The Magical War 10

1.3K 59 4
                                    

Author's Note: Hindi Lang ikaw ang manunulat sa mundo kaya Kung meron mang pagkapareha sa Tauhan, lugar, daloy ng storya o ideya ng kwento ay taospuso po akong humingi ng tawad. Gayun din sa pakakapareho ng pangalan at lugar sa totoong buhay.
----------------------------------------------

GEO/XYRU POV

Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa aking isipan kung sino talaga Yung lalaking tumutulong sa akin. Napakamisteryo  sa akin kung bakit nagpapakita Lang siya sa panahong nasa panganib ako at bigla din namang nawawala pagkatapos. Nasa ganoong pag-iisip ako ng biglang tumabi si emanuel sa akin.

"Masyadong malalim yang iniisip mo. Pwede mo akong kausip at handang handa akong makinig sayo"

"Salamat emanuel dahil nandiyan kat palaging nasa tabi ko" tugon kot niyakap siya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko.

"Tungkulin ko ang protektahan ka kaya Hindi mo kailangang mag pasalamat" tugon ko

"Kaya nga dapat akong magpasalamat sayo dahil tinutupad mo ang tungkulin mo" turan ko at kumalas sa pagkayakap.

At dahil sa posisyon namin ay isang mahabang katahimikan ang umugong sa paligid kaya binasag ko Na ito.
"Emanuel? Pwede mo ba akong kwentuhan pa patungkol sa Apylus?" Tanong ko

"Mmmm halos lahat ay naikwento Na ni freva sa iyo" tugon nito

"Gusto kong malaman kung Ano ang kahihinatnan ng apylus kung magtatagumpay si chanus sa kanyang nais?" Tanong ko at inayos ang pagkaupo.

"Sa aking sariling opinyon ay isa lamang ang mangyayari sa apylus yun ay magiging tagapagsilbi niya ang lahat ng mga nilalang at kukunin niya ang lahat ng ating kapangyarihan. Pero sa kabilang mundo, yung mundo Na pinanggalingan mo ay magiging impyerno kapag nangyari iyon" tugon nito

"Kailangan ko pala talagang ipanalo ang labang ito. Nangangamba kasi ako Na baka hindi ko kayang talunin siya lalo pat hindi naman ako mahusay sa pakikipagdigma at isa pa Hindi pa ako mahusay sa paggamit ng aking kapangyarihan" turan ko ng biglang dumating si freva.

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyong dalawa ahh" turan nito at tumabi sakin sabay lapag ng mga prutas Na nakuha nito.

"Ito lamang ang tanging nakuha ko sa kagubatan kaya pagtiyagaan niyo Na" tugon nito at nagsimula Na ring tikman ang dala.

"Magpapahinga tayo ng maaga ngayon dahil tiyak mapapalaban tayo bukas" tugon ni freva sabay tayo at pumunta sa higaan. Kami naman ay tiningnan Lang siya habang papaalis.

"Gusto mo bang maglakad lakad muna?" Alok ni emanuel sa akin kaya napatango nalang ako sabay tayo.

Medyo masukal ang daanan ngunit batid kong safe ako kasi andiyan naman si emanuel sa tabi ko.

"Kamusta ang buhay mo doon sa mundong kinalakihan mo? Siguradong ibang iba ito sa nararanasan mo ngayon dito sa apylus" tugon nito

"Hehe ibang iba talaga. Maganda at masaya ang buhay ko doon. Walang masyadong problema at magaan ang buhay kahit Walang kapangyarihan ang mga nilalang doon. Hindi katulad dito Na puno ng problema at kasamaan." Tugon ko at napayuko naman siya sa sinabi ko

"Batid kong mas gusto mo ang mundong pinanggalingan mo ngunit kailangan ka kasi namin dito" tugon naman nito

"Yun Na nga eh. Pero hindi ko pinagsisihan ang pagpunta ko dito. Marami akong natutunan at mas naging malakas akong nilalang. At isa pa Hindi kita makikilala kung Hindi ako napunta dito" turan ko at huminto naman siya.

"Ako din masaya ako nakilala Kita. Sa daang taon ko Na nabubuhay sa mundong ito ay ngayon Lang ako nakaramdam ng kakaibang emosyon. Sa totoo Lang kaya kita pinoprotektahan ay hindi lamang yun ang tungkulin ko kundi yun ang sinisigaw nito" tugon nito at hinawakan ang kamay ko sabay lapat nito sa kanyang dibdib.

Napatingin ako sa kanyang mga mata at bigla ulit naging pula ito Na para bang lumiliyab. Nakatitig Lang ako dito Na para bang hinihigop ako nito. Napatulala Lang ako at unti unting lumapit ang mukha nito sa akin. Doon ay naipikit ko ang aking mga mata sabay lapat ng kanyang labi sa aking labi. Wala naman akong ibang pakiramdam ngunit noong ginalaw Na niya ang kayang mga labi ay kakaibang sensasyon ang dumaloy sa buong katawan ko. Uminit ang aking katawan Na para bang gusto ko ng kayakap. Ramdam kong tirik Na tirik Na ang alaga ko. Napahawak ako sa kanyang batok at doon ay lumaban sa kanyang halik.

Nasa isipan ko Na hindi pwede kasi lalaki ako at lalaki din siya ngunit sa kabilang banda ay nasasarapan ako't nag-eenjoy sa nangyayari. Para bang may sariling utak ang katawan ko at kusang gumagalaw. Hinawakan ko ang alaga ni emanuel. Kahit na may Tela pang nakatakip dito ay nararamdaman ko ang tigas ang laki ng kanyang ari. Halos magliyab ang buo kong katawan dahil sa nangyayari. Sarap na sarap ako sa bawat paghalik nito hanggang sa bumaba ito sa aking leeg. Doon ay nakapulupot ang aking kwentas Na nagbibigay kapangyarihan sa akin.

Sandaling napatigil si emanuel ng makita niya ito. Para siyang bata Na nakakita ng candy dahil biglang kuminang ang kanyang mga mata. Dito at hinalikan ko ulit siya at lumaban naman ito.

"Masyadong sagabal ang iyong kwentas. Maari mo ba itong itabi muna?" Tanong nito at tumango naman ako dito ay hinawakan niya ang kwentas ngunit ng hawakan niya ang bilog kung saan nanduon ang dalawang dragon ay bigla siyang napaso kaya napasigaw ito. Kasabay din ang pag sigaw ng isang babae kung saan nanduon si freva.

Agad kaming tumayo ni emanuel Na noon ay hawak hawak ang kanyang kamay.  Patakbo kaming pumunta sa kinaruruonan ni freva at doon ay nakita namin ang sandamakmak Na mga kawal at hawak hawak nila si freva Na nooy nakagapos.

"Takbo Xyru!!!" Sigaw nito at ako naman ay parang napatulala Lang at nag-aalangan kung tatakbo ba ako.

"Dakpin ang anak ni almira!!" Sigaw ng isang lalaki Na sa tingin ko ay heneral.

Doon ay taranta akong tumakbo papunta sa kagubatan. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ni hindi ko nga nakita kung anong nangyari Kay freva o Kay emanuel dahil deretso Lang ako sa pagtakbo. Rinig Na rinig ko ang mga yapak ng mga kalaban Na halatang hinahabol ako. Nagpaulan din sila ng nagliliyab Na pana Buti nalang ay hindi ako nataman.

Takbo dito takbo doon, yan ang ginawa ko at halos habol ko na ang aking hininga. Sa tingin ko rin ay parang naligaw ko Na ang mga kalaban hanggang sa wala na akong matakbuhan dahil pampang Na ito. Naghanap ako kung may tulay ngunit wala talaga. Hanggang sa naabutan ako ng mga kalaban. Medyo marami sila at may hawak pa mga sandata.

"Anong kailangan niyo sakin???" Sigaw ko sa kanila.

"Hahaha utos ito ni haring chanus kaya kailangan ka naming hulihin" tugon ng lalaking nasa unahan.

"Hindi ako ang anak ni almira!!" Bulyaw ko sa kanila ng biglang may tumamang pana sa aking tagiliran. Gulat na gulat ako dahil sa biglaang pagtama nito. Halos mag dilim ang paningin ko at biglang uminit ang buo kong katawan. Dito ay nag bago ang aking anyo biglang nagliwanag ang buo kong katawan. Tumubo ang sungay sa aking ulo at lumabas ang kulay puting pakpak. Lumaki bigla ang aking katawan at naging ginto ang aking buhok.

Napaluhod ako pagkatapos ng aking pagbabagong anyo. Dahan dahan akong tumingin sa mga talaban at nakita ko ang takot sa kanilang mga mata. Dahan dahan akong tumayo at dahan dahan din namang umaatras sila. Ng tuluyan akong nakatayo ay siya naman ang pagkahilo ko at nahulog sa pampang at dito Na ako tuluyang nawalan ng malay..


Itutuloy.......

Vote please
Comment please
Follow please

Prince of Apylus: The Magical WarWhere stories live. Discover now