32

9K 149 57
                                    

Summer

"Honey gusto mo bang lumabas?"

"Wala ako sa mood lumabas eh, sa susunod na araw na lang" Tinamad kong sagot sa kanya habang kumakain ng marshmallow na dala niya

Pitong-buwan na ang tiyan ko, at mabigat na siya. Minsan nga gusto kong ako na lang si Hannah habang nagbubuntis dahil maliit lang ang tiyan niya. Siyempre, may ginagawa siyang routine para fit parin samantalang ako walang ginawa kundi kumain at may exercise rin naman kahit papano pero mas marami talaga ang pagkain. Napabuntong-hininga ako sa naisip ko

"Si-"

"Labas na lang tayo saan?"

Bigla siyang pumalakpak at napatayo agad

"Kain tayo"

"Kain na naman?" Nakalabi kong tanong

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ayaw pero kasi panay kain tayo. Window shopping na lang"

"Sige"

Parang batang humawak ako sa kamay na inilahad ni Blake bago tumayo.

"Hirap na hirap ka na nga, gusto mo pang magwindow-shopping?"

"Kung ayaw mo, magpapasama na lang ako kay Red"

"Nag-aalala lang ako sa'yo at kay baby"

"Pwede mo naman akong alalayan hindi ba?" Nakangiti kong tanong sa kanya

"Hindi talaga kita matanggihan" Marahan niyang pinisil ang pisngi bago kami lumabas sa bahay

Araw-araw na talaga siyang pumupunta sa bahay para samahan ako at bigyan ng ngiti ang mga labi ko. Unti-unti ko nang nalilimutan ang nararamdaman ko kay kuya dahil na rin kay Blake. Kunti na lang at mahuhulog na talaga ako sa kanya. Hindi siya mahirap mahalin.

Pumunta kami sa pinakamalapit na mall at gaya nang sinabi ko naglakad lang kami sa bawat stall at kung meron man akong nagugustuhan ay binibili ko. Nasa restroom si Blake habang naiwan ako rito sa may men's wear. Balak ko siyang bilhan ng damit na pang-business attire. Palagi lang kasi siyang sumusuot ng mga long sleeves, khaki shorts at sandal. Hindi ko pa siya nakitang nakaformal attire.

Lumabas ako sa department store at pumunta sa isang boutique na nagtitinda ng mga business attire na katapat lang ng department store. Naging madali lang ang pagtitingin ko dahil may nakita na akong maganda. Kulay gray na suit at gray slacks, binilhan ko na rin siya kanina ng white long sleeves sa department store. Dahil may suit na binilhan ko na rin siya ng black and white stripe necktie bago pumunta sa counter. Hindi ko na siya itinext kung nasaan ako dahil ayaw kong masira ang surprise ko sa kanya.

"6,246.45 ma'am"

"Z, this really suits you" nahinto ako sa pagkuha ng pera ko nang marinig ang pamilyar na boses

"It looks like a rag"

"Z naman you're mean, ayaw mo ba nito para kay baby?" Malambing niyang sambit

Hindi ko na narinig ang sagot ni kuya dahil wala siyang sinagot pero alam kong kukunin nila ang kung ano mang kinuha nila dahil sa impit na tili ni Hannah. Napahinga ako nang malalim nang marinig ang yabag ng paa nila sa likod ko

Mabilis akong kumuha ng pera at binigay sa cashier. Pagkatapos na pagkatapos ilagay sa box ang suit ay umalis na ako pero dahil sadyang matalas ang mata ni Hannah, napatigil ako sa paglakad at napatingin sa kanila

"Hi Summer" nakangiti niyang bati

"Hello" bati ko rin sa kanya

"6,123.00 ma'am, sir"

My Brother Is My Husbandحيث تعيش القصص. اكتشف الآن