24

10.6K 160 33
                                    

Summer

Ilang linggo na ang nakalipas at natutuwa ako sa paunti-unting pagmamalasakit ni Zrage kahit sa simpleng pagpapasakay niya at pagluto, kahit may pagkasungit pa rin ayos lang, importante ay nagkakaroon ng pagbabago.

Limang araw na rin kaming abala sa trabaho dahil sa may bagong i-o-open na hotel sa probinsiya. Kadalasan kulang ang tulog, kaliwa't-kanan na paperworks, tawag, emails o 'di kaya papunta dun, papunta dito.

Ngayon ko lang naisingit sa labas ang pupuntahan ko kasama si Dew. Kanina ko pa siya hinihintay rito sa entrance ng mall pero wala pa siya, labing-apat na minuto na.

To: Dew

Dew, makakapunta ka ba?

May pupuntahan pa akong kliyente namin pagkatapos nito para ibigay sa kanya ng harapan ang invitation dahil wala 'tong email at 'di macontact ang linya nila.

Mabilis kong sinagot ang tawag ni Dew. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya

"Sum-Sum sorry, sorry sorry sorry. Hindi kita masasamahan, naipit ako sa traffic at kakatawag lang rin ng boss ko na may emergency sa kompanya" rinig ko ang pag-alala sa boses niya na ikinangiti ko

"Ganun ba. Ayos lang, ibababa ko na 'tong tawag dahil nag-d-drive ka"

"Teka lang, may pinapunta ako diyan. Ka-relibo ko" natatawang sagot niya

"Sino?"

"Basta alam kong magugustuhan mo siya"

"Sigurado ka ha, kundi bilhan mo ako ng marshmallow"

"Opo. Naglilihi ka na ba?"

"Hindi ko alam. Depende lang sa naisipan kong makain. Sige na Dew, bye"

"Bye Sum-Sum. Pakisabi sa inaanak ko magbehave siya" sabi niya bago pinutol ang tawag

Wala akong maisip na malapit sa amin ni Dew. Kung sino man siya sigurado akong mapagkakatiwalaan dahil pinili siya ni Dew kahit 'di na kailangan.

Ito ang pangalawang check-up ko sa OB. Mas dumadalas na rin ang pagkahilig ko sa pagkain, at naging sensitibo pagdating sa emosyon. Tumatakaw rin ako sa tulog. Sa katawan ko wala pa naman akong nakitang pagbabago. Matagal pa siguro ang sasama sa'kin kaya inihilig ko ang ulo sa sandalan ng upuan rito sa may entrance.

"Honey"

"Honey"

"Hmm?"

"You're my honey bunch sugar pie ang gwapo ng katabi mo. Hindi ko alam ang lyrics ng kasu-"

Ramdam ko ang mahinang pagtapik sa balikat ko at rinig na rinig ang kanta ng boses lalaki. Hindi na 'rin masakit ang sinasandalan ko. Minulat ko ang mata at bumungad sa'kin ang leeg ng isang lalaki habang kumakanta pa rin. Pamilyar sa'kin ang boses.

Umayos ako ng upo at tiningnan ang lalaking nasa gilid ko. Si Blake. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?

"Ilang oras ka ng tulog" kwento niya

"Ha?"

"Tanghalian na" sabi niya sabay pakita sa screen ng cellphone niya.

Mabilis akong tumayo sa sinabi niya

"Blake, may pupuntahan muna ako"

"Hindi mo ako isasama?" nakalabi niyang tanong na ikinailing ko

"Ako pa naman ang pinadala ni Dew dito" Nagtatakang tumingin ako sa kanya

"Sabi niya samahan kita" dagdag niya

"Matagal na kayong magkakilala?"

"Hindi. 'Nung binigay niya number mo sa akin. Wala ka bang tiwala sa akin? Si Dew nga, tiwalang-tiwala sa akin"

My Brother Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon