35

8.1K 171 39
                                    

Summer

"Ibang-iba ang ngiti mo anak ha?"

"Po?"

"Kanina ka pa nakatingin kay Zrage. Nagkabati na ba kayo?"

Dahan-dahan akong tumango sa kanya at nahihiyang iniwas ang tingin kay Zrage. Tumutulong siya sa pag-akyat ng mga gamit ng anak namin. Hindi ko aakalaing may surprise siya na ganito.

Inalalayan niya ako papunta dito sa taas at ito ang nakita ko. Isang kwarto na puno ng mga baby stuff. May crib na at mga balloons, teddy bear at walker. May higaan din sa gilid nito. Kulay pink at blue ang pintura na mas lalo ko pang ikinangiti. Hindi naman namin alam dahil nasa kina nanay parin ang resulta.

"Mas natutuwa kaming makita kayong masaya" napalingon ako kay Tito na nasa likuran na pala namin

"Oh siya, punta kayo sa may restobar. May handa kami para sa'yo"

"Sinabihan ko na rin si Zrage. Magkita na lang tayo anak, excited na akong makita ang reaction mo mamaya" hinalikan ko naman sila sa pisngi bago sila lumabas.

Umupo ako sa kama at hinawakan ang malambot na big pillow habang tahimik na tinitingnan si Zrage at ang mga staff sa mall na ilagay ang mga pinamili niya rito.

Excited na akong malaman ang naging resulta ng ultrasound. Kahapon ay nagpa-ultrasound uli kami at check-up. Sabi ng doctor nasa first o second week ng susunod na buwan na ako manganganak. Ayaw niyang magbigay ng specific date dahil nagdedepende rin naman 'to sa panubigan ko.

"Maganda ba?" Napakurap ako at napatingin kay Zrage na pawis na pawis

"Oo, ikaw kasi bakit kailangan mo pang magbuhat?"

Tanong ko sa kanya bago tumayo at pinahiran ang pawis niya gamit ang kamay ko

"Hindi ako nakadala ng panyo. Pa'no ba 'yan, tagaktak ang pawis mo"

"Ang swerte ko sa'yo"

Nag-make face ako atsaka hinawakan ang laylayan ng sando niya

"Hindi na natin pwedeng gawin 'yan alam mo 'yan"

Inirapan ko siya na ikinahagikhik niya bago ko binitawan ang damit niya

"Nagbibiro lang ako. You can undress me if you want" kindat pa niya

"Ewan ko sa'yo"

Sabi ko sa kanya at tinuloy ang pag-alis ng damit niya bago 'to pinunas sa mukha at braso niya. Pinatalikod ko naman siya para punasan ang likod niya na basang-basa. Pinaharap ko uli siya bago pinunasan uli ang tiyan niya at binalik uli sa mukha niya at leeg.

Hinapit niya ako at napangiti nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Mabilis lang pero ramdam ko. Kinuha niya ang damit niya na nasa sa'kin at inilagay 'to sa balikat niya.

"May kwarto na ang anak natin pero hindi pa natin napapangalan. What would be her is she's a girl?"

"Autumn?" Ngumiti siya sa sinabi ko

"Fall naman kapag lalaki?"

Sabay kaming napatawa sa sinabi niya

My Brother Is My Husbandحيث تعيش القصص. اكتشف الآن