The Magical War 1

7.1K 140 1
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humihingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

GEO POV

"Again lets congratulate Geo Balderama for winning the Logical quiz bee." Bati ni ma'am Ramos sa aming lahat. Halos hindi mapaglagyan ang kasiyahan ko dahil may maiuuwi na naman ako kena mama na pwede kong maipagmalaki.

"O geo celebrate naman natin ang pagkapanalo mo." Tugon ni ash bestfriend ko.

"Naku ash uuwi ako ng maaga Ngayon kasi papagalitan na naman ako ni Mama pag late ako uuwi." Tugon ko dito

"Naku ganun ba sayang libre ko pa naman." Tugon nito

"Sos nanghingi ka pa nga ng pagkain kanina eh bulahin mo ko ash" tugon ko dito

"Hayst No wonder champion ka sa logical quiz bee." Tugon nito

"Haha ewan ko sayo. Basta ako uuwi na baka mas mapagalitan pa ako ni mama." Tugon ko dito at agad na umalis.

Ako nga pala si Geo Balderama 20 taong gulang pero isip bata pa rin kasi spoiled. Matalino Sabi nila kasi top 1 ako palagi. Kung sa pisikal naman ay masasabi kong binigyan talaga ako ng magandang mukha at katawan. Ewan ko nga ba Hindi naman ako nag eehersisyo pero tila humuhulma Lang ng kusa ang aking katawan. Medyo Hindi nga Lang ako katangkaran dahil 5'10 Lang ang height ko. Hindi naman sa perfect na perfect yung pisikal ko pero masasabi ko talagang mas lamang ako kesa sa mga normal na tao. Minsan nga nawewerduhan ako sa sarili ko dahil may mga kilos akong iba sa normal na tao kagaya nalang sa kaya kong magbuhat ng barbel na di kayang buhatin ng gym instructor, pag nagagalit ako pumupula yung kamay ko at nakakaramdam ako ng kakaibang feeling, minsan din naririnig ko yung usapan ng mga kaklase ko kahit malayo sila. Ilan nalang yun sa kaya kong gawin pero hindi naman palaging nagagawa ko yun, may mga pagkakataon Lang na lumalabas yung mga ganung abilidad ko lalo na kapag umiilaw ang kwentas ko.

"Kailangan na nating umalis rene." Tugon ni mama Kay papa.

"Hindi nila tayo masusundan dito Emma. Tanging si prinsesa Almira Lang ang makakapagbukas ng portal papunta dito sa mundo natin." Tugon ni papa. Medyo kakaiba yung pinag-uusapan nila. Magaling ako sa logic pero hindi ko magets kung anong pinag-uusapan nila.

"Alam mo namang malapit na ang kaarawan ni Xyru at sa pagkakataon na yun ay lalabas na ang abilidad niya, ang kapangyarihan niya." Tugon naman ni Mama. Adik ba to sila? At sino si xyru??

"Emma! Kaya nga dapat ilihim talaga natin sa kanya ang tungkol dito. At hanggat nasa kanya ang kwentas ay hindi siya mapapahak." Tugon ni papa.

"Magandang hapon pa, ma." Biglang sabat ko para matapos na ang kabaliwan nilang dalawa.

"Anak kanina ka pa ba diyan?" Gulat na Sabi ni Mama.

"Kararating ko Lang po." Tugon ko sabay ngiti.

"Siya nga pala ma. Nanalo ako sa Logical quiz bee." Tugon ko at pinakita ang certificate.

"Naku galing talaga ng anak namin mana sa tatay." Tugon ni papa sa yakap sa akin.

"Naku Geo magbihis ka muna at ipagluluto Kita ng meryenda." Tugon ni Mama kaya agad akong umakyat sa taas para magbihis pagkatapos ay bumaba na din.

"Oh anak luto na yung favorite mong cookies." Tugon ni mama at tinalap ang isang platong cookies.

"Geo na saan ang kwentas mo bat hindi mo suot?" Tanong ni papa.

"Ah hinubad ko kanina kaso nakalimutan kong suotin ulit." Tugon ko

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now