41

5.6K 148 37
                                    

Summer

Sumama ako kina nanay na bumili ng regalo. Excited na excited na sila samantalang hindi ko namamalayan na ang lapit na ng pasko.

Inilagay namin sa ilalim ng Christmas tree ang mga regalo na pinamili namin, naupo ako atsaka ini-on ang TV. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha ko, ito 'yung commercial na ginawa namin ni Dayer. Mabilis kong inilipat ang channel.

Tiningnan ko ang cellphone kong hindi ko pa na nacheck at nakita ang mga messages ng staff na ipapalabas na raw at nasa account ko na ang talent fee ko. Ang bilis nilang magtrabaho. Iba talaga ang nagagawa kapag top model.

"Ang gwapo kong apo, natulog na"

Dahan-dahang inilagay ni Tito si Fall sa crib na nandito sa sala bago naupo sa may couch sa gilid.

"Buti na lang at hindi pasaway, hindi katulad sa tatay" iiling-iling niyang sambit habang nakangiti at napatingin sa'kin

"Iha, hindi na kita nakikitang napunta sa bahay. Kayo ni Zrage na magkasama, nag-away na naman ba kayo?"

"Hindi po, atsaka kung gusto niyo akong pumunta sa inyo sige po"

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya

"Gusto ko lang kayo uli makitang magkasama ni Zrage"

"May sarili po kaming mga buhay ni kuya Tito. Hindi sa lahat nang pagkakataon ay kailangan naming makita ang isa't isa. May anak rin siya sa iba, excuse me po pupunta muna ako sa taas. Pakibantayan po muna si Fall"

Isang tango lang ang sinagot niya sa'kin at nagmamadali naman akong pumunta sa kwarto. Napaupo agad ako sa kama at huminga ng malalim. Naninibago sila sa mga kinikilos ko na matagal-tagal ko naman nang ginagawa pero hindi ko kayang pagsalitaan si Tito nang ganito.

Ang bait-bait niya sa'kin pati na rin kay nanay. Alam ko kung gano niya kamahal ang mga anak niya at gusto niya ako para sa isa sa kanila, ayaw ko siyang saktan pero hindi na ganito na lang ang tingin nila sa'min. Na may pag-asa pang magkakamabutihan uli kami

Tahimik kaming kumakain nang biglang may magdoorbell. Ako na ang nagbukas sa gate at nakita ang nakangiting mukha ni Dayer, hinalikan niya agad ang pisngi ko.

"Gabi na"

"Did you see the commercial?"

"Oo, hindi ko alam na ganito ka pala kabilis. Kanina ko pa nga rin nacheck ang cellphone ko at nakita ang texts ng staff"

Inakbayan niya ako at nginitian.

"Nagustuhan mo ba?"

"Hindi ko nakita"

"But you said yes"

"Kunting-kunti lang dahil inilipat ko rin. Nandito kasi sina nanay"

"Really?"

Tumango ako sa kanya at nagulat nang bigla niya akong iginiya papasok sa bahay. Kahit sinaway ko ay hindi siya nagpatinag. Excited na excited siya.

Nagulat sina nanay nang makita siya sa kusina, binati niya ang mga 'to at nginitian. Nagpakilala na rin siya, kilala naman siya ni Tito at nanay na ikinagulat ko.

My Brother Is My HusbandWhere stories live. Discover now