2

17.5K 304 4
                                    

Summer

Matanda si kuya sakin ng apat na taon. Kahit kasal na si tito at nanay hindi niya binago ang apelyido ko dahil sabi ni tito respeto niya yun kay tatay. Ayos na sa kanya ang mapakasal sila at tanggap ko siya. Ang bait-bait ni tito pero di ko alam kung san nagmana 'tong si kuya. Buti na lang at tanggap niya kami-si nanay.

"Mommy, daddy. Can I borrow the car key?"

Hati ang sagot nila at gusto kong matawa sa reaksyon ni kuya. Fifteen years old pa lang siya pero marunong na siyang magdrive.

"Magpapaharurot ka na naman. Papayag ako unless may kasama ka" umiwas ako ng tingin nang tumingin sakin si tito at inabala kunwari ang sarili ko sa pagbabasa.

"Dad, I don't need a chaperone. And she's a girl, what would she do? Screaming while I drive? Dad c'mon"

"Don't go if you won't leave with Summer"

"Damn dad" inis na sabi niya't hinatak ako bigla.

"Zrage! Ingatan mo 'yang si Summer!" Pahabol na sigaw ni tito

Hila-hila pa rin ako ni kuya at pabagsak na sinarado ang pintuan ng kotse nang mapapasok na ako. Nagmamadali rin siyang pumasok sa drivers seat. Wala pa nga akong tsinelas.

Magsasalita na sana ako nang inunahan niya

"I will drop you somewhere and then go back in the house by yourself. You know the directions right?"

"San ka po pupunta?"

"It's none of your fucking business okay?"

"Pero ku-" halos mapapikit ako sa bilis ng pagpapatakbo niya

Ilang minuto pa lang akong nakasakay pinababa niya na ako. Bumaba naman ako. Malayo-layo pa ang lalakarin ko 'di man lang ako binigyan ng pamasahe. Uuwi akong nakapaa lang.

Halos magtatatlumpong minuto na akong naglalakad at kunti na lang bahay na nila tito. At kunting-kunti na lang din hihimatayin na ako sa init at uhaw. Sumilong muna ako saglit sa may puno bago naglakad uli.

Hilong-hilo na ko. Pati si kuyang guard na nagbabantay may kasama ng isa. Pagiwang-giwang na din ang daan, pumikit ako saglit para mawala ang hilo ko at pagdilat ko saktong natumba ako.

"Dad, it's not my fault! Sabi niya bababa na siya, pinagbigyan ko naman" rinig kong sabi ni kuya

"Bababa ba siya ng ganyan lang? Wala siyang tsinelas Zrage."

"Sorry" mukhang napipilitang sabi niya

"Oh? San ka pupunta? Bantayan mo si Summer. Akin na 'yang susi" narinig ko pa ang pagbukas sirado ng pintuan

"Bullshit!"

Dahan-dahan kong ibinukas ang mata ko. Nakatayo lang siya habang nakapameywang.

"Sorry po kuya" nasanay na akong magsorry sa kanya dahil siya lagi ang napapagalitan ni tito, kung hindi sana ako sumunod kay kuya at sumunod sa sinabi ni tito hindi sana siya mapapagalitan uli

"The witch is awake"

Sinaway na siya ni tito nang marinig niya si kuyang tinatawag ako na 'witch' sabi niya lang naman magkatunog lang ang 'witch' at 'winter'.

"Don't move. I'll get something"

Bumalik din agad si kuya mga tatlong minuto. May dala-dala siyang tela na sa tingin ko ay unan dahil makapal ito at yakap-yakap niya.

My Brother Is My HusbandWhere stories live. Discover now