44

6.9K 193 103
                                    

Summer

"Sold-out daw lahat ang cover niyo"

"Oo nga eh"

"Mukhang hindi ka yata masaya?" Natatawang tanong ni Blake

Alam na niya kung bakit pero gustong-gusto niya pa rin akong biruin. Simula nung malabas ang issue nang magazine nung nakaraang linggo ay bigla na lang na dumami ang mga nagtext sa cellphone ko at may tumatawag. Ang iba ay mga publisher at talent scout, ang iba naman ay mga lalaking manliligaw. Kaya hindi ko na inioopen ang cellphone ko kasi maraming notifications at isa siya sa pinagtanungan ko kung binigay niya ba ang number ko pero hindi naman

Ang huling shoot namin ni Dayer ay nasa billboard na. Sa tuwing napapadaan kami ay gustong-gusto kong tumago sa hiya.

"Kunti lang"

Humagalpak siya sa tawa sa sagot ko.

"Huwag kang malikot" saway ko sa kanya

Mabilis naman siyang umayos sa pwesto niya at nilabas uli ang pang-commercial smile niya.

Nagpapaguhit siya sa'kin dahil may pagbibigyan daw siya. Kaming dalawa lang ang nandito sa may garden. Si nanay naman nasa sala nanonood ng movie, at si Fall ay sinama uli ni Zrage sa kanya.

Kalahating oras ang inabot bago ko natapos ang pagguhit kay Blake. Ang likot-likot niya. Pumasok kami sa loob dala-dala niya ang sketch pad ko.

"Oh may naghahanap na naman sa'yo. Gusto mo ba raw maging commercial model?" Nalukot ang mukha ko sa pagkakasabi ni Blake, halatang masaya siya sa ginagawa niya

Siya na ang pinahawak ko sa cellphone ko dahil ang daming nag-p-pop at gusto niya rin namang basahin ang mga 'to

"Huwag mo na lang 'yang pansinin"

Tumabi siya kay nanay na nanonood at tumabi rin naman ako sa kanya

Agad akong tumayo nang marinig ang makina ng sasakyan. Pinagbuksan ko ng pintuan si Zrage at nagulat nang makita si Hannah sa tabi niya.

"Summy, dito kami kakain isn't it sound great?"

Tipid akong ngumiti at pumasok naman sila bago ko sinirado ang pintuan. Kinuha ko kay Zrage si Fall at agad siyang umiyak. Isinasayaw ko siya pero ayaw niyang tumigil. Umupo ako sa couch at binaba ang suot-suot na damit para padedehin siya para lang sa wala.

"Sino 'tong naririnig kong umiiyak?" Tanong ni Blake na nasa kusina

Inayos ko ang damit ko bago tumayo para patahanin siya

"Anong nangyari sa pogi kong inaanak?" Tanong uli ni Blake na nasa gilid ko na ngayon. Kagat-kagat ang nilulutong hotdog.

Inubos niya muna ang pagkain bago kinuha si Fall sa'kin. Tumigil naman sa pag-iyak ang bata

"Kain na kayo" tawag sa'min ni nanay

Sumunod kami sa kanya at maya-maya pa ay umiyak na naman si Fall, hindi pa kami nakakaupo

"Baka kinakabagan" Sabi ni nanay

"Mauna na kayong kumain" Dagdag niya pa at umalis sa kusina

Kinuha ko kay Blake ang anak ko at tiningnan silang tatlo

"Kuya, mauna na po kayo" sabi ko naman sa kanila at pumunta sa sala

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon