The Magical War- 36 Season II

983 47 7
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

XYRU POV

'Pok Pok pok'

Tunog ng martilyo Na hinahampas ko sa pinainit Na bakal Na gagawin kong sandata. Naputol kasi yung ginawa kong espada dahil sa laban namin nung nakaraang araw.

Kasama ko sina rigore at ng iba pang nagbubulontaryo upang sugpuin ang mga kalaban Na nagnanais sakupin ang mga inosenteng at marangal Na mga taong namumuhay.

Simula kasi noong araw Na naganap ang pinakamalagim Na bahagi ng buhay ko ay itinalaga ko Na ang sarili ko bilang isang demon hunter.

Dalawang taon Na rin mula ng mangyari ang malagim Na pangyayari laban samin ni chanus at hanggang ngayon ay sariwa pa rin ito sa aking isipan. Narito pa rin ang sakit at pighati sa aking puso kaya mas pursigido akong maghiganti ngunit hindi pa ngayon. Paplanohin ko ang lahat upang mas maging handa ako at upang mas malaki ang tsansa naming manalo.

"Nakatulala ka Na naman!" Tanong ni emanuel Habang ako ay nakatitig sa espadang binubo ko at biglang yumakap sa akin.

"Wala may iniisip lang " sagot ko at pinagpatuloy ang pagpokpok.

"Mmmm dalawang taon Na ang nagdaan mahal kaya ibaon mo Na iyon sa limot" tugon Nito at hinalik halikan ang aking batok.

"Pwede ba emanuel may ginagawa ako at saka kakatapos Lang natin. Wag kang masyadong malibog" turan ko dito at napatawa naman ito.

"Eto naman Hindi na ma biro! May regla ka ba ngayon?" Tanong Nito kaya hinarap ko ito at tiningnan ng masama.

"Hehehe Sabi ko nga maghahanda ako ng tanghalian hehehe Sige punta muna ako sa loob."tugon Nito at napakamot Na umalis.

Hayst napakapilyo pa rin ng isang yun. Alam kong may nangyayari sa amin at masaya naman ako sa piling niya pero parang may kulang. Yung Hindi ko talaga nararamdaman ang lubos Na kaligayahan katulad nung kasama kami ni minos. Naguiguilty nga ako eh kasi araw araw may nangyayari samin pero hindi ko naman masuklian yung pagmamahal niya Na ipinaparamdam niya sa akin.

Puno kasi ng galit ang aking puso kaya Siguro hindi ko maibigay ang pagmamahal Na hinihingi niya. Mas nangungulila kasi ako ngayon sa isang taong mas importante sa lahat.

Ang aking anak...

Flashback

Agad Na nanghina ang tuhod ko at napaluhod. Kunin Na nila ang lahat wag Lang ang anak ko!

Dahil sa nakita ko ay bumalik ako sa normal. Kinuha naman ni chanus ang si Sebastian.

"Tingnan mo kung gaano ka enosente ang bata Na ito pero dahil sayo sanay siya sa kasalanan mo!" Wika Nito

"Galvis Bakit?" Tanong ko ngunit nanatili Lang itong nakayuko hanggang sa lumabas pa ang Ilang kasama Nito at doon tumambad sa aking paningin ang Ilang makapangyarihang nilalang kasali si Braqil!

"Pati ikaw Braqil?" Tanong ko at ngumisi Lang ito

"Napaka tanga mo! Hahaha Kayo at ng mga kasamahan mo ay mga hangal!" Turan nito kaya agad akong tumayo ang sumugod ng biglang tumama ang isang napakalakas Na enerhiya dahilan upang tumilapon ako.

"Tingnan mo kung paano mawalan ng mga taong minamahal. TINGNAN MO!!!" Sigaw ni chanus at biglang sinaksak ang tiyan ng aking anak.

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now