36

7.4K 160 40
                                    

Summer

"Babantayan ko 'yang mokong na 'yan. Huwag kang mag-"

"Kuya Neon naman, nagbago na siya. Pinapasaya niya ako" kagat-labi kong sabi sa kanya na ikinataas ng kilay niya

"Hindi pa rin natin alam. Huwag kang mag-alala, hindi naman kami magpapahalata"

"Kuya"

"It's for your own good. We don't want our youngest cousin to get hurt by an asshole without something we did" biglang sabi ni kuya Ashton at naupo sa tabi ko

"Tingnan mo. He's busy chatting with Hannah who keeps on clinging on his arms. Ikaw, nandito lang sa tabi"

Napalabi ako sa sinabi ni Red at kumuha ng nachos niya. Inimbitahan kami ni Hannah sa baby shower niya at ngayon niya rin sinabing babae ang anak nila ni Zrage. Busy sila sa kakausap ng mga ibang guest niya. Sina Ate Lyre at Senna naman ay nakaupo sa katabing table namin habang sinamahan ako ng mga pinsan ko.

Kagabi pa nandito si Zrage at hindi man lang niya ako nalalapitan. Hindi rin siya nagtext, hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot nang walang text galing sa kanya kung tutuusin sanay naman akong walang cellphone. Panaka-naka niya lang akong tinitingnan at nginingitian dahil palaging magkasama sila ni Hannah.

Gusto ko nang umuwi, tapos naman ang pinunta ko rito talaga. Kaso nga lang mukhang hindi pa uuwi sina nanay na sinabay ako papunta rito. Ayoko naman silang istorbohin.

"Red, uwi na ako. Pwedeng padrive?"

Ngumiti siya sa sinabi ko bago ako inakbayan

"Sige ba. Kanina ko pa 'yan gustong marinig sa'yo"

Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko atsaka kinuha ang kamay ko para ilagay sa nakahanda niyang braso para alalayan ako. Napangiti ako sa inasta niya bago tumayo

"Kami na ang bahala rito"

"Kuya"

"Wala ka nang magagawa dahil uuwi ka na"

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni kuya Ashton at nagpaalam sa kanila bago kina tita at Tito at nanay. Gusto rin sanang puntahan sina Hannah kaso sa tuwing papalapit na kami ay lumalayo naman sila para pumunta sa ibang lamesa. Tinawag rin siya ni Red kaso mukhang hindi narinig dahil na rin sa may kalakasang music.

Hinatid ako ni Red sa bahay ni Zrage at sinamahan muna. Ayaw niyang umuwi dahil wala pa akong kasama. Tinitingnan ko ang cellphone ko nagbabakasakaling nagtext siya pero sa huli ako ang nagsend text sa kanya na umuwi na ako. Ayaw ko siyang mag-alala, pwede ko naman siyang hindi itext pero ginawa ko pa rin.

Nasanay na siguro akong kahit pumupunta siya kay Hannah ay tinatawagan niya parin ako o kaya ay text pero ngayon wala.

"Hinihintay mo ba ang text niya?" Mabilis akong napalingon kay Red na nasa likod ng couch habang nakatingin sa cellphone ko

"Bakit hindi mo rin ba 'to ginagawa sa kanya?" Tukoy ko sa ex-girlfriend niya.

Nalukot ang mukha niya at pumunta sa tabi ko dala-dala ang pizza na binili namin.

"At least naging girlfriend ko siya. Concern pa rin naman ako sa kanya kahit hindi na kami. Pero ikaw, nakakapanibago lang."

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon