The Magical War 2

2.5K 109 4
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humihingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

GEO POV

Nagising ako na nasagubat na at napapaligiran ng sobrang laki at taas na mga puno, yung tipong sampung beses na malaki kesa sa normal na puno. Agad kong inikot ang aking paningin ng makakita ako ng mga tao na nag-uusap sa kalayuan.

"Tulong!!!!" Sigaw ko Agad namang bumaling ang atensiyon ng mga lalaki sa akin. Tumakbo ako papunta sa kanila.

"Kuya kuya pwed----" di ko na naituloy ng biglang mag away ang mga ito. Huminto ako saglit at bigla nalang naging lobo yung mga lalaki. Nagulat ako sa nakita ko kaya agad akong kumaripas ng takbo.

"Tulong!!! Tulong!!!tulungan niyo ako!!!" Sigaw ko sa paligid habang tumatakbo. Sobrang bilis ng takbo ko at halos Wala na akong pakialam sa dinadaanan ko ng bigla nalang akong natumba pero ng lumingon ako tumba na lahat ng humahabol sa akin.

"Tumayo ka bata!" Biglang boses ng lalaki sa aking likuran kaya agad naman akong napalingon dito.

Medyo brownish yung buhok niya at maputi siya. Mas matangkad sa akin at nakasuot ng dark blue na kasuotan na katulad ng mga mandirigma na nakikita ko sa telebisyon. In other word gwapo ang isang to.

"Ahmm kuya kung Aswang ka po please naman po wag ako. May magulang pa akong naghihintay sa akin at hinahanap ko ang kaibigan ko." Tugon ko dito

"Anong pinagsasabi mo bata. Masyadong kakaiba ang salita mo. Hindi ko rin alam kung ano ang aswang." Tugon nito

"Ay patawad po." Tugon ko

"Nararamdaman kong may dugog itim ka bata." Tugon nito

"Naku po Hindi po ako pusit. Pula po yung dugo ko." Tugon ko at bigla itong napatingin sa kwentas ko.

"Kanino mo nakuha to?" Tanong nito at hinawakan ang kwentas ko ngunit napaso siya.

"Ahh binigay po ito ng magulang ko." Tugon ko dito

"Kuya anong lugar po ito?" Tanong ko dito ngunit nakatitig pa rin ito sa kwentas ko.

"Dayo kaba bata? Bakit Hindi mo alam ang lugar na ito? Ito ang lugar ng hiwaga, ang mundo ng apylus." Tugon nito

"Apylus? Wala namang ganung bansa ahhh" tugon ko

"Anong continent po ba ito kuya?" Tanong ko dito

"Hindi ko alam yang pinagsasabi mo bata. Sino nga pala ang magulang mo?" Tanong nito ang tinitingnan pa rin ang kwentas ko.

"Ahhh si emma at Rene po." Tugon ko

"Emma! Emma? Emma? Ahhh si emma na tagapangalaga ni prinsesa almira." Tugon nito

"Naku Hindi po katulong si mama nasa bahay Lang po siya." Tugon ko

"Bata Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito

"Ahh ganito po kasi yun sinusubukan po naming buksan tong kwentas na ito kasama ang isa kong kaibigan. Ng mabuksan namin ay bigla nalang hinigop kami ng liwanag." Paliwanag ko

"Hindi ko alam kung sino ka pero dahil suot mo ang kwentas ni prinsesa almira ikaw ay tinuturing kong kamahalan." Tugon nito at biglang lumuhod.

"Nahihiwagaan ako sa mga sinasabi mo kuya pero kailangan ko na talagang umalis dahil hahanapin ko pa ang kaibigan ko." Tugon ko rito at agad na tumalikod.

"Sandali kamahalan." Tugon nito at hinawakan ang aking balikat. Agad itong nagmasid sa paligid.

"Dapa" bulong nito

"Huh bakit?" Taka kung tanong

"Dapa!!!" Sigaw nito at agad akong tinulak sa ugat ng malaking puno.

Agad na inataki siya ng mga taong lobo na humahabol sa akin kanina. Medyo nahihirapan siya ngunit nakikita ko na napapatumba naman niya ang kalaban.

"Tigil !!!!" Sigaw ng lalaki na medyo may katangkaran at nakasuot ng magarang damit siguro siya yung lider ng mga taong lobo. Agad namang nagsitigil ang mga taong lobo.

"Kamusta Emanuel. Napadpad ka Yata dito sa gubat." Tugon ng lider ng taong lobo. Ahh Emanuel pala yung pangalan niya.

"Bakit sa inyo ba itong gubat Rigore?" Tanong ni Emanuel

"Haha Pwede din. Pero maayos naman natin ito Emanuel Basta ibigay mo sa akin yung bata." Tugon nito. Ako ba tinutukoy ng ungas nato?

"Mamamatay muna ako bago niyo siya makuha." Tugon ni Emanuel.

"Ahhh isusugal mo yung buhay mo para sa kanya? Kahangalan ang ginagawa mo." Tugon ni rigore.

"Isusugal ko ang buhay ko para sa kanya at kung kailangang patayin ko kayong lahat ay gagawin ko." Tugon ni Emanuel.

"Hangal ka nga! Sugod!!!!" Biglang sigaw ni rigore at naging lobo ang mga tauhan nito.

Agad na lumusob ang mga taong lobo ng biglang lumindol at biglang may lumusob sa mga taong lobo.

"Wag kang makialam dito eshtru." Sigaw ni rigore.

"Nasa kasunduan natin rigore na hindi ka mangingialam ng mga bagay lalo pag nandito ka sa teretoryo namin." Tugon ng taong turo na may dyamante sa ulo.

"Nasa kasulatan din na pwede kaming pumatay kapag may napahamak sa mga tauhan ko." Tugon ni rigore.

"Nakita namin ang ginawa ng mga tauhan mo rigore. Hindi kasalanan ni Emanuel ang nangyari. Kaya umalis na kayo" Tugon ng turo.

"Aalis Lang kami pag ibinigay niyo ang bata sa amin." Tugon ni rigore.

"Sinabi ko nang bawal ninyong kunin si xyru." Sigaw ni Emanuel.

"Xyru? Ang nawawalang anak ni almira?" Tanong ng taong turo.

"Hahahahaha Tama ang hinala ko naamoy ko sa kanya ang dugong itim at liwanag." Tugon ni rigore. Bah anong akala niya sakin Hindi naligo.

"Umalis ka na rigore kung ayaw mong kami ang makakalaban mo." Sigaw ng taong turo at nag akmang susugurin ang mga taong lobo.

"Mga kasama alis na tayo." Sigaw ni rigore.

"May araw ka rin Emanuel." Dagdag nito

"Kamahalan okay ka Lang ba?" Tanong nito

"Ahh okay Lang ako.! Bakit pinag aagawan niyo ako?" Tanong ko

"Kasi makapangyarihan ang kwentas na nasayo xyru." Tugon ni Emanuel.

"Hindi xyru ang pangalan ko, geo!" Tugon ko

"Kamahalan kailangan kitang maprotektahan dahil paniguradong malalaman ni Chanus na nandito ka." Tugon ni Emanuel.

"Huh? Sino ba yang chanus na yan at sino yang almira?" Taka kong tanong dito

"Si prinsesa almira at iyong ina at nagmamay ari ng iyong kwentas. Si chanus naman ang hari ng apylus." Tugon ni Emanuel.

"Naku Hindi ko maintindihan ang gusto mong ipahiwatig. Pwede mo bang I paliwanag muna sa una hanggang Dulo." Tugon ko

"Mamaya kamahalan masyadong mahaba ang kwento. Sa ngayon ay uwi muna tayo sa bahay ko paniguradong gutom kana." Tugon ni Emanuel at biglang tumunog ang aking tyan.

"Teka Teka hindi ko pa natatagpuan ang kaibigan ko. Kailangan ko siyang mahap muna." Tugon ko sa kanya.

"Naku masyadong malaki ang lugar na ito kamahalan at bawat bahagi ng lugar na ito ay may naninirahan kaya masyadong mapanganib. Maswerte ka dahil napadpad ako dito dahil nag hahanap ako ng gamot." Tugon nito

"So sinasabi mo na possibleng wala na ang kaibigan ko?" Tanong ko

"Hindi naman sa ganun kamahalan. Sama ka nalang sa akin at pupunta tayo Kay meshte Diane para malaman natin kung nasaan ang iyong kaibigan." Tugon nito. Kaya agad kaming naglakbay papunta sa lungga ni Emanuel.

Itutuloy........

Please vote naman kayo at comment for suggestion

Prince of Apylus: The Magical WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon