The Magical War 11

1.3K 64 3
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

GEO/XYRU POV

Tunog ng pinggan ang aking narinig nung bumalik ang aking ulirat. Dito ay agad akong bumangon at tiningnan ang buong paligid dito at nakita ko ang isang lalaking nakatayo habang may hawak na kutsara.

"Ikaw Na naman? Bat palagi mo nalang akong sinusundan" bulyaw ko rito

"Buti at nagkamalay ka na!" Pabalang na sagot nito at tumalikod

"Sino ka ba talaga at palagi ka nalang sumusulpot kapag napapahamak ako?" Tanong ko Tito at humarap ito sakin.

"Kung ako sayo ay kumain ka muna't pag usapan natin yan mamaya. Tatlong araw ka ng walang malay kaya sigurado akong nagugutom ka Na" turan nito at saka naman tumunog ang aking tyan. Pahamak din tong tyan Na to eh.

"Hindi ba nakakamatay yang pagkain mo?" Tanong ko at natawa naman eto.

"Nauuna mo pang isipin yan kesa sa gutom mo? Magaling naman ako magluto kaya masasabi kong pwedeng kainin yang niluto ko" sagot nito at tumayo naman ako kahit medyo nanghihina ang tuhod ko. Inalalayan niya ako papunta sa mesa at doon nakita ko ang sandamakmak Na pagkain. Bigla tuloy akong natakam sa mga ito.

"Fiesta ba dito?" Tanong ko

"Huh? Hindi ko alam yang mga salita mo." tugon nito

"Basta salo-salo" tugon ko

"Mmmm niluto ko lahat ng ito para sayo" turan naman nito at napatingin ako dito. Mas gumwapo siya ngayon kesa noong huli naming pagkikita. Ngayon ko Lang napansin na kakaiba pala yung mata niya dahil kulay Asul Na parang green na may pagka gray. Basta undefinable yung kulay.

"Mas mabubusog ko kapag nagpatuloy ka sa pagkain kesa sa pagtitig sa aking mukha" turan nito kaya napabalik ako sa ulirat at pinagpatuloy ang pagkain.

Medyo matagal din akong lumamon bago ako mabusog. Halos kalahati din ang nakain ko sa mga hinanda ng lalaking ito. Masarap yung luto niya in fairness parang luto Lang ni mama.

"Maghanda ka dahil may pupuntahan tayo mamaya" tugon nito at may parang kinukulikot sa parang study table niya kaya lumapit ako dito.

"So anong pangalan mo estranghero?" Tanong ko sa kanya ngunit nagpatuloy Lang ito sa pag-ayos ng kanyang ginagawa.

"Alam mo matagal Na akong nagtitimpi sayo! Hindi ka naman pipi at lalong hindi ka naman bingi pero kapag kinakausap Kita parang Hindi mo ako nakikita!" Bulyaw ko rito at tumigil naman ito sa kanyang ginagawa sabay tayo at dahan dahang lumapit sa akin. Dahil medyo nabibigla din sa kanyang kinikilos ay dahan dahan din akong umatras hanggang sa tumama yung likuran ko sa pader ng bahay. Dito ay kinulong niya ako sa kanyang bisig at dahan dahang inilapit yung mukha niya sa akin. Napapikit ako dahil sa kanyang ginawa ng biglang bumulong ito sa akin.

"Magbihis kat may pupuntahan tayo. Doon ko sasagutin lahat ng tanong mo" tugon nito at agad na umalis. Napadilat naman ako. Bwesit yun ah pumikit pa naman ako!!!

"Nasaan ang mga gamit ko??" Tanong ko sa kanya.

"Inilagay ko sa kabinet malapit sayong higaan. Diyan ko rin inilagay ang mga binigay ni koora" sagot nito

"Panong??"

"Nandoon ako ng binigay sa inyo ni koora ang mga bagay Na iyon. Nagtataka Lang ako bat hindi mo ginamit iyon ng habulin ka ng mga tauhan ni chanus" turan nito

"Sini ba namang makakapag isip nun kung hinahabol nila ako't nagpaulan pa ng pana" tugon ko rito

"Di bali magbihis ka nalang at medyo malayo ang pupuntahan natin" tugon nito at lumabas. Agad naman akong naghanap ng damit. Kainis lahat ng damit ko ay makailang beses ko ng inulit at alam kong makati na ito sa katawan kaya binuksan ko yung kabinet ng lalaking ito. Doon ay may nakita akong kumikinang Na damit. Ayoko sanang kunin ito pero parang may kung anong enerhiya ito Na nagsasabig "isuot mo ang damit Na ito"

Doon ay kinuha ko ang damit at agad na sinuot. Para itong pang genie na suot dahil maluwag Na pajama ito Na may tali sa baba at parang suit yung pang taas Na sobrang kumikinang. Ng matapos Na akong magbihis ay agad akong lumabas at diti ko nakita yung lalaki Na nakaupo at may binabasa. Ng tingnan niya ako ay nanglaki ang mga mata nito at agad na pumunta sa akin.

"Bakit mo sinuot ang damit Na iyan??" Tanong ko

"Huh? E wala akong damit eh kaya nanghiram nalang ako" tugon ko

"Masyadong makapangyarihan ang kasuotang iyan." Tugon nito at lumapit sa akin at sinusubukang hubarin ang damit

"Teka Teka dito mo talaga ako huhubaran?" Tanong ko

"Bakit anong problema don?" Tanong nito at napailing nalang ako.

Tama nga ang sinabi niya Na may kapangyarihan itong damit Na ito dahil kumakapit ito sa balat ko kaya medyo natagalan kami bago natanggal ito.

Hubot hubad ako ngayon at tinatakpan ng dalawa kong kamay ang maselang parte ng aking katawan. Dito ang nakita ko siyang nakatitig sa akin kaya ng mapansin ko ito ay agad ko itong tinapunan ng masamang titig kaya agad itong naghanap sa kanyang drawer ng damit. Doon ay nakakita siya ng damit Na parang kagaya sa muslim. Yung makapal Na tela at halos hindi ka makahinga. Umangal pa ako ngunit sabi nito ay hindi ako makikilala kung ito ang susuotin ko kaya pumayag Na ako.

Paglabas namin sa kanyang bahay ay doon ko nakita Na nasa tuktok pala kami ng bundok at kitang kita dito ang mga lugar sa baba lalo na yung isang nayon Na sa tingin ko ang maunlad kasi nakikita kong may naglalakihang gusali. Nabalik Lang ako sa aking ulirat ng tapikin ako ng lalaking ito at naglakad na. Naging parang Aso ako Na sunod ng sunod sa kanya habang pababa kami.

Medyo malayo nga ang pupuntahan namin dahil mahigil dalawang oras na kaming naglalakad ay patuloy pa rin naming binabaybay ang daan patungo sa lugar kung saan siya pupunta. Tahimik kami at wala ni isa sa amin ang may planong magsalita. Tunog ng mga insecto ang aking naririnig at yung mga yapak namin kaya binasag ko Na ito baka tuluyan ng maging pipi ang isang to.

"Grabe no! Ang tahimik mo palang tao. Pwede kang maging bida sa a quiet place pag nagkataon" tugon ko dito ngunit parang Wala pa rin itong narinig.

"Hoy alam mo ang gwapo mo. Noong una kitang nakita grabe napatitig ako sa mukha mo. Ang cute mo rin ang ang sarap halikan ng mga labi mo" pang aasar ko sa kanya para makuha ang kanyang atensiyon ngunit ganun pa rin ito patuloy lang sa paglalakad.

"Alam mo gusto kita!!" Turan ko ngunit ganun pa rin. Napipikon Na ako sa kanya!!!!

"Hoy gusto Kita!!" Tugon ko at kinalabit Na siya pero ganun pa rin ito. Nakakabwesit ang isang to! Kahit anong gawin kong pagpapapansin ay parang hindi ito tumatalab.

"Feeling ko ay mahal Na Kita" tugon ko at bigla itong huminto sabay harap sa akin.

Hindi ito nagsasalita at nakatitig lang sa aking mukha. Ang weird ng isang to. Gwapo nga pero mukhang may tupak. Ilang saglit Lang ay lumapit ito at hinawakan ang aking ikalawang kamay sabay hila sa ikalawang daliri ko. Dito ay biglang humangin. Binuklat nito ang kanyang kamay at lumabas ang isang dragon na sobrang liit. Tatakbo pa nga ako noon eh ng biglang lumipat ito sa aking palad at pumulupot sa aking daliri.

Pagkatapos pumulupot nito na parang singsing ay tumigil din ang pag ihip ng hangin. Tumalikod ulit yung lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. Putik binigyan niya Lang ako ng nakakakilabot Na singsing tsaka naglakad ulit. Siraulo talaga ang isang to.

Sinubukan kong hubarin ang singsing ngunit para itong buneng nakakapit sa balat. Bahala Na nga Hindi naman siguro ito nakakamatay.



Itutuloy......

New chapter is here!!!!!!!

Please vote
Please comment
Please follow

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now