The Magical War 4

1.8K 90 0
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

GEO/XYRU POV

Maaga akong nagising dahil sa ingay Na nagmumula sa labas kaya agad akong bumangon at tininganan kung anong ingay iyon. Paglabas ko ay nakita ko si emmanuel Na naka top less habang hinahasa ang kanyang espada.

"Hmm" pagtikhim ko.

"Oh gising kana pala kamahalan?" Tanong nito at napatayo. Maganda ang katawan ng isang to. Bumagay ang gwapo ng mukha niya sa maskuladong pangangatawan nito. Para siyang isang Hollywood actor.

"Nagising lang!" Tugon ko dito

"Patawad at nadistorbo ko Kayo sa pagtulog mo. Hinahanda ko Lang tong espada ko para sa paglalakbay natin." Tugon nito

"Sige sige. Tapusin mo na yan at maliligo muna ako jan sa batis." Tugon ko at Hindi naman ito tumugon kaya pumasok ulit ako sa loob.

Sinubukan kong maghanap ng pwede kong gamiting pamunas Buti nalang at may nahanap ako Na nakasabit sa kwarto. Kinuha ko ito't inamoy baka mabaho. In fairness mabango siya at medyo amoy lalaki. Hindi ito kurteng parihaba, triangle shape ito pero okay na to pamunas Lang naman eh.

Hinubad ko Na ang damit ko at tanging brief Lang ang suot ko. Huhubarin ko nalang to mamaya pagdating ko sa batis. Agad akong lumabas at doon nakita ko si Emmanuel na nagdudukdok ng kung anong bagay kaya nilampasan ko Lang ito. Nakita ko pang napatingin ito pero hindi ko Na siya inabala.

Pagdating sa batis ay nakita ko ang linis at linaw ng tubig para itong nagyayaya Na maligo ako. Hinubad ko Na ang brief ko at nagtampisaw sa malamig Na tubig. Relaxing sa pakiramdam ang ganito ka linis Na tubig.

Ilang minuto din akong nagbabad sa tubig ng magpasya akong umahon Na. Pag ahon ko ay nakita ko si Emanuel na nakatayo habang nakatingin sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Nandito ako para maligo din" sagot nito at sinimulang hubarin ang kanyang kasuotan.

"Sandali sandali! Paalisin mo muna ako bago mo ibalandra yang kahubaran mo sa harapan ko!" Tugon ko at tinakpan ang maselang bagahi ng katawan ko habang umaahon sa tubig. Kinuha ko yung mamunas ko at agad na tumalikod Kay Emanuel at pinunasan ang maselang bahagi ng katawan ko.

"Mmm matambok ang likuran mo kamahalan parang isang babae" biglang sabi ni Emanuel kaya napaharap ako dito kaya napatingin siya sa alaga ko.

"Ahmm maligo ka Na nga! Nambubuso ka pa eh!" Bulyaw ko dito at agad na sinuot yung brief ko saka ko pinunasan ang mukha ko pati ang buo kong katawan.

"Sandali kamahalan?" Biglang pigil ni Emanuel sa akin ng paalis Na ako.

"Bakit Na naman?" Tanong ko

"Salawal ko po yang ginamit niyong pamunas!" Tugon nito

"Ahhh brief mo ito?" Tanong ko

"Brief? Basta pareho sa sinusuot mo yang pamunas Na ginamit mo ngayon" tugon nito

"Yuck!!!! Kanina pa ako punas ng punas jan tapos ngayon mo Lang sinabi kung kaylan tapos na ako? Bwesit ka rin eh" sigaw ko dito at tinapon yung pamunas saka agad na umalis.

Kainis yung lalaking yun! Wala pang taong bumastos sa akin kundi yung lalaking yun kung Hindi Lang talaga gwapo baka hinampas ko Na siya ng Bato kanina. Kainis!!!!.

Pagdating sa kubo ay agad kong kinuha ang damit ko at sinuot uli ito. Medyo makati na rin ito sa balat pero Wala akong magagawa dahil Wala naman akong damit Na iba. Pagkatapos kong magbihis ay naghanap muna ako ng pagkain baka may naitabi si Emanuel at buti naman ay nakakita ako ng mansanas Na nakabalot pa sa tela.

"Wag mong kakainin yan!" Biglang pigil ni Emanuel. Nakatop less pa rin ito pero basa ang kanyang buhok Na nagpapahiwatig Na tapos na siyang maligo.

"Wala pang Ilang minuto tapos ka Na? Anong ginawa mo sa batis umihi Lang?" Tanong ko

"Hindi pa ako tapos ngunit may nararamdaman akong kakaibang presensya kaya agad akong bumalik dito baka kung ma pano ka" tugon nito

"Ewan ko sayo! At bakit Hindi ko pwedeng kainin ito?" Tanong ko

"May lason ang mga iyan. Gagamitin natin yan sa paglalakbay" tugon nito

"Hayst eh nagugutom Na ako eh" angal ko.

"May mas masarap Na pagkain dito" tugon nito at dahan dahang lumapit sa akin. Umaatras naman ako. Ng mabangga Na ako sa pader ay pumikit Na ako baka kasi halikan niya ako.

"Etong mga ubas ay mas masarap kesa jan sa mansanas" tugon nito at inilabas ang uban.

"Ahhhh ubas.  Hehehehe kala ko kung anong masarap ubas Lang pala" tugon ko at kinuha sa kanya ang prutas. Agad naman itong pumasok sa kwarto at ako naman ay kinain ang ubas Na binigay niya.

Paglabas nito ng kwarto ay mas namangha ako dahil kumikinang ang suot nitong kalasag. Para itong gawa sa ginto at dyamante.

"Saan mo nakuha to? Naku pag sinangla mo to sa lugar namin pwede ka ng manampal gamit ang pera" tugon ko

"Bilisan mo na jan kamahalan at mahaba haba pa ang lakarin natin. Kailangan makarating tayo agad sa assasin kingdom." Tugon nito

"Ayyy atat Lang?" Tugon ko

"Suotin mo to kamahalan para kung sakaling maghiwalay man tayo alam ko kung nasan ka" tugon nito at isinuot ang bracelet na kulay green.

"Kapag naghiwalay Na wag ng hanapin" pabulong kong tugon

"Ano pong sinasabi niyo kamahalan?" Tanong nito

"Naku Wala! Kung Ano ang kinagwapo mo siya rin ang ikinabingi mo" tugon ko at napatango ito.

"Hali na po kayo" tugon nito at sinuot Na niya ang bag na malaki. Ako naman ay tanging maliit Na kutsilyo ang dala. Paano ko maipagtatangol ang sarili ko gamit ang isang maliit Na kutsilyo? Nako ang ganda ng pagkadesenyo ng utak ng lalaking ito.

"Kung maari kamahan ay huwag kayong lumayo sakin. Kung pwede nga ay nakahawak ka sakin palagi" tugon nito

"Bakit Na naman?" Tanong ko

"Ibat ibang nilalang ang meron sa lugar na ito. Lahat sila ay may sariling interes. Madali bilang naamoy kung may dugong itim o liwanag ka. At dahil pinaghalong lahi ang nasayo ay mas pagkakainteresan ka nila" tugon nito na mas ikinalito ko.

"Ahhhh natutunaw yung brain cells ko sa mga nangyayari! Ni hindi ko naimagine Na may ganito palang mga nilalang" tugon ko

"Oh siya napapatagal Na tayo. Kailangan Na nating umalis." Tugon nito at agad na lumabas ng kubo. Nalilito man ay sumunod na rin ako sa kanya.

Itutuloy...........

Please support this story guys. Hope you will vote or comment for suggestions.😊

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now