The Magical War 34

922 51 13
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

XYRU POV

Kumakabog ang puso ko Habang papalapit dito. Gusto ko siyang yakapin at halikan. Gusto kong sabihin Na Ama Na siya at kamukhang kamukha niya ang aming anak Na si Narciso.

"Minos?" Agad kong tawag dito at nilingon naman niya ako pero walang kahit Na Ano akong nakita sa mukha nito. Parang nakakita Lang siya ng isang normal na nilalang.

"Minos! Minos!" Tugon ko at Agad Na tumakbo papunta sa kanya at niyakap. Ramdam ko ang kabog ng dibdib Nito ngunit hindi ito tumutugon sa yakap ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong nito at tinulak ako

"Nandito ako para iligtas ka" nakangiting tugon ko at lumapit ulit sa kanya.

"Kahangalan ang pag punta mo rito! Ikakasal na ako kaya wag mong sirain ang araw ng kasal ko" turan nito. Napahinto Ang mundo ko dahil sa kanyang sinabi. Halos mabingi ako at sasabog ang puso ko.

"A-Anong nangyayari sayo? Diba ako ang mahal mo? Paano Na ang anak natin? Pano Na tayo?" Naiiyak kong tugon ng bigla itong tumawa.

"Hahhahahaha sa tingin mo talaga ay papatol ako sa isang tulad mo? Lalaki ako xyru kaya babae ang hanap ko!" Bulyaw Nito kaya napapikit nalang ako at tinakpan ang Tenga ko.

"Hindi! Hindi! Ramdam ko pang mahal mo ako!" Sigaw ko at Agad kong binasa ang Isip niya. Ngunit ganun din ang sinasabi niya sa kanyang isip. Hindi niya ako mahal!

Halos manlumo ang katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o kung ano ang sasabihin. Basta tumutulo Lang ang aking luha dahilan para mapahawak ako sa aking dibdib.

Siguro ay naguguluhan Lang siya kaya agad ko siyang hinila at hinalikan. Agad siyang tumugon kaya medyo kumalma ang aking isip. Ilang minuto din kami sa paghahalikan.

"Hahaha masarap ba akong humalik kaya ka nababaliw sakin? Hahaha huli mo Na yun kaya umalis kana kung gusto mo pang mabuhay" tugon Nito. Ang akala ko ay siya Na ang taong magbibigay sakin ng kasiyahan ngunit siya Di pa tumatagal at heto ako't nakakaramdam Na ng matinding sakit at kalungkutan.

Nahabalik nalang ako sa aking ulirat ng biglang may kumatok kaya agad kong pinulot ang aking sandata at pumasok sa isa pang pinto.

Sumilip ako habang pumapasok ang isang babae Na nakasuot ng magarang damit.

"Mmmm napakakisig ng taong mapapangasawa ko. Hindi na ako makapaghintay Na isilang itong batang dinadala ko!" Tugon Nito at hinalikan pa si minos. Tumugon naman siya at halos maglaplapan sila

Sobrang sakit ng mga nakikita ko. Halos ayaw tumigil ang aking mga luha sa pag agos. Ito Na yata ang pinaka masakit Na parusa Na aking nakita.

Na ikalawang pagkatataon ay sinaktan ulit ako ni minos. At sa pagkakataong ito ay tripleng sakit ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero mahal Na mahal Na mahal ko si minos lalo pat pinag isa Na kami dahil sa anak namin.

"Nakahanda na ang bulwagan kaya maghanda ka Na rin!" Tugon ng malanding babae. At lumabas Na sa silid.

Ng makalabas Na ito sa silid ay saka din naman ako lumabas sa pinagtataguan ko. Hindi ko Na tiningnan si minos at Agad Na lumabas din.

Tagapagligtas ka xyru kaya Hindi ang siya ang dapat mong isipin.

Palabas Na sana ako ng makita ko si kaharo at temeyo Na dala dala ng mga kalaban. Nakatali sila at may piring ang mga mata.

Kailangan ko silang tulungan kaya sinundan ko sila. Ng mapunta sila sa Medyo madilim Na lugar ay doon Na ako umatake at doon napatay ko ang apat Na kalaban Na butas ang katawan.

Agad kong tinanggal ang tali nila at yung piring. Napayakap naman sila sa akin.

"Salamat xyru!" Sabay nilang sabi

"Sige tumakas Na Kayo at may kukunin Lang ako saglit!" Tugon ko at napatango naman sila at Agad Na tumakas.

Gusto ko munang panuorin ang kasal ni minos. Alam kong masakit pero gusto ko talagang makita siya. Habang papasok ako sa bulwagan ay isang malakas Na enerhiya ang tumama sa akin at tumillapon sa dingding kaya napahawak ako sa aking tiyan kung saan tumama ang malakas Na enerhiya.

"Hindi ko alam Na isa palang hangal at mahina ang tinatawag nilang tagapagligtas." Wika Nito

"Oo ngat mahina ako ngunit kaya kong iligtas ang mundong ito at doon ko Na pinatama ang Normal kong tira. Sunod sunod ito kaya halos mabutas ang katawan Nito pero tumayo ulit sa at tumawa.

"Yun Lang ba ang kaya mo?" Tanong Nito at sumugod kaya agad akong napailag. Tinira ko Lang siya pero parang kayang kaya niya lang ang bawat atake ko kaya kailangan kong tumakas nalang. Ayokong ubusin ang aking enerhiya para Lang sa babaeng ito kaya agad ko siyang sinuntok at doon nakaladkad ito kaya doon Na ako tumakas.

Sa likod Na sana ako lalabas ngunit sarado Na lahat ng pintuan doon kaya Wala akong pag pipillian kundi ang dumaan sa harap.

Habang tumatakbo palabas ay may napansin akong lalaking nakaputi at may dalang nga pinggan kaya agad akong napahinto.

Hindi ako pwedeng magkamali si ASH yun!!!!

Agad akong nagtago sa likuran ng mga bilog Na haligi at nung medyo malapit Na siya ay agad ko siyang hinia papunta sa medyo madilim.

"Mmmmm mmmmm" sigaw Nito pero tinatakpan ko ang kanyang bibig.

"Shhhh ash ako to si Geo" tugon ko kaya agad siya tumigil at umikot para tingnan ako.

Pagkakita niya palang sakin ay Agad niya akong niyakap at napaiyak pa.

"Geo Geo! Huhuhu Salamat at buhay ka" tugon Nito at mahigpit itong nakayakap.

"Mas iniisip kita! Patawad at natagalan ako" tugon ko at tiningnan ang kanyang mukha.

Gwapo pa rin siya pero kitang Kita sa mukha niya ang paghihirap at sakit Na nararamdaman.

Halika Na at itatakas Na kita!" Tugon ko at hinila siya ng biglang sumulpot yung babaeng kalaban ko kanina kasama ang dalawang lalaki.

Agad kong nilagay sa likod ko si ash at napaatras.

"At Saan Kayo pupunta?" Nakangising tanong ng babae

"Tatakas kka rin alipin? Hahahaha Hindi mo ba nagustuhan ang araw araw kong pagkantot sayo at aalis ka pa rin?" Tanong ng lalaki sabay bitaw ng nakakalokong ngiti kaya napayukom ako sa galit kaya tinawag ko si zerato at ruso.

"Anong kail---" Di Na naitapos ni zerato ang sasabihin ng mapatingin ito sa kalaban.

"Itakas niyo si ash dito at may tatapusin Lang akong tatlong bulate" tugon ko at inilabas ang aking espada.

Agad Na hinawakan ni zerato si ash at agad silang naglaho.

"Ang tapang mo bata!" Sigaw ng babae at Agad Na sumalakay ang babae.

Itutuloy........

Salamat sa mga comments Niyo. Pramis nagaganahan ako sa pagsulat dahil sa mga positive comments niyo😊
Ipagpatuloy Niyo Lang😂

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now