26

9.4K 174 49
                                    

Summer

Ang aga-aga ang ganda agad ng sumalubong sa'kin. Nagluluto si Blake habang panay ang talon at iwas gamit ang takip ng kaldero. Simula nung dumating ako ay nagluluto siya para sa'kin. Puro sunog naman ang naluluto niya kaya bibili rin siya o di kaya ay ako na ang magluluto.

Inilagay niya ang takip sa gilid niya habang inioff ang stove. Ngiting-ngiti pa niyang nilagay ang nilutong longganisa at tinapay sa plato. Tahimik ko lang siyang tinitingnan sa may gilid.

Apat na araw na ako rito at halos ubusin ko na ang mga pagkain sa ref at pantry ni Blake. Ewan ko ba pero nakakaganang kumain dito sa condo niya lalo na kung kasama ko siya.

Sabay kaming nanonood ng mga travel at cooking vlogs. Hindi ko alam kong may trabaho ba ang isang 'to o wala dahil hindi ko naman nakikitang umaalis sa condo.

"Good morning" nakangiti kong bati sa kanya na ikinagulat niya.

"Honey, nandiyan ka na pala. Good morning" nakangiti niya ring sambit sabay hila ng upuan para sa'kin

"Salamat"

"Kain na tayo" kita sa mukha niya ang pagka-excited

Tumingin ako sa ulam na niluto niya at pasimpleng ngumiti, may kunting sunog pero hindi gaya ng dati na kulay itim na talaga. May paitlog pa siya sa gitna ng tinapay.

Binabantayan niya ang reaksyon ko sa niluto niya at gusto ko siyang asarin.

"Hindi ka talaga pwede magluto, tingnan mo sunog na naman" iiling-iling na sabi ko sabay subo

Namiss kong mag-longganisa. Kahit gusto ko mang ngumiti hindi ko magawa dahil tinitingnan pa rin ako ni Blake, gusto ko talaga siyang asarin

"Ba't ang pait?" Kunot-noo kong tanong kunwari

Hindi naman mapait kundi nakakadagdag sa lasa niya ang kunting tutong. Mas lalong lumabas ang lasa ng longganisa.

Kumuha siya ng isa at kinain habang unti-unting lumabas ang ngiti sa labi niya

"Binibiro mo naman ako. Nagustuhan mo no?"

Pati ako nahawa sa ngiti niya

"Anong movie ang papanuorin natin mamaya?" Tanong ko sa kanya

Araw-araw kaming nanunuod habang kumakain, walang ibang ginagawa kaya naman kahit ilang araw pa ako nandito pansin ko na ang pagbabago sa katawan ko. Medyo lumalaki na ako at ang tiyan ko may baby bump na. Si Blake pa ang unang nakahalata kahit ako hindi ko napansin.

"May gagawin tayo na mas maganda pa sa panunuod ng movie"

"Lalabas tayo?" Excited kong tanong sa kanya

Nasa mood akong lumabas. Gusto kong maglakad-lakad

"Oo, pero sekreto pa muna" taas-kilay na sabi niya

Siya na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Wala akong ginagawa dahil siya ang gumagawa sa halos lahat na. Naligo na rin ako pagkatapos at nag-ayos. Nasa mood ako ngayon at gusto kong magpaganda.

Sinuot ko ang dress na bigay ni Blake sa'kin, binilhan niya ako ng damit nung gabi na nakitira ako dito. Hindi na ako nagulat nang makita ang nakangiti niyang mukha paglabas ko. Kinuha pa niya ang kamay ko at nilagay sa braso niyang nakahanda para sa kamay ko.

My Brother Is My HusbandWhere stories live. Discover now