Chapter 2: ang cute mo pare

Magsimula sa umpisa
                                    

Dirediretso lang ako ng lakad kaya di ko na narinig yung kadugtong pa ng usapan nila. Wala na akong pakielam. Ang Goal ko lang ngayon ay makapag shopping ng mga gamit sa school at personal stuffs like briefs at iba pang kachurvaloohan ng mga lalaki. Baka kasi maubusan ako. Alangan namang manghiram ako kay Jin?! Baka mapektusan lang ako nun sa fallopian tube!

“tignan mo bes!” tinignan ko sa gilid ng mga mata ko yung babaeng nakaupo sa labas ng Kfc. Nakamulaga sya sakin na animo’y nasa dream land sya at nakakita ng walking rainbow.

“ang gwapo” mahinang bulong naman nung katabi nya pero sapat na para marinig ko.

Sakin sila nakatingin kaya nagtaka naman ako.

Ako ba ang sinasabihan nilang gwapo?

Napalingon ako sa tabi ko dahil baka may kasabay lang ako na papables pero wala naman.

Nagkibit balikat nalang ako at nagdirediretso patungong National Book Store.

Alam kong sobrang gwapo ko. nagpapahumble lang ako. HAHAHA.

Joke!

Actually, di pa ko sanay na pinagtitinginan ng mga babae.

I mean, noon, tumitingin sakin ang mga babae para pag aralan ang fashion sense ko. full of insecurities ang mga mata nila pag nakikita ako pero ibang iba ngayon. Tumitingin sila sakin na akala mo’y rumarampa ako sa ‘The Naked Truth’ ng naka boxers lang.

Grabe yung tingin nila. Parang hinuhubadan ako.

Never pa naman akong naglaway sa lalaki.

Humahanga lang ako sa kagwapuhan pero hindi pa kumikislap ng ganyan ang mata ko noh!

Masyadong maraming mata ang nanunuod sa bawat kilos ko kaya naiilang ako.

Magkamukha lang naman kami ni kuya kaya ganto siguro ang pinagdadaanan nya sa mata ng mga babae! haha. Lupet!

Kumuha ako ng sandamakmak na ballpen para itarak sa mata ng mga nakatingin sakin.

Choss!

Kumuha lang ako ng 12 na techpen. Isa kada bwan. Sampung buwan ang klase. Bonus na yung dalawa! Hehe. Kumuha na din ako ng mga notebook, papel, at marami pa! kailangan ko pa bang isa isahin?

Matapos yun, dumiretso na ko sa counter at nagbayad.

Next destination, Penshoppe.

Kailangan kong bumili ng mga brief, boxers, polo, pants, jersey short, towel at pabango na rin.

Kahit nakakahilo yung mga panlalaking pabango, Go lang!

For the sake of pagpapanggap!

Tinignan ko muna yung picture ni Mario Maurer sa wall ng penshoppe bago ako lumabas.

Eh bakit ba? Ang gwapo nya kaya! Haha.

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon