7

13K 238 9
                                    

Summer

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan para gulatin si Nanay. Umuwi ako ngayon samin dahil wala naman akong trabaho. Ito ang isa sa pinakagusto ko sa trabaho ko, ang isang linggong pahinga. Hindi nila pinapagod ng maigi ang nagtatrabaho sa kanila at malaki rin ang sweldo.

Pagkatapos kumain ni Blake samin nagpaalam siya at pumunta naman ako dito samin, nakakamiss din 'tong bahay namin. Ngayon lang uli ako nakapunta simula nang makasal kami ni kuya.

"Nay!"

"Pusang gala!" Natawa ako sa reaksiyon ni nanay, nanonood kasi siya ng cooking show.

"Ang laki ko naman pong pusa nay" hinalikan ko agad siya sa pisngi bago nagmano sa kanya.

Ang sarap sa pakiramdaman na parang bumalik ako sa pagkabata ko, ganitong-ganito talaga ang ginagawa ko kay Nanay dati tuwing uuwi ako galing klase.

"Buti naman at naisipan mo pang dumalaw dito"

"Siyempre naman, ito kaya ang unang naging tahanan ko"

"Ikaw talaga. Halika ka nga dito" niyakap ko naman agad si nanay at sinandal ang ulo ko sa balikat niya

"Nay"

"Bakit anak?"

"Ayos lang po ba kung dito muna ako?"

"May problema ba?"

"Wala naman po. Nakakasawa na kasi ang mukha ni kuya"

"Anak!" Saway niya

"Kailan ka pa natutong magbiro ng ganyan?" Napalabi ako sa sinabi niya

Ngayon lang ako nagsabi ng ganito tungkol kay kuya. Simula bata pa lang kami hindi ako nariniggan ng reklamo o kahit biro kay kuya ni Nanay. Simpleng biro ko lang naman 'to kala mo naman may nagawa akong mali.

"Nay naman, ngayon lang ako nagbiro ng ganito kay kuya no"

"Kuya?"

"Bakit may problema po ba?"

"Oo. Anak di na kayo magkapatid, mag-asawa na kayo"

"Magkapatid pa naman po kami eh, yun nga lang mag-asawa"

"Ginugulo mo naman ako. Basta, huwag mo na siyang tawaging kuya. Akala ko pa naman at hininto mo na ang pagkuya sa kanya. Zrage itawag mo sa kanya"

"Pe-"

"Pero ano? Pano kung may makakarinig sa'yo? Sanayin mo na sarili mo anak. Para naman to sa inyo diba?"

"Nay, para sa kompanya"

Bahagya siyang nangiti sa sinabi ko bago ako niyakap.

Halos magdadalawang oras din kaming tahimik na nakaupo ni Nanay habang nanonood ng iba't-ibang cooking at travel show nang maisipan kong ipagluto siya ng afritada at strawberry shortcake.

Pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain at gamit sa lamesa ay binalikan ko si nanay sa sala at nakita si tito na nakaupo sa gilid niya. Sumandal lang muna ako sa may gilid para tingnan sila.

My Brother Is My HusbandWhere stories live. Discover now