The Magical War 3

2.2K 107 1
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

GEO POV

"So nasaan na yung kaibigan ko?" Tanong ko sa babaeng may malaking bola sa harapan.

"Nasa puso ng Apylus ang kaibigan mo. Nahuli siya ni Gursa isa sa mga tauhan ni chanus." Tugon nito

"O narinig mo yun emanuel nasa puso ng Apylus daw siya kaya halika na baka mapahamak pa yung bestfriend ko." Tugon ko Kay Emanuel.

"Hindi madali yang iniisip mo kamahalan masyadong mapanganib ang lugar na yan. Higit na isang daang beses na dilikado kesa sa gubat." Tugon ni Emanuel

"So Anong gagawin natin? Gusto ko na ring umuwi sa bahay" tugon ko

"May paraan para makuha mo ang iyong kaibigan ngunit hindi ito isang daang porsyento na gagana pero kung gusto mo talaga maaring makuha mo ang kaibigan mo." Tugon ni meshte Diane.

"Ano yun???" Sigaw ko

"Shhh wag kang sumigaw naririnig naman Kita eh" tugon nito

"Ahh sorry! Ano yun? Shhh" pabulong kong tugon.

"Ganito ang gawin niyo. Kailangan niyong pumunta sa assasin Hze Lao para kunin ang suot na inbisibilidad para kung makapasok kayo sa puso ng Apylus ay hindi kayo makikita. Pagkatapos ay pumunta kayo sa karagatan at hanapin niyo si Mearna, tutulungan niya kayung kunin ang mahiwagang espada na tinatago ni octopino. Sa silangan bahagi ng karagatan makikita ang Mahitinika ang lugar ng mga mahika ngunit kailangan niyo pang dumaan sa pegatus at hanapin si Estes at ituturo niya sa inyo kung saan makukuha ang Bato makakapagpalaya ng iyong kaibigan." Tugon ni meshte Diane.

"Ayyy ang Haba naman ng lalakbayin namin. Wala bang mas madaling paraan?" Tanong ko

"Meron!" Tugon nito

"Eh ano?" Tanong ko

"Ang pabayaan nalang ang iyong kaibigan doon sa evil world" tugon nito

"Ayyy ang dali nga." Tugon ko

"Emanuel!" Tawag ko dito

"Ano po yun kamahalan?" Tugon nito

"Gutom na ako!" Tugon ko at hinimas ang aking tyan.

"Sige kamahalan uwi na muna para makakain kana at upang makapag pahinga na rin." Tugon nito. Agad kaming umalis patungo sa kanyang tahanan.

Ewan ko ba kahit hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan batong taong to o hindi pero may nararamdaman akong kakaiba pagkasama ko siya. Hindi sana ako maniniwala sa mga nangyayari kaso naalala ko yung mga taong lobo at turo kanina Hindi naman normal na magkaroon ng ganun species at isa pa walang lobong nagsasalita.

"Kamahalan nandito na po tayo.!" Tugon nito at hinawi ang mga tangkay ng bulaklak na nakasabit. Wow, paraiso!

"Wow! Anong lugar to?" Tanong ko habang lumalapit ako sa tubig na kulay asul.

"Ito po ang tirahan ko kamahalan matapos mawala si prinsesa almira." Tugon nito

"Ang ganda dito!" Ang tanging tugon ko

"Halika na po kayo sa loob ng kubo ko para makakain kana." Tugon nito kaya agad kaming pumasok sa bahay niya. Medyo may kaliitan ngunit maayos naman at organisa ang mga gamit.

"Pasensiya na kamahalan tanging prutas at tinapay Lang ang meron ako. Dibale bukas bibili tayo ng makakain." Tugon nito

"Naku okay na okay nato." Tugon ko at agad na nilantakan ang tinapay at prutas na binigay niya.

"Emanuel??" Tawag ko dito habang nag lilinis ito ng espada niya.

"Ano po yun kamahalan?" Tanong nito

"E kwento mo na ang tungkol Kay chanus at almira." Tugon ko

"Ahh Sige po kung iyon po ang kagustuhan niyo" tugon nito

"Isa akong heneral sa mahitinika. Tinawag ako ni haring Leo para mangasiwa sa buong mandirigma. Si haring Leo at reynang Helen ay may anak na babae at yun si almira. Sa paglaki ni almira ay natuto itong umibig, natutonan niya kung paano magmahal ngunit sa maling tao. Nahulog ang loob niya sa Kay prinsipe Jeremiah. Patago ang relasyon ng dalawa dahil nga bawal ang kanilang pag iibigan. Dumating ang araw na nagbunga ang kanilang pagmamahalan at ikaw yun kamahalan. Pinangalanan nila itong Xyru. Lumayo Sina almira at Jeremiah upang mailayo ka sa kapahamakan ngunit doon dumating si chanus (ama ni Jeremiah). Binihag niya kayo at sinabi na 'kung hindi nila ibibigay ang sungkod ni haring Leo ay papatayin ka kaya natakot si almira at napilitan siyang kunin ang makapangyarihang sungkod ni Leo. Ng makuha ni alimira ang sungkod ay agad niya itong ibinigay Kay chanus. Nalaman naman ni haring Leo na kinuha ni almira ang kanyang sungkod kaya nagalit ito. Agad niyang nilipon ang mga mandirigma at nilusob ang lugar ni chanus. Habang naglalaban si chanus at Leo ay nakahanap si almira at Jeremiah ng pagkakataon para tumakas ngunit noong makita ni almira na papatayin ang kanyang ama ay bumalik ito at ibinigay ka niya Kay jeremiah. Iniwan niya sayo ang kwentas niya. Ng makita naman ni Jeremiah si almira na nahihirapan ay tumulong siya at iniwan ang bata sa Tagapag alaga ni almira at yun ay si Emma. Ng matapos ang digmaan ay halos patay ang mga tauhan ni haring Leo at ganun din siya. Hinanap ka ng mga tauhan ni chanus ngunit napadala ka na ni almira sa ibang dimensyon." Tugon nito

"So sinasabi mong Wala na ang mga magulang ko?" Tanong ko. Nakaramdam ako ng awa dahil sa kwento ni Emanuel parang gusto kong durugin si chanus kahit hindi ko alam kung totoo ba tong sinasabi ng isang to.

"Eh sino na ang nangangasiwa sa mahitinika?" Tanong ko

"Dahil patay na si haring Leo ay pinatay din nila si reynang Helen at ang pumalit sa kanya at nangangasiwa ngayon sa mahitinika ay si Sawarga ang anak na babae ni chanus." Tugon nito

"Nakakakilabot pala dito.!" Tugon ko

"Ikaw paano ka nakaligtas sa digmaan.?" Tanong ko

"Gamit ang kapangyarihan ko ay nakaligtas ako." Tugon nito

"Teka bakit ikaw wala ka pang kapangyarihan?" Tanong ni Emanuel.

"Ahmm Hindi ko alam ngunit nuong Nasa lugar pa ako ng mga normal na tao ay may kakaiba akong nagagawa ngunit panandalian Lang." Tugon ko

"Tutulungan kitang hanapin ang kapangyarihan mo." Tugon nito.

"Naku wag na baka makapanakit pa ako" tugon ko

"Kailangan mo ng kapangyarihan kamahalan lalo pat nandito ka sa mundong ito." Tugon nito at tumango nalang ako

"Salamat nga pala ahhh" tugon ko

"Para saan po kamahalan?" Tanong nito

"Dahil iniligtas mo ako at kinwento mo ang tungkol sa pagkatao ko." Tugon ko

"Walang ano man kamahalan." Tugon nito.

"Oh magpahinga kana kamahalan ang malayo layo ang lalakbayin natin bukas" tugon nito

"Ahh Sige. Ikaw din matulog kana" tugon ko at pumunta sa kabilang upuan at duon puwesto.

"Kamahalan doon ka po sa kwarto matulog." Tugon nito

"Eh ikaw saan ka matutulog?" Tanong ko

"Dito nalang ako sa lapag." Tugon nito

"Huh? Eh nakakahiya naman na ako ang natulog dito sa kama tapos ikaw sa lapag. Tabi nalang tayo Hindi naman ako malikot matulog eh." Tugon ko

"Ahhhmm ok Lang ba sayo kamahalan?" Tanong nito

"Oo naman." Tugon ko at agad na sumampa sa higaan.

Itutuloy..........

Please vote
Please comment
Please share
Please follow
Pretty please 🙏 😔😔😔

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now