23

9.8K 194 11
                                    

Warning: This chapter contains mature content

Summer

Dali-dali akong bumangon at pumunta sa banyo para sumuka. Humigpit ang hawak ko sa gilid ng lababo bago tumingin sa salamin at nakita ang namumungay kong mga mata. Yumuko ulit ako nang maramdamang may lalabas uli. Itinaas ko ang handle ng gripo atsaka 'to pinabayaang madala ng tubig habang naghilamos ng mukha ko at nagtoothbrush.

Pumunta rin ako sa baba pagkatapos kong maglinis. Nasa hagdanan pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang mabangong pancakes at longganisa. Nahawak ko ang kamay sa tiyan nang bigla itong kumulo. Nandito siguro sina nanay.

Ngiting-ngiti akong pumunta sa kusina pero nawala agad ito nang makita si Zrage na nasa harap ng stove.

"You're up"

Hindi ko siya nasagot dahil abala ako sa pagtingin sa kanya. Kung pa'no kumilos ang mga kamay niya sa kusina. Halatang sanay na sanay siya sa pagluluto pero ngayon ko lang siya nakitang nagluto. 'Yung muscles niya nag-f-flex at kahit nakatagilid siya ay ang gwapo niya paring tingnan lalo na't naglagay siya ng apron.

"What are you staring at?"

"W-wala" nauutal kong sagot sa kanya at kumuha ng itlog sa pantry

Pakunti-kunti akong umusog palapit sa kanya para kunin ang isang pan na nasa ilalim ng pinaglulutuan niya. Naamoy ko ang body wash niyang mint.

"Pwede pausog ng kunti? Kukunin ko lang sana ang pan"

Hindi siya umusog kundi nilayo niya lang ang katawan niya sa cabinet habang panay prito sa longganisa. Nakagat ko ang labi ko at mabilis na kinuha ang pan sa cabinet, sinuguradong hindi magkakadikit ang katawan namin kahit hibla ng damit.

Tahimik ko lang na ipinrito ang itlog. Saktong pagkatapos kong magluto ay natapos na rin siya.

"You can eat those foods"

Gulat akong napatingin sa kanya na kumukuha ng tubig sa ref at binalik ang tingin sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkaing niluto niya.

"Salamat" nahihiya kong sagot, hindi alam kung ano ba dapat ang sasabihin

"You're late" tumingin uli ako kay Zrage para makita ang likod niyang papunta na sa sala.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong late? Nasapo ko ang noo nang maalalang may trabaho pa pala ako. Nagmamadali akong tumayo at nilagay sa lunch box ang natitirang itlog na niluto ko at kanin. Pati ang niluto ni Zrage ay tinakpan ko at pumunta sa kwarto para maligo at magbihis.

Hindi ko man lang napansin kung anong oras na. Dinampot ko ang cellphone kong nasa bedside table bago pumunta sa kusina para kunin ang lunch box at lumabas.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa lalaking prenteng naka-upo sa loob ng sasakyan niya. Ba't nandito pa siya?

"Hop in" nanlaki ang mata ko sa narinig at mabilis na umiling

"Mag-"

"You should be thankful that I'll let you have a ride with me. Stop that fucking dra-"

Pabagsak kong sinarado ang pintuan ng kotse niya at tumingin agad sa may bintana. Amoy na amoy ko ang after shave na bango niya at ang body wash niya kasama ng kunting amoy ng natural na leather seat at ang pinaghalong bango ng refreshener niya. Ang raming klase ng bango pero mas pumaibabaw ang kanya at kahit naghalo-halo na ay ang linis pa rin ng amoy.

"Goddammit" mura niya bago pinaandar ang sasakyan.

Muntikan akong mapasubsob sa likuran ng upuan ng passenger seat kung hindi naka-react nang mabilis ang katawan ko. Mabilis ang pagpapatakbo niya, buti na lang at wala pa kami sa mismong kalsada kundi mahuhuli kami. Walang radyo na naka-on sa sasakyan niya, pati TV off.

My Brother Is My HusbandWhere stories live. Discover now