25

9.8K 184 21
                                    

Summer

"Malapit na po kayo sir?"

"Opo"

"Sige po, bye"

Binaba ko na ang telepono atsaka umupo sa tabi ni JK. Mag-uumpisa na ang opening ceremony pero wala pa ang ibang investors kaya doble kayod kami ni JK sa pagtawag kaliwa't-kanan para mag-update kung nasaan na sila. Kadalasan pa naman sa kanila ay galing sa siyudad na naipit sa traffic at may-iilan ding taga-rito, at may iilan na galing sa labas ng bansa na delay ang flight.

"Nakita mo si sir Zrage?" Umiling ako kay JK na hawak-hawak ang telepono at cellphone

"Naiwan niya 'tong cellphone sa reception desk"

Saktong pagkasabi niya ay tumunog ang cellphone. Nagkatinginan pa kami ni JK at sabay na tiningnan ang phone na may kaka-pop lang

"O may nagtext. Paki-bigay naman 'to sa kanya sigurado akong kailangan niya 'to"

Kinuha ko agad ang inabot niyang cellphone atsaka tumayo. Ayaw kong bigyan pa ng sakit ng ulo si JK sa kakahanap pa kay Zrage. Tapos na ako sa trabaho kaya ayos lang. Kinakailangan ko pang kausapin ang ibang guests na nandito at tanungin kung nakita ba nila si Zrage. Kanina ko pa siya hindi nakikita dahil sa busy rin ako sa pagtingin at pagtawag sa mga investors, mukhang kami na rin ang naging organizer ng event na'to.

Tumunog na naman ang cellphone ni Zrage na nasa kamay ko. Lumilingon at tumitingin na ako sa gilid, likuran at sa harap para makasiguradong makikita ko talaga siya. Pumunta na ako sa penthouse para sa wala, sa loob din ng hall ay wala siya. Kung wala siya rito sa loob ay siguro nasa labas siya.

Napahinto ako sa paglalakad nang mag-ring na ang cellphone niya. Pero bago ko pa matignan ang tumatawag ay napaigtad ako sa boses na nanggaling sa likuran ko. Hinarap ko siya agad at binigay ang cellphone.

"Kanina pa tumu-"

"Get inside, the party will start any minute from now" malamig na sambit ni Zrage

Tumango ako at sinunod siya. Hindi ko na kailangang itanong sa kanya kung saan siya nanggaling. Baka sabihin niya pa na masyado na akong nanghihimasok, madadagdagan lang ang rason kung ba't ayaw niya sa'kin.

Maya-maya pa ay nagsimula na nga ang opening at ang pag-cut ng ribbon na sinabayan ng palakpakan. Ang raming tao na napunta rito, nandito rin sina nanay at tito na binati ko na kaninang pagdating namin sa penthouse kung saan din sila dumiretso. Kanya-kanya uling upo sa lamesa at nagsimulang kumain. May kumakanta sa unahan habang kumakain kami na nagpapasarap sa lalo. Kasama ko si JK sa lamesa at ang tatlong staff ng hotel dito.

Hindi ako ginanahan sa nakitang pagkain ko na nasa harapan. Parang wala 'tong lasa at hindi maganda ang pagkakalagay hindi tulad ng kay JK. Nilingon niya ako nang kalabitin ko siya.

"Pwede pahingi ng pagkain mo?"

"Sure" nakangiti niyang sagot sabay alok sa pagkain niya

Mabilis ko 'tong tinanggap na may saya sa mga mata at labi. Ang ganda talaga ng pagkakalagay ng sa kanya lalo na kung kumakain siya. Dali-dali akong kumuha ng isang dumpling kasabay ng sauce ng menudo atsaka ito kinain agad. Sinunod ko agad ang macaroons at banana sundae.

"Mukhang sarap na sarap ka sa pagkain ha, sa'yo na lang 'to" bigay ni JK sa pagkain niya na ikinalukot ng mukha ko.

"Ayaw mo na? Ayaw ko na rin" nakalabi kong sabi sa kanya

My Brother Is My HusbandWhere stories live. Discover now