56

3K 72 28
                                    

Hello po, if p-pwede you can play the music while reading. Thank you, no need rin naman if you won't ☺️

Summer

"JK? Napadalaw ka?" Gulat kong tanong sa kanya na nasa labas ng gate

"Good morning po, Mrs. Gopez" nagmakeface ako sa kanya

"Ano ba 'yan JK" nagkibit-balikat naman siya sa'kin

"Pinapadala po pala ni sir Zrage. Napunta ako kina Marco sabi niya nandito ka na daw"

"Ano ba, tigilan mo na nga 'yan" saway ko bago pinagkrus ang braso sa dibdib

"Pinapasuot po pala ni Sir Zrage" bingi-bingihan niyang sabi sabay bigay sa isang malapad na box

"JK naman eh. Parang hindi naman tayo naging magkaibigan"

"Eh kasi naman hindi mo sinabi na asawa ka pala ni boss. Nitong nakaraang buwan lang namin nalaman" himig ko ang pagtatampo sa boses niya

Kinalabit ko ang balikat niya saka ngumisi sa kanya

"Huwag ka ng magtampo"

"Hindi naman ah" mabilis niyang sagot na ikinangiti ko

"Sa'kin lang alam mo namang isa ako sa masugid na tagahanga ninyong dalawa simula nung magtrabaho ka. May mga pictures pa a-" sabi niya bago kinuha ang cellphone sa bulsa niya.

Inawat ko na siya bago niya pa mapakita uli ang mga nakuha niyang litrato namin

"Bakit hindi mo pa binura?"

Tumaas ang kilay niya sa tanong ko at sumandal sa hood ng sasakyan niya

"Naalala mo pa ba nung pinakita ko 'to sa'yo sa opisina? Tinawag ako ni sir pag-alis mo at tinanong kung anong pinag-usapan natin. 'Tas may tumawag sa'kin saktong pagbukas ko sa cellphone ay picture niyong dalawa ang nakaflash, hindi ko pala naexit. Nakita niya at nagpapasa. Malay ko bang mag-asawa pala kayo atsaka baka kailanganin ng back-up kung nadelete ni sir" paliwanag niya

"Ano ba 'to?" Pag-iiwas ko sa maaari niya pang sabihin kahit na nagwawala na naman ang puso ko marinig lang ang pinaggagawa ni Zrage

"Dress daw, pinapapunta ka nga pala ni sir sa park. Ihahatid kita mamaya" sabi niya na may tusong ngiti sa labi niya

"Hindi din naman siya uuwi eh" bulong ko na mukhang narinig niya dahil humagikhik siya sa gilid ko

"Sa susunod na araw pa 'yun. Nagpareserve lang siya. Mamaya ha, susunduin kita" sambit ni JK

Tumango ako sa kanya bago siya hinatid ng tingin paalis ng bahay. Pumasok naman ako sa loob ng bahay at hinanap si nanay pero si Tito ang nakita kong nakikipaglaro sa mga bata

"Tito, kailan niyo po sinabi sa mga employee ng kompanya na kasal kami ni Zrage" tanong ko sa kanya at umupo sa tapat niya bago kinandong si Autumn na naglalaro sa rattle

"About that, it's Zrage who decided to publicized your marriage. Wala namang may alam sa set-up namin dati ni balae pati na din sa inyo ni Zrage. No one knows but our family, kaya hindi naman mahirap sabihin sa publiko"

"Bakit niya naman pong naisipan gawin?" Wala sa sariling tanong ko at inabot ang teddy bear sa center table na tinitingnan ni Autumn at binigay sa kanya

"Kasi mahal ka niya" napalingon ako kay nanay na kagagaling sa labas.

"Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas nang loob para gawin ang lahat na dapat niyang gawin. Ngayon niya lang mapag-isipan na gawin ang responsibilidad niya bilang haligi ng tahanan. Mahal ka niya iha, kung hindi ka niya mahal umalis na rin sana siya papunta sa ibang bansa o magtago pero pinili niyang manatili sa tabi mo" malumanay na sabi ni Tito

My Brother Is My HusbandWhere stories live. Discover now