40

6.9K 132 40
                                    

Summer

"Nandito na ang gatas niya, pati diapers. Huwag na huwag mong hayaang magutom ang anak ko"

"Bakit ayaw mong sumama?" Tinaasan ko siya ng kilay

"May rason ba para sumama ako?"

"You're nursing him. What will you do in here?"

Hindi ko siya sinagot at tinulungan na siyang ilagay ang carrier sa kanya para may suporta kay Fall. Ang laki-laki nang ngiti niya habang ginagawa 'to

"You didn't change huh" nakangisi niyang sabi

Tinaasan ko siya ng kilay atsaka inirapan, ito ang unang beses na nagawa kong mang-irap. Kita ko ang gulat sa mukha niya.

"You're still the Summer that I know. The sweet woman whom I lo-"

"Ang cute naman ng baby ko, pa-kiss nga si nanay"

Marahan kong hinaplos ang pisngi ni Fall saka siya hinalikan sa pisngi

"Lalakad raw kayo. Hindi ako sasama dahil may gagawin ako. Magpakabait ka ha?"

Napangiti ako nang makita siyang ngumiti. Hinalikan ko uli siya sa pisngi.

"We're going"

Hindi ko siya pinansin hanggang sa umalis sila.

Naupo ako sa sala at kumain nang donut na naiwan kagabi, sinama niya si Fall sa kompanya. Sinabihan niya ako kagabi nang mapunta siya rito. Balik trabaho na uli siya simula nung magbuntis ako.

Ngayong balik trabaho na uli siya, gusto niyang isama si Fall sa pagbabalik trabaho niya. Anak niya parin ang anak ko, wala akong karapatang ipagdamot sa kanya ang bata lalo pa't parati naman kaming magkasama

Hindi ko pa nauubos ang donut ko nang may magdoorbell. Dahil ako lang naman mag-isa sa bahay ay lumabas ako at tiningnan sa screen malapit sa gate ang taong nagdoorbell

Napakunot ang noo ko nang makita si Dayer. Mabilis kong pinindot ang remote control at bumukas ang maliit na parte ng gate

"Hi"

"Napunta ka rito?" Tanong ko agad sa kanya

Nakagat niya ang labi niya at nahihiyang ibinigay sa'kin ang bulaklak na nakatago sa likuran niya.

"Salamat dito, pero hindi ko ako mahilig sa mga bulaklak. Pasok ka muna"

Binigyan ko siya ng juice at nachos. Tahimik siyang naupo at nagpasalamat sa binigay ko, samantalang inilagay ko naman sa kusina ang ibinigay niyang bulaklak.

Pagbalik ko sa sala ay nakatayo na siya habang tinitingnan ang picture namin ni Fall

"His father is so lucky to have you"

"Maswerte ako sa anak ko"

"Nasaan nga pala ang daddy niya?"

"Wala" kibit-balikat kong sagot

"LQ kayo?"

Tipid akong napangiti sa tanong niya

"Wala namang kami"

Natahimik siya sa sagot ko bago tumikhim

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon