The Magical War 24

1K 52 2
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

XYRU POV

Nagising ako dahil may naramdaman akong may humahalik sa  ilong ko. Agad kong iminulat ang aking mga Mata at dito nakita ko si minos Na malapad ang ngiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong dito

"Kagabi pa ako dito. Yakap yakap mo nga ako eh" Sagot nito kaya agad ko itong pinalo ng unan.

"Maaari ba ginoong manyak Nasa loob tayo ng palasyo. Paano kung biglang pumasok dito ang hari o prinsipe? Nakakahiya!!" Bulyaw ko rito.

"Mas mabuti nga yun para malaman nila Na akin ka!" Tugon nito at niyakap ako kasabay ang pagbukas ng pinto. Napatingin naman kami ni minos dito.

"Ayyy paumanhin po. Sige po ipagpatuloy niyo Lang ang ginagawa niyo" tugon ng maid. Eto Na nga ba ang sinasabi ko. Nakaka awkward nga yung pwesto namin ni minos. Nakahawak siya sa braso ko habang Walang pang-itaas Na suot at ako naman ay nakahawak sa kanyang dibdib, tinutulak ko kasi siya.

"Umalis ka Na nga! Sinisira mo araw ko eh" bulyaw ko at Agad siyang tinulak sabay tayo.

"Oh Sige Na aalis. Baka kapag ikaw pa ang umalis Ilang milya Na naman ang lalakbahin ko mahanap ka Lang" pagpaparinig nito.

"At sinong nagsabi Na hanapin mo ko?" Mataas Na boses kong tanong.

"Kasi mahal kita. Sapat Na nadahilan yun para hanapin Kita!" Tugon nito kaya napairap ako sabay talikod. Puta kinikilig ako.

"Punta muna ako sa Hardin para magpahangin" tugon ko rito at lumabas Na sa silid.

Pagdating sa hardin ay agad kong nilanghap ang napaka presko at sariwang hangin. Tanaw Na tanaw ko ang ibat ibang uri ng halaman at paru-parong nagliliparan.

"Mukhang naaliw ka sa mga nakikita mo!" Biglang Sabi ng lalaki sa aking likuran kaya napalingon ako rito. Si Calub pala.

"Ikaw pala!" Tugon ko rito.

"Siguro ay mag tsaa ka muna para mainitan ang yung tiyan lalo pat malamig ngayon" tugon nito kaya napangiti ako.

"Salamat sa alok mo Calub ngunit hindi ko gusto mag tsaa ngayon. Siguro ay sa susunod nalang." Sagot ko.

"Mmmm mukhang masama ang gising mo ahh" turan nito ng biglang may sumingit.

"Siguro ay na aaliwasan siya sayo" tugon nito kaya nilakihan ko siya ng mata.

"Ikaw pala ginoong minos. Hindi ko alam Na ang isang diyos Na katulad mo ay mapapadpad sa ganitong parte ng palasyo." Tugon ni calub.

"Nandito ang pinaka magandang tanawin kaya ako naparito" Sagot naman ni minos sabay tingin sakin. Kaya inirapan ko ito at sinenyasang susuntukin.

"Mmm siguro ay pumunta muna tayo sa hapagkainan upang makapag almusal tayo!" Alok ni calub ng biglang may kung anong bagay sa aking tiyan ang gumagalaw at bigla akong nasuka.

"Xyru? Anong nangyari?" Tanong ni calub at lumapit sa akin.

"Xyru may masakit ba sayo?" Tanong naman ni minos sabay hawak sa kamay ko. Agad naman akong napatayo ng tuwid.

"Maayos Lang ako. Siguro ay naparami Lang ang kain ko kagabi kaya sumama ang aking tiyan." Sagot ko at Agad Na pumasok sa loob.

Bumalik ako sa aking silid at doon tiningnan ang aking repleksiyon sa salamin. Umiiba yata at hugis ng aking katawan. Yung mata ko rin ay nag iba ang kulay. Hayst Siguro ay dala to ng kapangyarihan Na nakuha ko. Pumasok ako sa banyo at doon ay naghilamos.

Prince of Apylus: The Magical WarOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz