rin pala sa likuran. Lumingon ako kina emanuel ngunit nakikipag away na sila. Biglang umilaw ang aking mata at doon ay biglang sumugod ang isang tamanaw ngunit namangha ako ng mailagan ko lahat ng kanyang atake. Doon ay sunod sunod Na umatake ang lahat ng tamanaw ng biglang may humarang Na lalaki.

"Ikaw Na naman? Sino ka ba talaga?" Tanong ko at biglang umilag sa mga atake ng tamanaw habang siya naman ay nakikipag away.

"Ilag!" Tugon nito at tinulak ako. Bwesit ang sakit ng pwetan ko. Agad din naman akong tumayo at lumapit sa kanya at tinulak din siya.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong nito habang nakikipag away pa rin.

"Para maranasan mo kung gaano kasakit mahulog ng walang sumalo" tugon ko at bigla niya akong niyakap at umiba ng posisyon. May tamawa pala sa aking likuran.

"Salamat" tugon ko ng biglang lumindol at nagkaroon ng sobrang lakas Na hangin at doon ay napatakip ako ng mukha. Pagtanggal ko dito at tumatakbo Na papunta sa akin si freva at emanuel.

"Kamahalan! Mabuti Lang po ba kayo?" Tanong nito at tumayo ako

"Mabuti Lang ako" sagot Kita tumingon lingon sa paligid ngunit nawala Na naman yung lalaking yun. May lahit aswang yata yun eh.

"Teka anong nangyari bat nawala yung mga halimaw? " tanong ko

"Ewan ko bigla nalang lumindol at lumakas ang hangin. Kahit ako ay hindi ko nakita kung sino ang gumawa nun" sagot ni freva. Ng tumingin naman ako Kay Emanuel ay parang may iniisip ito.

"Anong problema?" Tanong ko dito

"Ahh Wala" tanging Sagot siya

"Nakakainis ang dami pala nating kalaban sana pala si cardo yung sinama natin dito" tugon ko

"Sinong cardo?" Tanong ni Emanuel

"Ahh Wala isang magaling Na aktor sa mundo namin." Sagot ko

"Teka nga pala. Anong nilalang yang mga tamawa na yan?" Tanong ko

"Sila ay mga nilalang Na tinanggalan ng kapangyarihan kaya pumapatay sila ng mga katulad natin para makuha nila ang kapangyarihan Na meron tayo" tugon ni freva.

"Buti nalang talaga may tumulong sakin kanina" turan ko dito

"Tumulong? Sino?" Tanong naman nito

"Hindi ko alam Basta matagal Na niya akong tinutulungan" tugon ko at tumingin Kay Emanuel na halatang nakita niya ito.

"Alam niyo dapat bilisan natin baka kung Ano pang lumabas sa lugar na ito at Hindi na talaga tayo makakaligtas" turan ko at agad na naglakad.




Itutuloy.....

Please guys vote Kayo at comment❤️❤️

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now