50

2.7K 63 21
                                    

Summer

Dalawang araw na akong hindi pinapansin ni Zrage. Hindi ako sanay na tahimik siya, sanay akong palagi niya akong kinukulit kahit hindi ako magsalita. Simula nung bumalik siya pag-uusap nina Blake ay hindi na siya kumikibo. Nagsasalita lang siya kung may tanong ako. Ngayon ay kakauwi niya lang sa trabaho at kaming dalawa lang ni Fall ang naiwan sa bahay at tulog na ang huli.

"Zrage" tawag ko sa atensyon niya, lumingon naman siya sa'kin

"Kumain ka na ba?" Isang tango lang ang tanging isinagot niya

Hinayaan ko muna siyang pumasok sa banyo para makapaglinis at makapagbihis. Tahimik lang akong naupo sa kama hinihintay siya. Madali lang siyang natapos at pabagsak na umupo sa kama bitbit ang laptop niya. Wala siyang saplot pantaas kundi ang tuwalya lang na nakapulupot sa bewang niya

Pakiramdam ko minsan, hindi na kami magkaibigan sa ginagawa namin. Parang mag-asawa na kami.

"Zrage, may problema ba?"

"No" sagot niya agad bago may pinindot sa laptop niya

"Tulog na si Fall, pinuntahan mo ba?" Namumula kong tanong.

Pati ang mga tanong ko sa kanya, akala mo naman ay asawa ko siya. Tumango lang din siya at hindi ko na kaya. Bahala na kung magalit siya sa gagawin ko kung 'yun lang ang paraan para mapansin niya ako.

Bumuntong-hininga muna ako bago tinawid ang espasyo sa'ming dalawa at sinara ang nakabukas niyang laptop. Napatingin siya sa'kin at tumitig sa'kin ng ilang segundo bago binuksan uli ang laptop niya. Sinarado ko uli 'to na ikinakunot ng noo niya

"Mag-usap muna tayo. Pwede ba?" Diretsang tanong ko sa kanya

"Speak" sagot niya at tumipa na naman sa laptop niya

"Zrage, pwede bang walang laptop?"

"I have tons of work to do. I can't give you my attention but I'll listen"

"Okay, pasensya na sa isturbo" sagot ko at akmang hihiga na nang mabilis siyang pumaibabaw sa'kin

"Tomorrow, I will tell you everything. Sorry for acting like an ass"

Hinalikan niya ang noo ko bago umalis sa ibabaw ko at pinaunan niya ako sa braso niya habang yakap-yakap ako.

Rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso niya at amoy na amoy ko din ang body wash na gamit niya. Nasanay na akong niyayakap niya ako tuwing gabi at namiss ko 'to nitong nagdaang araw, kahit dalawang araw lang.

"Bakit nandito tayo sa resort?" Natatawang tanong ko sa kanya

Kaninang umaga lang ay maaga niya akong ginising at pumunta kami sa kompanya para bumungad sa'kin ang helicopter at dinala kami dito. Karga-karga niya si Fall na nakatulog sa mga bisig niya at ngayon ay naglalakad kami sa may baybayin. May mga puno naman na nagsisilbing panakip sa araw at presko ang simoy ng hangin. Tamang-tama para sa maagang paglalakad.

"Because it's all started in here" sagot niya na may kunting-ngiti sa labi

"Sir, good morning. Buko juice" napatingin ako sa isang staff na sumalubong sa'min dala-dala ang tray na puno ng juice

"Give her one" utos niya sa staff at inalok naman ako ng huli

"Salamat" sabi ko na lang kahit hindi pa ako nauuhaw, nakakahiya naman sa kanya

"You're welcome po ma'am" May ngiting sagot niya

"Welcome back sir" nakangiting saad sa kanya ng staff na tinanguan lang ni Zrage

"Anak niyo po? Matagal din kayong hindi napunta sa resort niyo" napakunot ang noo sa sinabi ng staff sa kanya

Binalingan ako ng tingin ni Zrage kaya naman napatingin din sa'kin ang staff

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon